Sagada

35 1 0
                                    

Listen to Sagada while reading this :)

Ang simoy ng hangin ang bumungad sa akin pagkababa ko ng  bus. Napapikit ako ng mariin, pagkadilat ay bumuntong hininga. Ito ang kauna-unahang nag-out of town ako na hindi kasama si Kiko, na wala ng namamagitan sa amin ni Kiko. Maaari ko kaya siyang makita dito? Lagi naman siyang nakabuntot sa akin 'di ba? Susundan niya kaya ako rito?

Flashback

Kinabukasan ay may naramdaman ako na may humalik sa noo ko. Nagising nalang ako na basang-basa ang aking pisngi.

"A-akala k-ko iniwan m-mo na ako" Umiiyak na sabi ko. Pinunasan niya ang luha ko at tipid na ngumiti.

"I'm sorry," Sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at mariin akong hinalikan sa noo. I feel home again.

Hindi ko na inopen ang topic na nangyari kahapon. Hindi ko kayang malaman kung ano ang rason sapagkat halata naman na pagkukulang ko. Instead of asking, gusto kong bumawi, babawi ako. Pero hindi ko inaasahan na siya mismo ang magpu-push na pag-usapan ang lamat sa relasyon namin.

"I kissed a girl, noong nasa club kami nila Jerico. Kaya ako nakipag-hiwalay sayo kahapon, I can't take it.hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Araw-araw kinakain ako ng konsensiya ko. I cheated on you, Belle. I'm really really sorry," Pagmamakaawa niya habang hawak ang kamay ko.

Hindi ako nagsalita, hindi ako gumalaw. Nakatingin lang ako sa kaniya, nakayuko siya at nakikita kong may luhang dumadaloy sa pisngi niya. Dapat ba akong magalit? 

Hinawakan ko ang baba niya para tumingin sa akin.

"Open your eyes, Babe" Sabi ko at pinipilit na hindi gumaralgal ang boses. I can't stand seeing him crying!

"Look at me" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Nakapikit siyang lumuluha, parang pinipiga ang puso ko. Alam kong nagsisisi siya, ramdam ko 'yon.

"It's okay. Nandito ka naman na 'di ba? Hindi naman na mauulit 'yon, 'di ba?" Mahinang sabi ko pero sakto lang para marinig niya.

At sa wakas, idinilat niya na ang mga mata niya. Tuloy pa rin ang pagbuhos ng luha niya kahit na pinupunasan ko na ito. Binigyan ko siya matamis na ngiti para gumaan na ang pakiramdam niya.

"'Wag mo na ulit gawin 'yon please. 'Wag mo na ulit akong iiwan, Kiko...... Hindi ko kaya"

Isang mahigpit na yakap ang isinagot niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako umiiyak, naubos ba lahat ng luha ko kagabi? Ang importante naman ay bumalik siya.

Hindi ako umalis sa bisig niya. Ito 'yung hinahanap ko kagabi, na babalikan niya ako para sabihin na nagbibiro lang siya o may surpresa siyang inihanda para sa akin. Itong yakap niya lang ang hinahanap-hanap ko.

"I love you, Belle" Napangiti ako at lalong isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya. I really love this man, please don't take him away from me.

End of flashback

Bumalik ako sa realidad at nagsimula nang maglakad kung saan ako pwedeng sumakay papunta sa aking tutuluyan. Bago ako umalis ng condo ay nagpaalam ako kay Tita Nicole na bibisitahin ko si Yaya Melds, well, hindi lang naman si Yaya melds ang ipinunta ko dito. Isa talaga ito sa dream destination namin ni Kiko. Si Kiko nanaman! Nandito nga ako para makalimot pero bakit mas lalo ko lang siyang naaalala?

Smiling In TearsWhere stories live. Discover now