Wakas

23 1 0
                                    


Ramuel's POV

"Alam mo 'tol mag-move on ka na doon sa childhood crush mo." Pang-aasar sa akin ni Gelo. Isa sa mga pinsan ko.

"Oo nga! Ang creepy mo, nainlove ka sa babaeng hindi mo pa nakikita," Jimmy. Isa rin sa mga pinsan ko.

Papunta kami sa Sagada para magbakasyon at gusto ko ring marinig ng live ang banda na hinahangaan ko. Nandito kami sa Van, kami-kami lang magpipinsan ang patungo roon dahil busy sa trabaho ang mga magulang namin.

"Ang iingay niyo!" Sabi ko sa kanila at tumawa ng mahina.

"Matanda ka na, Ram. Ni isa wala ka pang nagiging girlfriend dahil doon sa babaeng kinukwento ni Nay Melds," Zeus.

Si Nanay Melds ang nag-alaga sa amin ni Ramiele, twin sister ko, noong mga bata palang kami. Pero dahil humingi ng tulong ang kaibigan ni Mama sa kaniya, Ni-refer niya si Nay Melds doon kaya iniwan niya kami pero ni minsan ay hindi naputol ang komunikasyon namin at araw-araw ay ikikukwento niya sa akin ang alaga niya na si Bella.

Pero no'ng tumatanda na ako ay hindi na nagke-kwento si Nay Melda tungkol doon. Ayoko namang magdemand na magkwento siya ulit dahil nito ko lang rin kasi narealize na parang ini-invade ko ang privacy nung Bella.

At simula noon ay humanga ako sa kaniya kahit na kwento lang ng buhay at pangalan niya lang ang alam ko. Kahit isang beses ay hindi ko maitanong ang apelyido nito kay Nay Melds dala na rin siguro ng hiya. Posible ba naman kasing magkagusto ka sa isang tao na hindi mo pa nakita o nakausap? Posible, naramdaman ko nga eh.

"Ano naman kung hindi pa ako nagkakagirlfriend? Malay niyo makilala ko 'yung Bella."

"Nyay, stick to one!" Jimmy

"May ganitong klase pala sa pamilya natin," Ani Gelo kaya napuno ng tawanan ang Van, maski mga pinsan kong babae ay nakitawa rin including my twin sister, Ramiele. Nice.

"Ate Yel, bigyan mo kasi ng babae 'tong kapatid mo," Sabi ng pinsan ko na si Shiela, kapatid ni Sean.

"Hay nako, hindi ko na mabilang kung ilan na ang babaeng nilakad ko diyan pero ni isa walang nagustuhan," Ramiele.

"Magaganda sila pero hindi ko type," Bulong ko sa sarili ko pero dahil katabi ko si Sean, ang pinakatahimik sa mga pinsan ko. Lumingon siya sa akin at ngumisi.

"Magaganda raw pero hindi niya raw type," Sabi ni Sean sa kanila.

"Hahahahah may pakinabang rin pala 'yang katahimikan mo 'insan," Jimmy.

Siniko ko si Sean pero tinawanan niya lang ako.

Habang nasa biyahe ay nakatanaw lang ako sa dinaraan namin. Si Sean ay nagbabasa ng mga email niya, nagbakasyon nga pero dinala naman ang trabaho. Ang iba kong mga pinsan ay tulog. Kahit anong pilit ko sa pagtulog ay hindi ko magawa dahil hindi naman ako nakakatulog sa biyahe.

Pagkarating sa Sagada ay nagcheck-in muna kami sa Hotel at kumain. Magkakasama kami nila Gelo, Zeus, Jimmy at Sean sa kwarto samantalang ang girls ay nasa kabilang room.

Pagkatapos kumain ay nagpunta na kami sa Sagada. Dinadaldal ng dinadaldal nila Gelo ang tour guide namin habang ako ay nandito sa likod at nakasunod lang sa kanila.

"Totoo pala 'yung may mga nagpupunta dito para sumigaw at makalimot, pero iba 'yung babae na 'yon oh," Sabi ni Jimmy at tinuro ang babae kaya lumipad doon ang tingin ko.

Matangkad, maputi at maganda siya pero makikita mo ang lungkot sa mga mata niya. Tinitignan niya ang mga tao na dumadaan sa harap niya, ang paligid at kalangitan. Kung nandito nga siya para makalimot, bakit hindi niya gayahin 'yung ibang turista na sumisigaw? Maybe it will help.

Smiling In TearsWhere stories live. Discover now