Alas Dose

33 0 0
                                    


"Morning" Nakabusangot na bati ni Jona at naupo sa tabi ko.

Tatlong buwan na ang nakalipas magmula nang mag-start ang klase. Ang dating school-bahay ko ay naging school-gala-bahay dahil kina Jona. Madalas kaming lumabas kasama si Shiela at minsan-minsan ay sumasama rin si Ramiele kapag hindi ito busy.

"Good morning. Bad mood?" I smirked at her. Inirapan niya lang ako at may kinuha sa bag.

Inabutan niya ako ng isang paper bag na may lamang chocolates, "Paano ba naman ang aga-aga mambwisit ng manliligaw mo."

"Hindi ko nga manliligaw si Ram, kulit mo." I pouted.

"Nye nye, ewan ko sa inyong dalawa."

Tatlong buwan na rin magmula ng magpadala si Ram ng kung ano-ano kay Jona, minsan chocolates, breakfast meal o 'di kaya roses.

"Pasabi nalang Thank you," Sabi ko at nginitian siya.

"Oh 'di ba instant messenger pa. Bakit kaya hindi niyo nalang i-text or i-chat ang isa't-isa?" I shrugged.

Kaya hindi manliligaw ang tawag ko kay Ram. Yes, 'yung effort at pera na pinanggagastos niya para bigyan ako ng kung anu-ano ay sign ng panliligaw pero we never talked about it. Hindi rin naman kami nag-uusap at ang huling pag-uusap namin ay nung nag-sleepover kami sa kanila at hindi na nasundan 'yon, lahat ay idinadaan namin kay Jona kaya para siyang messenger namin.

Pagdating ni Eli at Grace, bumati lang din sila ng 'Good morning' at bumalik na rin sa mood si Jona. Nasanay nalang rin akong ganoon kahit na nang-aasar lang naman siya at hindi naman talaga badtrip.

Isang subject lang ang meron kami at alas dose pa ang out namin. Tahimik kong pinagtatawanan si Jona nang makita ko ang ulo niyang gumagalaw.

Siniko ko siya, "'Wag kang matulog, oy. Tumingin siya sa akin bago sumulyap sa prof at umayos ng upo.

"Ang tagal naman kasi ni Cardino magdiscuss, nakakaantok pa." Sabi niya at pumangalumbaba. "Si Grace nga tignan mo oh, humihilik pa"

hindi ko mapigilang matawa dahil hinihimas pa ni Eli ang ulo ni Grace para mahimbing ang tulog nito. Hindi lang sa sinehan natutulog ang mga ito pati na rin sa oras ng klase.

Nabuhayan lang sila ng magsalita ng "Class dismissed" ang prof.

Pagkauwi ko ay napansin ko ang paper bag na binigay ni Ram sa akin, Hindi ko maiwasan mapangiti nang makita ang laman nito. Noong isang araw kasi ay naghahanap ako ng kitkat na matcha at salt lychee flavor pero wala akong makita sa grocery store kaya nag-rant ako kay Jona, sobrang unexpected lang makatanggap ng ganito though alam ko naman na sinabi ni Jona 'yon sa pinsan niya.

To: Jona
Helloooooo, Pwede ko bang makuha number ni Ram?

Wala pang isang minuto ay nagreply na siya. Tulog sa klase pero active sa kaka-cellphone.

From: Jona
Finally! After three months ngayon mo lang naisipan 'yan. Here 09xxxxxxxxxx. Landiwell guys, support ko kayo ^.^

I thanked her and saved the number she gave.

To: Ram
Hey, This is Belle. Got your number from Jona. Anyway, Thank you sa chocolates. Waiting nalang sa diabetes lol. Thank you again and take care!

Smiling In TearsWhere stories live. Discover now