Sinderela

27 0 0
                                    


From: Jona
Sa bookstore nalang tayo magkita-kita ha?

Nakatanggap ako ng message galing kay Jona habang nagsisintas ng sapatos. Napag-usapan kasi namin na sabay-sabay kaming bibili ng school supplies dahil tatlong araw nalang ay magsisimula na ulit ang klase. Hindi naman ganoon karami ang bibilhin ko dahil apat na subject nalang ang ita-take namin ngayong year.

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang birthday party ni Jona. Si Ramiele at Shiela ay inadd ako sa facebook, at finollow sa twitter at instagram. Nakausap ko rin kahapon si Ramiele, nag-aaya na lumabas kami kasama si Jona. They're all nice.

Pagkarating sa mall ay wala pa silang tatlo kaya tumambay muna ako sa loob ng coffee shop sa tapat ng bookstore.

Ramiele is calling...

"Hello?"

"Hi, Belle!"

"Hello"

"Nasaan ka daw sabi ni Jona? Nakalimutan niya kasi 'yung phone niya sa bahay nila"

"Ah, Nandito sa coffee shop sa tapat ng bookstore. Magkasama kayo?"

"Ayaw mo ba? hahahaha"

"uhh... Hindi naman"

"Okay, punta na kami diyan," Sabi niya at binaba na ang tawag.

Limang minuto lang ang dumaan ay natanaw ko na si Jona, Shiela at Ramiele na papasok dito sa shop. Akala ko ba sina Eli at Grace ang kasama namin?

"Hi Belle!" Sabay-sabay na bati nila sa akin.

I smiled awkwardly. Tumingin lahat ng tao sa akin dahil sa paraan ng pagbati nila. Nakakahiya! Hindi pa ako bumabati pabalik ay nagsi-upo na sila.

"Hello," Maikling sabi ko. Nginitian naman nila ako.

Humarap ako kay Jona, "Nandito na ba daw sina Eli?"

"Ha? Hindi mo ba nabasa 'yung gc natin?" Tanong niya. Umiling ako, Nagloloko kasi ang line ko kaya wala akong internet at load para makipagcommunicate sa kanila.

"Hindi daw sila makakasama. Si Eli may emergency tapos si Grace ay sasamahan daw ang mommy niya. Kaya baka bukas nalang daw sila mamili" Sabi niya tsaka inilapit ang bibig sa tenga ko, "Nagpupumilit kasi 'yang dalawa na sumama sa akin, kaya sila ang bitbit ko." natatawang bulong niya. Nginitian ko nalang siya tsaka tinignan ang dalawa niyang pinsan.

"Bina-backstab tayo ni Jona, Ate Yel oh." Birong sumbong ni Shiela kay Yel.

"Hayaan mo na, baka pauwiin pa tayo niyan," natatawang sambit ni Yel.

"Galing kang work?" Tanong ko sa kaniya nang mapansin ang outfit niya. She's wearing blouse and pencil cut skirt.

Tumango siya, "Baka bumalik rin ako sa office or baka hindi na."

"Ayan nako! Hindi porket ikaw ang taga-pagmana, magc-cut ka nalang sa trabaho mo ate" Jona.

"Kaya naman ni Ram 'yon." Natatawang ani Yel.

"Tara na, Bibili lang ba kayo ng school supplies? Mag-shopping tayo after niyo mamili ha." Masiglang sabi ni Yel.

"Hindi nagta-trabaho tapos shopping-shopping" Bulong ni Shiela. Natawa kami ni Jona at hindi naman narinig ni Yel 'yon dahil siya ang nauunang maglakad.

Gaya ng plano, namili muna kami ni Jona ng school supply pagkatapos ay nagshopping, Silang tatlo lang naman ang namimili dahil puro dress, heels at bags ang binibili nila. Mas gusto ko sa branded shirt pero mukhang hindi naman nila bet doon kaya nagpapatianod nalang ako sa kanila.

Smiling In TearsWhere stories live. Discover now