Hayaan

35 1 0
                                    

STREAM HAYAAN!!!

Pagkatapos kong kumain ay nagbayad lang ako at umuwi na. Tatakbuhan ko sana 'yung restau pero alam ko kasi 'yung feeling ng matakbuhan...

Nang makarating ako sa tinutuluyan ko, naligo muna ako at nagsuot ng pajama pagkatapos ay dumiretso na sa kama at inilabas ang laptop. Inilagay ko sa youtube at tinype ang lyrics ng kanta na narinig ko sa restaurant. Gusto ko itong pakinggan kasi nakakarelate ako sa kanta, na feeling ko ginawa iyon para sa akin.

Sagada by Cup Of Joe.

Sinuot ko ang earphones ko at inilagay ito sa pinakamataas na volume. Minsan kahit na nasasaktan tayo sa kanta, ang sarap pa rin nitong ulit-ulitin hanggang sa hindi mo na maisip at makita ang sarili mo sa sitwasyon o lyrics nito.

Napapikit ako nang maramdaman ang nagba-badyang luha sa aking mga mata. It's been two years and here I am, hindi makamove forward. Paano bang magmove on? Paano mo ba masasabing okay ka na?

Siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon na humiling 'yun ay bumalik ang aking sagada.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil namamahay ako. Bumangon nalang ako at inayos ang gamit, napag-pasyahan ko na imbis na apat na araw na manatili dito ay okay na ang isang araw. Aware akong nandito si Kiko at ayoko no'n, bakasyon na nga lang ang panahon na hindi ko siya nakikita tapos hindi niya pa ibabalato sa akin? Mahirap maka-move on kung araw-araw mo siyang nakikita. Pero sayang nga lang at hindi ko mapupuntahan si Yaya Melds. Hays

Umiinom ako ng fresh milk na nabili ko sa convenient store habang naghihintay ng masasakyan papuntang bus terminal.

"Si Sagada girl oh!" Narinig kong sabi ng lalaki kaya napatingin ako sa lalaking nagsalita, nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang iba niyang kasama at nag-iwas ng tingin.

"Shut up, Gelo. Nakakahiya ka." Tinig ng babae 'yon. Wala pa bang darating na maghahatid sa akin papuntang bus terminal?

"Magpapicture tayo, malay niyo sumikat siya eh 'di tayo ang unang nakadiscover sa kaniya," bulong ng lalaki pero rinig ko naman. Sagada girl? So, isa sila sa nakakita sa akin kahapon? I feel so embarrassed.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang may magsalita sa tabi ko.

"Uhm, hello? Sorry sa pinsan ko ha?" Sabi ng babaeng nagsalita kanina, may kasama siyang babae at tipid na ngumiti sa akin.

"Okay lang." mahinang sabi ko. Nararamdaman ko ang mga mata ng kasama nila kaya naiilang ako.

"Saan ka ba papunta? Gusto mong sumabay sa amin?" Masiglang pag-aya niya sa akin kay agad akong umiling.

"Okay lang, parating na rin naman 'yung sasakyan." Kahit hindi ko alam kung nasaan na ba 'yon. Ang sakit na ng likod ko dahil sa bag na bitbit ko! Lahat nalang masakit.

"Sure ka ba? Hatid ka na namin, pambawi man lang sa sinabi ng pinsan ko." Napangiti ako sa kakulitan niya.

"Wala 'yon." At nang matanaw ko na ang sasakyan, humarap ako sa dalawang babae.

"Ito na oh....uhm sige, una na ako. Ingat kayo." Sabi ko at hindi na naghintay pa ng sagot nila, naririnig ko pa kasi ang bulungan ng kasama nilang lalaki kaya nagmadali na ako.

Muntik pa akong matisod papasok sa sasakyan. Dagdag kahihiyan nanaman kung sakaling natuloy 'yon. Bago umandar ang sasakyan napatingin ako sa grupo nung babaeng kumausap sa akin, gwapo sana ang mga lalaking kasama nila kaso mukhang mga tsismoso. Lahat sila ay nakatanaw sa sasakyan na sinasakyan ko. Umiling nalang ako para mabura sila sa isip ko.

Smiling In TearsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora