Chapter 08

421 124 29
                                    

Nothing as usual wala namang bago. Normal day and I forgot na almost 4 days na ang nakakalipas since noong huling nakita ko si Callix.

 It's Wednesday nothing new. I just woke up early dahil maaga ang first subject namin ngayon and I am wearing my arki uniform. I just went to Ust at naglakad na papunta sa building namin.

Pag upo ko halos kararating lang din ni Reina sa classroom at maya-maya dumating na rin ang professor kaya hindi na kami nakipag chikahan masyado. Natapos ang araw nang mag class dismissal and nagpaalam na ko kay Rei.

 Para akong tulala sa hallway habang naglalakad umupo muna ako sa may bench saglit bakit gano'n? Tanong ko sa sarili ko... parang may kulang bakit lagi ako nag kakaganito these past few days? 

Am I missing him? No, hindi naman siguro. Nasanay lang siguro ako sa presensya niya na palagi kaming lumalabas. Hindi ko ma-explain, parang ang lungkot.

Nakita ko na lang ang sarili kong tinext ko siya sa instagram.

@ashalvarez: pst...

I chuckled at my text. Agad naman siyang nag online kaya napangiti ako ng walang dahilan. "Ashley, ano ba 'to? Hindi mo siya gusto hibang kalang!" sabi ko sa aking utak. 

Typing..... mga ilang minuto ang hinintay ko bago siya nag reply siguro may ginagawang iba or busy. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ayaw niya ba akong kausap?

@callixrmrz: Do you need anything?

Napaisip ako kung may kailangan ako. Natawa ako sa sarili ko ng wala naman pala. Ikaw, charot! miss na kita e, syempre 'di ko yun sinabi nakakahiya. 

@ashalvarez: Wala naman, bakit busy ka Engr?

I smirked staring at my phone. Hinihintay kung ano ang ire-reply niya.

@callixrmrz: Let's meet ngayon? wala naman akong gagawin.

Sa wakas. Makikita ko na siya ulit kaso ang layo din ng university niya. I replied to him 'where'  hindi ko naman dinala 'yung car ko. Kaya may chance ulit akong maka-sakay sa kotse niya. Hindi naman ako maharot. Sakto lang. 

Finally makikita ko na rin siya after ng ilang araw kahit ang sungit ko do'n. Kahit hindi ko man aminin sa aking sarili I think I'm starting to like him.

Natatawa na ako sa mga iniisip ko naghintay na lang akong sunduin niya at after ng mga ilang minutes nandito na siya. Ang bilis niya, ah? Bumaba pa siya para pagbuksan ako ng pinto sa shotgun seat. Tapos umikot na siya para makabalik sa driver's seat. Tinanong niya lang ako kung saan ko daw gustong pumunta.

"San mo gusto pumunta?" He glanced for me for a second tapos itunuon na lang ang sarili sa pag da-drive.

"Wala kahit saan, okay lang" sagot ko naman habang nag i-ig story picture. It is a picture of a road. Tapos may nakalagay na time and may " : ) " ganito sa ilalim.

"San mo nga gusto?" He insisted. Kahit saan basta kasama ka, Callix. My heart is beating so fast baka nga naririnig na niya sa sobrang tahimik dahil wala naman kaming pinaguusapan tanging tunog lang ng aircon ng sasakyan ang naririnig ko. Bakit ako nagkakaganito?!

"Sa puso mo bakit?" tarantado kong sagot. Why am I nervous? Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko na ata na namamalayan na unti-unti na akong nahuhulog.

He just stifled a smile.

"So anong type mo?" I suddenly asked para naman may mapagusapan kami.

"Type saan?" He asked innocently. 

"Malamang sa tao shunga" I laughed.

"Just someone who is always there for me until we grew older, someone who is nice, who is caring..."

"'Yun lang?" I asked. Ayaw pa sabihing 'Ashley' para hindi na siya mahirapang mag explain. I just chuckled dahil ang dami ko ng naiisip.

"Syempre meron pa, ah, basta" 

"Ako na nga ang sasagot mukhang hirap na hirap ka" I laughed at him. "Architect student, maganda, mapagmahal at Ashley Natasha Kim Alvarez ang pangalan. Gano'n dapat" proud kong sabi and he just smiled at me.

"Ang haba naman ng pangalan mo" reklamo niya.

"Love na lang kaya? para mas maikli" What the fuck?!

 Nakakakilig naman parang mahihimatay na ata ako dito sa kinauupuan ko. 

"Callix! tigilan mo nga 'yan" sinamaan ko siya ng tingin.

Hanggang malapit na kami sa place kung saan siya na ang nag decide he parked the car in the parking area. Tapos isang restaurant siya na pag labas mo malapit lang din sa park. We ordered   pasta and drinks for us. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa natapos na kami.

"Ako na mag babayad ng bill Callix" I smiled para naman payagan na niya ako nakakahiya kaya.

"Ako na, not you" He arched a brow. "I asked for us to go out so ako ang magbabayad, Ashley." pumayag na ako kaysa magtalo pa kami dito mag gagabi na rin kaya may mga lights na nakabukas sa park ang ganda nakaka relax.

"Halika dito muna tayo Callix ang ganda, oh" para akong bata na na a-amazed sa mga lights na nag kikislapan umupo lang kami sa may bench habang ako naman puro ig story tapos picture lang 'yon ng park. May caption sa ibaba 'with him' pinaliit ko yung text para hindi makita sinadya ko talaga.

Sandali kaming natahimik habang pinapanood yung mga batang naglalaro sa park. Wala naman kaming mapagusapan maaga pa naman 7pm pa lang. Nakaka relax talaga 'yung atmosphere.

After mga ilang minutes na pag desisyonan na namin umuwi hinatid nya pa talaga ako sa unit ko. Huwag mo 'kong ganitohin Callix baka mag expect na ako nito. "What the heck!" I whispered. Kinurot ko ang sarili ko para bumalik sa katinuan kaya napatingin sa akin si Callix.

 "I'll just gonna text you when I'm home" he informed me. Tumango lang naman ako at nagpaalam na sa kanya.

"Okay, take care bye"

"Bye... love" he smirks bago isinara ang pinto ng condo ko.

Did he just called me love? Callix. Hindi pa naman kami para tawagin nya ako sa endearment na 'yon. Darating din ang araw na 'yon, let's just enjoy what we have now.

Bakit pag kasama ko siya ang saya-saya ko? ito na ba 'yung tinatawag nilang pagmamahal? Na wala ako? Ito ba yung feeling no'n? Siguro...  hindi ko din alam o baka fling lang 'to or crush, maybe laro lang para samin? maraming tanong ang pumasok sa isip ko.

pero ang saya saya ko kapag kasama ko siya...

Hindi ko alam walang nakakaalam para sa amin. Siguro kung anong mayroon ngayon dapat maging masaya na lang ako. Nag beep ang phone ko habang tulala ako sa kanyang mga message.

 He texted me. I saved his number on my phone and changed it to a nickname 'crush ko na ata to'. Kinikilig ako sa text niya kahit simple lang 'yon, feeling ko kailangan ko malaman na nakauwi na nga siya.

bat ako kinikilig?.......

Pathway to Success (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now