11th

19.1K 870 345
                                    

Usap



Hindi ako makapaniwalang nakatulog na talaga sya. Ilang sandali akong nanatiling nakaupo sa lounger habang tulala sa anyo niyang natutulog nang mapayapa. Damn, his lashes are crazy long. He's now sleeping like a baby.


Suminghap ako.


Ang tingin ko'y dumako sa nakasalpak na airpods sa magkabilang tainga niya. Akala ko pa naman ay hirap siyang makatulog! Music lang pala ang katapat niya!


I wonder what he's listening to.


Nagdalawang isip ako kung hahayaan na lang syang matulog doon o papalipatin sya sa loob ng tent. Sa huli ay minabuti kong wag nang abalahin ang pagtulog niya.


Kumuha na lang ako ng extrang blanket at unan mula sa tent namin ni Rae saka dinala sa pwesto ng tulog na si Ali. Maingat kong nilagay ang unan sa ilalim ng ulo niya at tinalukbong ang kumot sa katawan niya.


I don't know what time I got back in our tent but as soon as I laid my back on the camp bed, I was easily pulled into slumber.


Napaigtad ako nang maalimpungatan kinaumagahan. I had a mini heart attack when I got a glimpse of the bright sky outside. Hindi ako nakapag-alarm!


Mabilis kong binuhay ang phone para tignan ang oras. Nakahinga ko nang maluwag nang makitang 7:09 AM pa lang. Not bad.


Wala na si Rae sa tabi ko. Maayos na ring nakaligpit ang tinulugan niya. I did the same on my spot before going out of the tent.


Naabutan ko si Rae at Aki sa labas na nagliligpit ng ilang kalat na naiwan sa may bonfire kagabi.


"Where are the others?"


"Reception, Ate." Rae answered. "Kuya Aysen's tryna request for a trash bag,"


"Pati sina Davion?"


Umiling ito. "Tulog pa. Kuya Elcid went with him though." aniya. "Kuya Cal's out to get some coffee. Kasama niya si Kuya Ali,"


"Ali?" bigla kong naalala ang tagpo kagabi.


Lumipad ang mata ko sa sun lounger na ngayon ay bakante na.


"Anong oras syang nagising? Is he already awake when you guys woke up?"


"No." it was Aki who answered this time. "Apparently, sa lounger sya nakatulog. Dun namin sya naabutan."


"Right. Halos kakagising nya lang din. Ang ingay kasi ni Kuya Cal dito sa labas kanina. He was too puzzled to see Kuya Ali sleeping out there so.." she shrugged. "His snoopiness ended up waking him up,"


Oh. Kung ganon mukhang nakatulog naman pala sya nang mahaba kahit papaano. Hmm, he seems fine naman pala. I thought he really has a problem in sleeping or something.


Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at dinaluhan na ang dalawa sa ginagawa. Naunang makabalik sina Aysen. Imbes na trashbag ay ang mismong staff na ang sumama sa kanila. The janitor continued cleaning the area for us.


"Let's eat breakfast? May buffet sa main hall,"


Dumating na rin si Cal at Ali. They got coffee for everyone.


Kukumustahin ko sana si Ali para itanong kung nilamok ba siya kagabi kaya lang ay hindi ko mahuli ang mata niya. Ipinagpaliban na lang iyon at naisip na mamaya ko na lang siya tatanungin.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon