208. Him and I

27 2 1
                                    

Title: Him and I

Author's USERNAME: @chikadorang_negra

Genre: General Fiction, Romance, Comedy, Action

Status: On going (w/ 153 chapters)

Language: Tagalog, English

Synopsis/Description/Prologue:

DESCRIPTION:

Ang buhay kong puno ng takot at kalungkutan ay biglang nagkaroon ng kulay. Magulo at nakakalito, ngunit sa kabila ng lahat nanatili kang pader na sumasangga sa lahat ng palo na aking natatamo. Sa kabilang banda, tinuruan mo akong makisama at magmahal ng walang katulad at pag-aalinlangan.

When it comes to love, it should not be the usual. It must be mutual!

Hindi tayo dapat masanay sa one sided love. Mas piliin mo ang taong nagmamahal sa 'yo. 'Yong tipong mahal ang kalakasan mo at tanggap ang kahinaan mo. Igagalang ang desisyon mo at susuportahan ka sa gusto mo.

Sa pag-ibig hindi pwede ang 'keep the change'. Dapat kunin mo ang sukli para 'di ka malugi'. Sa pag-ibig hindi pwede ang tanggap ka lang ng tanggap, dapat marunong ka rin magbigay, pero h'wag sobra dahil ang sobra ay masama.

Don't give more than enough. Dapat yung sakto lang, 'yung sapat at hindi kulang.

Cross my heart, hope to die, to my lover, I'll never lie. I am his and he is mine. In the end, it's him and I.

Started: 09/11/20

PROLOGUE:

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place and events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
__________________________________

HIM & I

Nakarinig ako ng mahinang yabag ng paa kaya naman napamulat ako ng wala sa oras. Pinakiramdaman kong maigi ang mahinang tunog ng sapatos. Kahit hindi ko nakikita alam kong nagdadahan-dahan siya sa paglalakad.

Muli kong ipinikit ang aking mata. Naka-Indian sit ako sa kama at nakasandal ang likod sa headboard nito. Nakakrus din ang aking mga braso.

Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto. Nakalikha ito ng ingay ngunit binalewala ko lamang 'yon. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya naman bigla kong iminulat ang aking mata. Bakas sa mukha niya ang takot at pagkagulat.

"Ahmm.." Napakamot siya sa ulo niya. Halatang kabado siya. "Hindi ka ba mag-peprepare? First day ngayon." Nahihiya niyang sabi.

Tinitigan ko siya dahilan para lalong mamilog ang mga mata niya.

"Sige, hahantayin na lang kita sa baba." Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto na animoy nakakita ng multo.

Nagsimula na akong maghanda. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis. Una kong sinuot ang mga panloob, kasunod ng pantalon, T-shirt at rubber shoes. Kinuha ko ang backpack ko at isinukbit gamit ang kanang kamay ko.

"Good Morning!" Masayang bati ni Gloria. Tinanguan ko lang siya at umupo sa upuan at nagsimula ng kumain.

Pinagtinginan ako ng dalawang anak niyang babae. Napatingin din ako kay Gloria na bahagyang nakangiti. Tila tuwang-tuwa sa natutunghayan.

"Marunong ka bang magdasal? Ni hindi ka man lang marunong bumati. Puro ka lang tango." Inis na sabi ng panganay niyang anak. Sa gilid ng aking mga mata ay natanaw ko ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Halatang inis na inis ng dahil sa aking inasal.

Wattpad Stories Compilation 2Where stories live. Discover now