216. Addicted to your Kiss

14 2 0
                                    

Title: Addicted to your Kiss

Author's USERNAME: @ERAXXEY

Genre: Romance

Status: On Going

Language: Tagalog, English

Synopsis/Description/Prologue:

PROLOGUE

"Sister Jen, paglaki ko po gusto ko maging katulad niyo."

Napangiti ang Madre sa tinuran ng batang si Eli. Gamit ang kaniyang isang kamay ay dahan-dahang sinuklay niya ang mahabang buhok ni Eli bago ito hinarap sa kaniya at kausapin.

"Eli hindi masama ang maglingkod sa Diyos, ngunit ang pagmamadre ay hindi pangkaraniwang gawain sapagkat kailangan ay bukal sa puso mo itong gagawin ng walang sino man ang dumikta sayo at nagpilit na gawin iyon." Nakangiting pagpapaliwanag ni Sister Jen Kay Eli na bahagyang kumunot ang noo at may halong pagtataka ang mababakas sa mga mata ng batang si Eli.

"Ngunit Sister Jen gusto ko pa rin maging katulad niyo. At tanggap ko po ang kahit anong gawin ng pagiging Madre." Napanguso ito katapos magpaliwanag na siya namang kinatawa ng bahagya ng kausap.

"Bata ka pa Eli kaya hindi mo pa naiintindihan ang mga sinasabi mo dahil alam ko magbabago ang lahat kung nasa tamang edad kana." Tumayo si Sisiter Jen sa pagkakaupo sa silya kung saan palagi silang nandito sa likod ng bahay ampunan na may isang kubo ang nakatayo at sakto lang para gawing tamabayan. Dahil sa maganda ang panahon at mahangin ay naisipan ni Sister Jen na mag-aliw-aliw pansamantala kasama ang batang si Eli.

"Hali kana Eli pumasok na tayo at baka hinahanap na tayo nila Sister Rose" Tumango ang batang Si Eli bago humawak sa kamay ni Sister Jen na nakalahad sa harap nito para akayin paalis sa kubo na iyon.

Tatlong taon na ang lumipas mula ng pumanaw si Sister Jen at di parin matanggap ng aking sistema ang pangyayaring iyon. Sariwang-sariwa pa ang aming mga alaala na kasama ko siya hanggang sa sanggol palang ako at ng maglaki ay siya na ang nandyan sa tabi ko kaya ganun na lang ang aking pagluluksa dahil hindi lang sa akin isang Sister si Sister Jen ngunit tinuring ko na rin itong isang tunay kong Ina na nagbigay sa akin ng aruga at pagmamahal.

Mula ng mawala siya ay binalot na ng lungkot ang aking sistema kaya naisipan kong bumukod para kahit papano ay mawala ang sakit na dinadala ko dahil habang tumatagal ang aking pamamalagi doon ay nakikita at nakikita ko siya sa bawat parte ng bahay ampunan kung saan ako nagmula at dahil sa kaniyang pagkawala ang tanging paraan ko lang para makalimot ay magpatuloy sa pag-aaral na sabay naming pinangarap ni Sister Jen ng buhay pa ito.

"Eli girl are you okay?" Napabaling ang tingin ko kay Amary ng bigla itong magsalita.

"Ha?" Tanging lumabas sa aking bibig. Hindi ko namamalayan na natulala na pala ako at nakalimutan na may tao pa palang nasa harapan ko.

Napataas ang kilay nito at paerap na sinalubong ang aking tingin. "What are you thinking ba?" Maarte nitong saad bago ininum ang ang isang tequila sa aming harapan. Nasa bar kami ngayon dahil nag-aya siya dahil nagbreak sila ng jowa niya pero hito ngayon ang daming nilalandi parang di naman nasaktan.

"Naalala ko lang si Sister Jen." Ani ko bago linagok ang isang baso ng tequila. Ramdam ko ang pagdaloy nito sa aking lalamunan at pait na lumukob. Medyo may tama na din ako dahil kanina pa kaming 6 pm at ng tignan ko ang oras ngayon ay 12 am na ng di ko namamalayan.

"Then why don't you visit her" Suhisyon niya kaya napatahimik naman ako dahil sa lumipas na tatlong taon ay di ko manlang siya binalak na bisitahin sa sementeryo dahil ayaw ko at di pa ako handa.

Napaiwas ako ng tingin at di na nagsalita pa na siya namang kinabuntong hininga nito. Alam ni Amary ang nakaraan ko dahil kwenento ko sa kaniya lahat kung saan ako nagmula at sino ba talaga ako. Kaya ganun na lang siya magsalita sa akin at kahit di man niya sabihin ay nagaalala ito sa akin dahil ramdam ko iyon.

Nagpaalam itong may kakausapin lang kaya naiwan akong mag-isa. Ilang saglit lang ay naramdaman kong naiihi ako kaya kahit pasuray suray kung lumakad ay patuloy parin ang paghanap ko ng comfort room at di ko na namalayan na may nabunggo pala ako at dahil wala naman akong narinig na umangal ay nagpatuloy nalang akong pumasok sa isang cubicle.

Maglalakad na sana ako pabalik ng biglang may nabangga ako kaya napaangat ang tingin ko dito. "S-sorry po kuya." Sabi ko at ihahakbang ko na sana ang aking paa ng bigla ako nitong hinawakan sa bewang na siyang kinagulantang ko naman.

"Don't move"

Napakunot noo ako sa kaniyang sinabi at dahil sa malapit kami sa isa't isa ay napagmasdan ko ang kaniyang mukha. Napatingin ako sa kaniyang kilay na sakto lang ang kapal nito hanggang sa mapadapo sa kaniyang mata na kulay asul at kay sarap titigan na parang dagat at sinamahan pa ng mahaba at makapal na mga pilik mata na bagay lang sa kaniya. Ang kaniyang ilong na naguumapaw sa taas nito hanggang pababa ng pababa ang aking pagtitig at di sinasadyang dumako ito sa kaniyang mapulang labi na nakakaakit tignan.

Napatiim-bagang ito kaya napapalunok ko itong tinignan sa kaniyang mga matang nakakatitig sa akin. " A-ah I h-have to go. I'm s-sorry." Kinakabahan kong saad at nagbalak na tumalikod ngunit nagulat ako sa kaniyang ginawa.

Kasabay ng paghigpit ng paghawak nito sa aking bewang ay sinalubong ako ng kaniyang nagaalab na halik. Hindi ako nakakilos agad dahil sa pagkagulat at kabang naramdaman. Ito ang kauna-unahang halik na natikman ko. Hindi ko na nagawang makapalag ng mas lumalim ang kaniyang halik na ginagawad.

Bawat kilos ng kaniyang labi ay mas lalong nagiinit ang aking nararamdaman hanggang sa di ko na namalayan na sumasabay na pala ako sa kaniyang mainit na halik. Ilang minuto ang na magkalapat ang aming mga labi hanggang sa napagpasyahan niya akong dalhin sa isang hotel hindi ko lang alam kung anong pangalan dahil sa nanlalabo na din ang paningin ko.

Namalayan ko nalang na nasa loob na kami ng kwarto at sabay na malakas na umuungol dahil sa sarap na pinagsaluhan. Pabilis ng pabilis ang kaniyang pag-indayog sa aking itaas habang ako ay palinga-linga kung saan babaling ang aking ulo dulot ng sarap na pinalalasap nito sa akin. Kapwa kami pagod at hingal na hingal ng pareho naming narating ang rurok ng kaibuturan.

"Patawad Sister Jen hindi ko na matutupad ang maging Madre" Tanging na ibulong ko nalang bago ako tangayin ng kadiliman.

Book Cover:

Book Cover:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Wattpad Stories Compilation 2Where stories live. Discover now