227. It's always been you

21 2 0
                                    

Title: It's always been you

Author's USERNAME: @Mikadzuki_Xhrainne

Genre: Drama, Romance

Status: On Going

Language: Tagalog, EngLish

Synopsis/Description/Prologue:

PROLOGUE

Matindi ang buhos ang buhos ng malakas na ulan pero heto ako at sinusukob, ni di manlang ininda ang malalaking butil ng ulan na dumadapo sa mga balat ko.

Hapong hapo na ako pero wala akong balak tumigil, kelangan kong makalayo sa sakit, ayoko na. Nasasaktan na ako.

"Ally! Hey stop" 

Pero ayoko lumingon. Sa unang pagkakataon nakaya ko ang hindi lumingon sa kanya, kelangan ko tong panindigan. Para sa sarili ko.

"Ally! Can you just please stop running?! Malakas ang ulan ano ba?!"

Pero nanatili akong tumatakbo, wag kang lilingon Ally, tibayan mo ang sarili mo. Wag kang lilingon please.

"Baby please"

Napamura nalang ako sa isip ko ng dahil sa pagtawag sakin ni Zeus. Shit. Please stop, nasasaktan na ako Zeus, please. Paulit ulit kong pinupunasan ang luha ko hanggang sa naabutan niya ako.

"Baby please, mag usap naman tayo"

Mahinahon na pagtawag ni Zeus sakin, shit. Zeus is my strength but also my weakness. Nasasaktan na ako.

"Baby?" Marahan niya akong iniharap upang magpantay ang tingin namin pero di ko ito nagawang salubungin. Umiwas ako ng tingin habang may mga luha na kumakawala sa mga mata ko.

"Im sorry, please forgive me baby please" pagsusumamo niya. Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binibigkas niya.

"Ally?" Pagtawag niyang muli sakin, sa pagkakataong ito tumingin na ako ng deretso sa mga mata niya habang lumuluha. Hindi ko matagalan ang mga titig niya, sa tuwing nakikita ko ang mukha niya nakikita ko yung pagtataksil na ginawa niya sakin.

"Please I'm sorry"  saad niya at pinagdikit ang noo namin. Napapikit na lamang ako. Lahat nalang ng gawin niya iba ang epekto sa puso ko. Siya padin ang sinisigaw kahit anong sakit ng nararamdaman ko.

Humugot ako ng malalim na hininga saka ko siya tiningnan sa mga mata.
"Iloveyou. God knows how much iloveyou Zeus. Kaya kahit anong sakit? Kahit anong hirap? Kinakaya ko kase mahal kita. Matagal tagal nadin ang pag tiis ko sa lahat ng sakit Zeus tao rin naman ako. Nasasaktan. Hindi porke sinabi kong ok lang, ok na ako. Hindi porke pinatawad kita uulitin mo uli ang nagawa mong pagkakamali at hindi porke minahal at mahal na mahal kita, paulit ulit mo na akong sasaktan, napapagod din ako Zeus. Na kahit sabihin kopang Mahal kita, hindi iyon sapat para manatili ako sayo"

Saad ko habang nakatingin sa kanya bakas ang gulat na rumehistro sa mga mata niya at ang biglaang panunubig ng kanyang mga mata. Nasasaktan din siya. 'Sorry Zeus pero ansakit talaga' tanging nasambit ko sa isip ko.

"I'm sorry Ally, sa sobrang kontento ko na mahal na mahal mo ako hindi kona iniisip ang nararamdaman mo, I'm so sorryy but trust me, mahal kita. Mahal na mahal kita Ally, please give me another chance please? Baby" saad niya na nakapag paluha sa akin.

"Ilang beses ka ng nagkamali Zeus at sa bawat pagtatawad ko sa mga nagawa mo binigyan kita ng isa pang pagkakataon para magbago, pero wala parin Zeus." Saka ko dahan dahang inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa mukha ko.

Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at hinalikan. Sa sobrang gulat ay hindi ko malaman kung itutulak koba siya o damhin nalang ang halik niya na siyang nakakapanghina sa akin. Ngunit siya din ang naunang bumitaw saka niyakap niya ako.

"Kung ang pag alis mo ay ang siyang tanging paraan para di na kita masaktan, kung palayain ka ang tanging paraan para maghilom ang mga sugat na ako ang siyang dahilan, kahit masakit papalayain kita"

Sunod sunod sa pagpatak ang mga luha ko saka ako gumanti ng yakap sa kanya. Saka ako humiwalay at tumingin sa mga mata niyang puno ng luha.

"Hindi ko pinagsisisihan na minahal kita Zeus, kahit nasaktan moko ikaw parin ang mahal ko. Salamat sa mga araw na ikaw  ang siyang naging dahilan ng saya ko pero hanggang dito na lamang tayo Zeus, Hinihiling ko na palayain mo na ako" kasabay ng pag agos ng luha naming dalawa ang lalong paglakas ng ulan.

"Pinapalaya na kita"  sinabi niya iyon ng hirap na hirap. Sandali ko pa siyang tinignan at saka nako tumakbo papalayo habang lumuluha.

Book Cover:

Wattpad Stories Compilation 2Where stories live. Discover now