313. His Disappearance And Their Encounter

8 2 1
                                    

Title: His Disappearance And Their Encounter

Author's USERNAME: @Bbliciouxx

Genre: Teen Fiction

Status: On Going

Language: Tagalog, English

Sypnosis/Discription/Prologue:

"Kim!" Tawag ng isang batang lalaki  kay Kim. Papasok na sana si Kim sa  room nila. Nang makita niya  ang batang lalaki ay  ngumiti agad ito sa batang lalaki at kumaway.

"Oh? Bakit wang?" Tanong ng batang babae sa isang batang lalaki nang makalapit ito sa kanya. Wang ang tawag niya rito.

"Pumunta ka sa playground don sa park after ng klase niyo ah?" Nakangiting pag-aanyaya ng batang lalaki.

"Bakit?" Nagtatakang tanong naman ng batang babae ngunit naka ngiti pa rin.

"Laro tayo!" Masiglang sigaw ng batang lalaki.

"Sige ba!" Sang-ayon naman ng batang babae at nagpaalam ng pumasok sa room sapagkat parating na ang guro neto. Ang batang lalaki naman ay nakangiting bumalik sa kanilang classroom.

Matapos ang klase nila sa araw na iyon. Nag mamadaling umuwi ang batang lalaki sa ka dahilanang mag papa-gwapo. Ang batang babae naman ay dumeretso na sa playground na kanilang ginawang tagpuan.

Matapos mag pa gwapo ng batang lalaki ay bumaba na siya at natagpuan niya ang kanyang mga magulang at ang kaibigan neto na magulang ng batang babae.

Timing! Sa isip ng batang lalaki.

"Mommy!" Naagaw naman niya ang atensyon ng mga magulang at mga panauhin neto.

"Oh? Anak, naka uwi ka na pala? At bakit bihis na bihis ka?" Nagtatakang tanong ng kanyang Mommy. Lumapit siya sa mga ito at isa-isang nagmano.

Bumulong siya sa Mommy niya tungkol sa kanyang plano. Humahagikgik ito na tila kinikilig.

"Ano 'yang binubulong bulong niyo d'yan?" Nagtatakang tanong naman ng Daddy ng batang lalaki. Ang Mommy nalang neto ang bumulong sa Daddy niya at gano'n rin ang reaksyon neto. Nagtataka naman ang mga panauhin nila.

"Ahm..T-tita, Tito. Humihingi po ako ng permiso sa inyo upang ligawan ang inyong anak." Nahihiya man ay nilakasan niya ang kanyang loob para sa babaeng mahal.

Nabigla naman ang mga magulang ng batang babae. At mas may ikinabigla pa sila sa sunod na sinabi ng batang lalaki.

"At kung inyong pagbibigyan ay gusto ko po sana siyang pakasalan kapag malaki na po kami." Taas noong sabi ng batang lalaki.

Ngumiti ang mga panauhin at sabay na tumango. "May tiwala kami sayo, ijo." Sabi ng Tito neto.

"Yes! Yes! Yes!" Masayang-masayang saad ng batang lalaki.

"Balae na pala kita best friend!" Magkakasabay na saad ng Mommy at Tita ng batang lalaki. Tumawa  silang lahat. Matapos 'yon ay bigla niyang naalala ang batang babae. Nagmamadali siyang nagpaalam at lumabas na ng bahay.

Nagmamadaling kinuha ng batang lalaki ang kanyang bisekleta. Malapit lang din naman ang bahay nila sa playground kaya madali siyang nakarating. Natanaw niya ang batang babae na naka upo sa isang swing at tila may inaantay.

Lumapit siya reto at akmang gugulatin ng bigla itong lumingon sa kanya dahilan para maglapat ang kanilang mga labi. Gulat na tinulak ng batang babae ang batang lalaki. Nahihiyang bumati ang batang babae.

"Andyan ka na pala." Nahihiyang saad ng batang babae.

"Ahm. Oo, pasensya ka na medyo na tagalan." Kamot ang ulong sabi ng batang lalaki. Umupo ito sa harap ng batang babae.

"Kim, may sasabihin ako sayo. Natagalan ako kasi humingi ako ng permiso kay tita at tito na ligawan ka. Pumayag naman sila. Ikaw nalang Kim. Kim, pwede ba kitang ligawan?" Pahayag ng batang lalaki.

Ngumiti ang batang babae at tumango.

"Wala ng ligaw-ligaw, Wang. Boyfriend na kita at ako na ang Girlfriend mo." Masayang sabi ng batang babae.

"Yehey!" Napasuntok sa hangin ang batang lalaki dahil sa lubos na kasiyahan.

Matapos ang pangyayaring iyon. Araw-araw na silang pumupunta roon sa playground. Hanggang sa isang araw.

Umabot ng ilang taon na ganoon ang flow ng relationship nilang dalawa.

Not until...

"San ka na ba, wang?" Bagot na bagot na saad ng Dalaga. Kanina pa siya nag-aantay sa kasintahan. Mag aalas-6 na ng hapon at napagpasyahan na ng dalaga na umuwi.

Walang ganang pumasok ng bahay ang  dalaga. At nagtataka ang mga magulang at ang Yaya Linda neto.

"Mano po ma, pa." Sabi ng batang dalaga at nagpaalam ng pumunta sa kwarto. "Doon na po ako sa kwarto." Bagsak ang balikat netong paalam.

Kinabukasan nagmamadaling pumasok ang dalaga upang makipag-usap sa kasintahan. Ngunit, ganon na lamang ang kanyang pagkadismaya ng tanongin niya ang kaibigan neto.

"Woi! Nanjan na ba si, Sy?" Tanong niya sa kaklase ng kasintahan.

"Ha? Si Sy ba kamo? Hindi mo ba nabalitaan? Umalis na siya. Doon na sila titira sa U.S ata 'yon."

Nabigla ang dalaga sa nalaman. Wala sa sariling tumakbo ito pauwi sa kanila. Natatarantang hinahanap ang mga magulang.

"Ma! Pa!" Humahagulgol na pag tawag niya reto.

"Oh! Kim, anak? Anong nangyare?" Nag-aalalang tanong ng Ginang. Ganon din ang ama.

"M-ma, s-si Joshua doon na titira sa U.S." Mangiyak ngiyak na saad ng dalagita sa magulang.

"Sorry, anak. Sasabihin na sana namin ng Papa mo pag-uwi mo. Kakatawag lang din ng tita mo. Biglaan nga daw ang paglipat nila sa U.S." Paliwanag ng Mama niya.

"Babalik din naman agad sila, anak. May importanteng gagawin lang ang Tita at Tito mo doon." Pagpapatahan naman ng Papa niya sa kanya. Tumango na lang siya.

Hihintayin kita, wang. Ikaw lang ang boyfriend ko. Hinding-hindi ako maghahanap ng iba.

Book Cover:

Book Cover:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Wattpad Stories Compilation 2Where stories live. Discover now