Milk is brave enough to enter the territory of a dangerous billionaire Lucian Velorca. Ito ay tanyag na business man at kinakatakutan ng karamihan dahil hindi lang sa ito ay masungit at walang modo kundi wala itong sinasanta. Nagtatago si Milk sa pangalang Eiza Sevilla, at pati ang mukha niya ay natatakpan ng Hyper realistic mask. Pinatulan niya na ang misyong ibinigay sa kanya ng ama ng boss niyang si Hazelton Quevas na siyang mortal na kaaway ni Lucian Velorca, kapalit ng kalayaan niya Kay Hazelton dahil nangako itong pakakawalan siya sa pagkaka obsessed nito sa kaniya kapag nagawa niya ang misyon niya. Kaya nagtrabaho siya kay Lucian bilang secretary at ang misyon niya ay maghanap ng butas upang mapabagsak ito. Kung anuman ang laman ng flashdrive na pinapahanap sa kaniya at iba pang mga files ay wala na siyang pakialam basta't makakalaya na siya. Ngunit sa hindi inaasahan nahuli siya ng boss niya at doon niya lang napatunayan na hindi lang ito nakakatakot na tao. Nagdusa siya sa piling nito dahil siya ang ginamit na pain nito laban kay Hazelton, dahil matindi ang galit nito sa kaniya dahil sa pagtraidor niya rito. Ngunit hindi mapapantayan ang sakit ng naramdaman ni Milk ng magdalang tao siya. Nagbunga ang nangyari sa kanila ng isang gabi dahil nagpatangay siya sa mga halik nito. Galit at poot ang naramdaman niya, ngunit nahati ang naramdaman niya ng magkaroon siya ng pagkakataong makatakas at hindi niya magawang ipaliwanag 'yon. Kinailangan niyang bumalik ng bansa upang maghanap ng donor sa anak niyang may sakit at muling nagkrus ang landas nila at galit ito dahil tumakas siya at inilayo ang anak nito sa kaniya. Ngunit sa dinami-rami ng pinagtalunan nila ay bigla na lamang itong umamin na mahal daw siya nito ng sobra noon paman. Hindi niya alam kung pagbibigyan niya ba ito gayong napakarami na ng nagawang kasalanan nito sa kaniya at 'yon ang dahilan kung bakit siya tumakas at pinagtaguan ito ng ilang taon.