Chapter 37

204 22 0
                                    

Carrissa's pov

"Ang angas ni Vince noh?"

"Kawawa nanaman ang Blairs hahahaha"

"Pustahan magagalit si Scarlet kapag nalaman niya ang nangyari sa grupo niya"

"Ang galing talaga ni Sheena hahaha natalo niya si Gianna"

"Excuse me, anong nangyayare?" lapit ko sa grupo ng mga babae.

"Ah Carrissa.... nag away po si Sheena at Gianna at natalo po si Gianna tapos niligtas ni Vince si Sheena..." sabi nung isang babae.

"Asan si Sheena?" tanong ko.

"Ah nakita ko po sila ni Vince na papunta sa tambayan nila" sabi naman nung isang babae.

"Sige thanks" sabi ko at umalis na sa grupo ng mga babae.

Pinuntahan ko mag isa ang tambayan ng Kingstern at nang makarating ako ay nakita ko sila na parang nag uusap ng masinsinan.

"Mag.... mag kakilala ba tayo noon?" tanong ni Sheena.

'Mukang bumabalik na....'

Alam kong hindi ito ang tamang oras kaya inunahan ko na magsalita si Vince.

"Anjan lang pala kayo... anjan na sina Althea at ang magulang ni Zyde inaakit tayo kumain ng dinner sa labas ng University tara na" sabi ko.

Tumayo naman silang dalawa at binigyan ko ng matalas na tingin si Vince bago kami umalis na Sheena.

Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa condo at naabutan naming nagbibihis na si Zari at Cindy.

"Walang imik si Althea mukang may tinatago kaloka" sabi ni Zari.

"Bilisan niyo na jan at nag iintay daw sila sa labas ng University" sabi ni Cindy.

Nagpalit na ako ng isang simpleng dress at sandals saka ko pinuyod ang aking buhok dahil humahaba na muli.

Paglabas ko sa cr ay ayos na din pala sila at mukang ako na ang mabagal.

"Tara na" sabi ni Zari at lumabas na kami ng condo at pumunta na sa labas ng gate.

Naabutan namin don ang apat na Kingstern at hindi ko pa nakikita si Zyde.

"Let's go na nasa restaurant na daw sila" sabi ni Yuan.

Sumakay na ang Kingstern sa kotse nila samantalang ako ang nag drive ng sasakyan namin ng Gunner.

Hindi naman kalayuan ang sinasabing restaurant dahil nakarating kami kaagad.

Sabay sabay kaming pumasok at mukang yayamanin na restaurant tong kakainan namin.

"Sir, Ma'am this way po tayo sa VIP room" sabi ng isang waiter at sumunod naman kami sa kaniya.

Sumakay pa kami sa elevator hanggang sa makarating kami sa rooftop.

Ang ganda may mga fairy lights tapos may classic music din na tumutugtog tumungo kami sa bandang gilid kung saan meron mahabang lamesa.

May ibang mga tao den dito at kadalasan ay puro couple kaya masasabi itong romantic.

"Good evening po" sabi namin.

"Good evening sa inyo upo na kayo" isang magandang babae ang may sabi matanda na ito pero umaaliwalas parin ang ganda niya ito siguro ang mommy ni Zyde at Zeph.

Umupo namin kami at nag usap usap habang iniintay ang pagkain namin.

"Nagugutom na ko hindi pa ako kumakain kanina..." bulong ni Sheena sa akin.

"Ayan na oh" sabi ko at tiningnan naman ni Sheena yung pagkain na paparating.

Isa isa kaming binigyan ng waiter ng steak oo steak at ngayon lang ulit ako makakain nito.

'Kailan nga ulit ako huling kumain nito?'

Unang subo ko pa lang ay ang sarap! yum yum mainggit kayo hahahaha.

Nakita ko namang hirapan sa paggayat si Cindy ng steak niya.

Nakita kong magsasalita na si Hanz at mukang tutulungan niya si Cindy pero nagsalita yung mommy ni Zyde.

"Nak Zeph help mo si Cindy" sabi ni Tita.

Wala namang nagawa si Zeph kundi gawin ang inuutos ni Tita.

Sinulyapan ko si Hanz na parang nawalan ng gana sa nakita niya.

'Bagal mo kasi'

"Hoy Kuya bakit ka nga pala umalis kahapon tapos pinatawag niyo kaming lahat na andito kayo at kasama si Althea?" tanong ni Zeph.

"I'm courting her" deretsong sabi ni Zyde na ikinagulat namin ng sobra legit legit.

"Eh?! as in?!" sigaw ni Zari kaya na patingin ang ibang tao sa kaniya ng mapansin niya ang ginawa niya ay humingi din siya kaagad ng sorry sa mga tao.

"Gags dude isang araw ka lang umalis tapos eto ang sasabihin mo samin pagbalik mo" sabi ni Vince.

Tiningnan ko naman si Althea at mukang namumula naks feeling dalagang dalaga.

"So Cindy iha may boyfriend kana ba?" tanong ni Tita at nabulunan naman si Cindy.

Inabutan ko naman siya ng tissue at agad niyang kinuha at nagpunas.

"Ah... wala po" sabi niya.

"Good I want you to know each other with my son" sabi ni Tita.

Tiningnan ko si Zeph na parang wala lang sa kaniya ang nalaman niya samantalang mahigpit na hawak ni Hanz sa kutsara at tinidor niya.

"ah s-sige po..." sabi ni Cindy at isang lagabag ang narinig ko mula kay Hanz mukang binaba niya ng malakas yung hawak niyang utensils at tumayo siya.

"Excuse me cr lang po ako" sabi ni Hanz at sumunod naman sa kaniya si Vince.

Hindi na ako makakain ng maayos sa nangyayari jusko.

Tiningnan ko naman si Zyde na inaayang sumayaw si Althea sige lang magpakasaya kayo jusko nagpaparinig ang pagiging single ko.

May kamay naman na lumitaw sa harap ko at inangat ko ang tingin ko para malaman kung sino iyon.

"Tara sayaw tayo?" tanong ni Yuan sa akin.

Pumayag naman ako kasi sayang ang opportunity ayaw ko mag mukang bashang na single.

Nilagay niya ang mga kamay ko sa leeg niya at nilagay niya naman ang kaniya sa bewang ko.

Medyo awkward pero ok lang naman.

Nakatingin lang kami sa isa't isa ng bigla siyang ngumiti kaya napangiti din ako.

Basta para sa akin ang ganda ng moment namin. ❤️



Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now