Chapter 32

220 27 0
                                    

Althea's pov

Matapos kong kausapin ang torpeng si Hanz ay umalis na ako para alamin kung ang may pakana ng pag kaka baril kay Cindy ay ang pamilya ni Zyde.

Hindi ko nakita kung sino pero sila ang hinala ko dahil wala na kaming iba pang kalaban ng aking kapatid kung hindi sila lamang.

Bumalik muna ako sa dorm namin para mag impake kasi alam kong lalabas na si Cindy at hindi niya pwede malaman kung saan ako pupunta.

Isang backpack na may ilang damit at mga weapons ko ang nilagay ko doon.

Nagpalit na din ako ng suot ko at ginawang black na jacket at black cardigan din at nag facemask den ako para sure.

Sinilip ko lang ang kwarto ni Cindy at umalis na din ng University.

Sumakay ako sa kotse ko at pupunta ako sa mansion ng Pamaliyang Cruz para kumuha ng impormasyon.

Matagal ang biyahe kaya inabot na ako ng dilim ng makarating ako sa mansion nila.

Isang malaking gate na pinalilibutan ng matataas na pader ang mansion na ito at may dalawang guard den ang nagbabantay sa gate.

Umikot ako para makarating sa likod ng mansion at maingat na isinabit ang tali sa isang puno sa loob.

Hinila hila ko pa ang tali para siguradong matibay iyon at maingat na inakyat ang pader.

Medyo mataas din ang pinagbaksakan ko kaya sumakit ng konti ang paa ko.

Kakaunti ang bukas na ilaw sa mansion na ito marahil ay tulog na ang iba.

Pumasok ako sa pinto sa likod at maingat na naglakad at hinahanap ang hagdan pataas.

Umakyat ako sa hagdan ng walang ginagawang ingay kaya una kong pinasok ang isang kwarto pero walang tao dahil mukang guest room ito.

Sinara ko ang pinto at naglakad muli para buksan ulit ang isa pang pinto.

Madilim na kwarto pero alam na alam ko ang amoy dito sa kwarto na ito dahil hindi ako mag kakamali na kwarto ito ni Zyde.

Pumasok ako at pinagmasdan ang buong kwarto, ang nagsisilbing liwanag lamang dito ay ang ilaw ng buwan.

Umupo ako sa kama at sa may gilid nito ay isang cabinet, binuksan ko ito at nasaktan ako ng makita ko yung bracelet at singsing na binigay ko sa kaniya noon.

~Flashback~

Umupo kami sa kama ni Zyde at hinarap ko siya.

"Tandaan mo Zyde na mag papakasal pa tayo huh?" sabi ko at kinuha ang kamay niya saka pinasok ang singsing na binili ko noon.

"oo naman syempre tayo parin hanggang huli magkaka baby pa tayo eh" sabi ni Zyde.

"At eto o isuot mo ang ginawa kong bracelet kagabi pinaghirapan ko yan! yan ang simbolo ng love natin!" sabi ko sabay ngiti ng matamis sa kaniya.

"Eto bago ko pa malimutan.." sabi ni Zyde at sinuot ang isang kwintas na may makintab na heart.

"Wow ang ganda! thank you!" sabi ko at niyakap siya.

~End of Flashback~

Hinawakan ko ang kwintas sa dibdib ko at nalaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko.

Sinara ko muli ang kwarto at binuksan naman ang katapat na pinto nito.

Pang lalaking amoy muli siguro ito ay kay Zeph.

Binuksan ko ang isa pang pinto sa bandang padulo at sigurado akong kwarto ito ng ama ni Zyde at nakikita kong mahimbing na natutulog ang ama na ito.

Pumasok ako doon at pinagmasdan ang ama ni Zyde.

"Paano niyo nagawa sa amin ito? walang ginagawang masama ang mga magulang ko tito mabubuti silang tao at alam niyo iyon pero... pero bakit niyo sila pinapatay?" naiiyak na sabi ko.

Gusto ko man siyang patayin pero alam kong hindi matutuwa ang mga magulang namin ni Cindy.

Maingat kong sinara muli ang pinto at pinunasan ang mga tumulo kong luha.

At sa huli ang isang pinto at sigurado akong kwarto ito ni Tita.

Maingat ko din iyong binuksan at pumasok.

Nagulat na lang ako sa nakita ko at parang nanlamig ang buo kong katawan.

I-isang l-lalaki na may hawak na k-kutsilyo at nakatapat sa leeg ni Tita.

Umiling ako at kinalma ang sarili ko bago dinukot ang kutsilyo sa bulsa ko saka dahan dahang lumapit sa lalaki at walang alinlangan kong hiniwa ang leeg.

Sumirit naman ang dugo nang lalaki at hindi pa ako nakuntento doon at kinuha ang dalawa niyang kamay at sinipa ang likod niya hanggang sa madapa siya at ang alam ko lang ay hindi na humihinga ang lalaki.

Binuksan ko ang ilaw at tiningnan si Tita kung ok lang at nagulat ako kasi naka titig lang siya sa akin.

"W-who a-are y-you?" kinakapos na hininga niyang tanong.

Hindi ko siya pinansin at imbis ay lumapit muli ako sa lalaki at tinihaya siya para makita ko kung sino iyon.

"David..." bulong ko.

"Tanginang iyan manloloko napaka traydor" sabi ni Tita at alam kong galit din siya.

Sa wakas patay kana David napaka hayop mo.

Paalis na sana ako ng kwarto pero bumukas iyon at iniluwa si Tito.

"Sino ka?!" sigaw niya sa akin at lumapit saka sinakal ako.

"A-aray..." hindi ako maka hinga.

"Stop it hon! siya ang nag ligtas sa akin bitawan mo siya!" sigaw ni Tita.

Dali dali naman akong binitawan ni Tito at napahawak naman ako sa leeg ko saka umubo ng umubo.

Tatakbo na muli sana ako palabas pero may pumasok nanaman lintek.

At si Zyde pa! napaka malas huhuhu paano ako tatakas.

"Althea" sabi ni Zyde.

"Althea? Althea is that you?" tanong ni Tita sa likod ko.

Author's Note:

Huhuhu paano na yan Althea? hahahaha huli ka tuloys.

Hi guys keep voting and reading my story thank you!❤️


Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now