Chapter 47

192 18 0
                                    

Zeph's pov

Nagtataka ako bakit sila nagsi alisan?

Si Cindy ay kinuha yung teddy bear tapos tumakbo siya at sumunod kay na Zari.

"Dude mali" sabi ni Vince.

"Anong mali?" tanong ko sa kanila.

"Bakit si Cindy pa?" tanong ni Hanz sa akin.

"Bakit? hindi ko ba pwede magustuhan si Cindy?" tanong ko sa kanila.

"Sa tingin mo anong mararamdaman ni Zari kanina habang binibigay mo ang teddy bear kay Cindy?" tanong ni Yuan.

"Wala" simple kong sagot.

"Gago ka Zeph ang manhid mo" sabi sakin ni Vince.

"Sulusyonan mo ang ginawa mong problema Zeph ni ako ay hindi natuwa sa ginawa mo, alam mo bang nakakasakit ka ng dadamdamin ng kapwa mo kaibigan?" tanong sa akin ni Kuya.

"Alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama nagmahal lang naman ako KUYA" sabi ko at diniinan pa ang salitang 'Kuya'.

Tumalikod na ako sa kanila at lumakad kung saan at wala akong pakialam kung saan man ako mapadpad.

Nakaabot na pala ako sa dulo ng side na ito sa tambayan namin.

Habang naglalakad ako ay nakirinig ako ng mga familiar na boses na nagsisigawan.

"Cindy ikaw ang mahal niya hindi ako!" sigaw ata ni Zari iyon.

Tumakbo ako sa gilid para makinig at manood sa ginagawa nila.

"Zari alam ko namang mahal mo siya eh!" sigaw naman ni Cindy.

"Tang*na hindi ko kayang mag mahal ng isang tao kung may mahal na pala siyang iba!" sigaw ni Zari.

"Zari hindi mo naiintindihan!" sigaw ni Cindy kay Zari sabay hawak sa dalwa niyang braso.

~PAK!~

Nagulat ako dahil biglang sinampal ni Zari si Cindy kaya napahawak naman si Cindy sa kaniyang pisnge at alam kong paiyak na siya kaya lumapit na kaagad ako at tinulak si Zari kaya napa upo siya sa sahig na gulat na gulat.

'Tang*ina naman hindi ako napatol sa babae pero sumobra kana Zari'

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Cindy pero hindi siya sumagot.

"Ano bang pumasok sa kokote mo at sinampal mo si Cindy?!" sigaw ko kay Zari habang tumatayo siya.

"At ako pa ang may kasalanan ha Zeph?!" sigaw niya sa akin.

"Oo! kung hindi mo sinampal si Cindy ay hindi aabot sa ganito ang sitwasyon!" sigaw ko muli sa kaniya.

"Zeph!" biglang sigaw ng madami sa likudan ko kaya tumingin ako sa kanila at napagtanto ko na ang Kingstern at Gunner pala ang nandito.

"Zeph tumigil kana please! hindi mo alam ang nangyayari!" sigaw sa akin ni Carrissa.

"Tang*ina pare lalo mong pinagulo ang sitwasyon" sabi sakin ni Vince.

"Ano kakampihan ninyo ang desperadang babaeng ito?!" sigaw ko sa kanila sabay tingin ko kay Zari sabay ang malakas na pagsampal niya sa akin.

"Hindi ako desperada Zeph, wag kang mag alala hindi ko na kayo guguluhin pasensya na sa nagawa kong problema ha? pero ito ang tatandaan mo wala kang karapatan sabihin ang lahat ng sinabi mo sa akin kanina dahil hindi mo alam ang pinagdadaanan ko" sabi niya sa akin sabay alis.

Sumunod naman kaagad silang apat na babae kay Zari na tumatakbo.

Tiningnan ko naman silang apat na lalaki ng biglang lumapit sa akin si Kuya at sinuntok ako.

"Sana matauhan ka sa ginawa mo Zeph" sabi sa akin ni Kuya.

"Alam mo bang matagal ng may gusto sayo si Zari?" tanong ni Yuan sa akin kaya napatigin ako sa kaniya.

"Anong sinasabi mo?" tanong ko.

"Gago ka, matagal ng may gusto sayo si Zari at hindi mo ba alam na nasasaktan siya kanina ng ibigay mo ang teddy bear kay Cindy? alam mo din bang nasaktan siya sa mga sinabi mo kanina at tinulak mo pa siya sa sahig, sa tingin mo nasaktan ba siya? ang tanging binigyan mo lang ng pansin ay si Cindy pero hindi mo manlang binigyan ni kahit konting pansin ang nararamdaman ni Zari" malamig na paliwanag sa akin ni Yuan.

"At alam mo bang matagal nang may gusto si Hanz kay Cindy? pero pinigilan niya ang sarili niyang ibigin pa si Cindy dahil sa arrange marriage niyong dalawa ni Cindy" sabi sa akin ni Vince kaya napatingin ako kay Hanz na naka yuko.

"Sa tingin ko ay may idea kana sa nangyayari Zeph ayusin mo ang problema mo" sabi sakin ni Kuya sabay alis nilang apat at naiwan ako dito na mag isa.

Sa ilang minutong lumipas ay napagdesisyonan kong kausapin si Zari at humingi ng tawad kaya mabilis akong tumakbo sa building ng girls.

Nang makapasok ako sa building ay wala akong pake kung madaming nakakakita sa aking babae at pinagbubulungan ako.

Dali dali din akong tumakbo para mahanap ang room number nina Zari.

Kumatok ako ng ilang beses sa room nila bago ito bumukas at ang humarap sa akin ay si Sheena.

"Pumasok ka andon sila sa sala" malamig na sabi ni Sheena.

Pumasok na ako at hinarap silang apat.

"Asan si Zari?" tanong ko sa kanila at dali daling lumapit sa akin si Carrissa at sinampal ako habang umiiyak siya.

"MASAYA KANA HA ZEPH?! UMALIS NA SIYA! AT HINDI NAMIN ALAM KUNG SAAN SIYA HAHANAPIN AT KAILAN SIYA BABALIK! UMALIS SIYA NA DALA ANG LAHAT NG GAMIT NIYA AT ALAM MO BANG UMALIS NA SIYA SA GRUPO NAMIN?! OO HINDI NA SIYA KASALI SA GUNNER! SABIHIN MO SAKIN MASAYA KANA?!" sigaw ni Carrissa sa akin habang naiyak kaya dinaluhan siya ni Sheena at pinapatahan.

Napa tulala nalang ako habang pinoproseso ang lahat ng sinabi sa akin ni Carrissa.

"Umalis kana dito habang nakakapag pigil pa ako at kung hindi ay mapapatay kita dito" madiin na sabi sa akin ni Althea kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Umalis kana Zeph parang awa mo na!" sigaw sa akin ni Sheena sabay tulak sa akin palabas ng pinto.

Tahimik naman at wala ako sa sariling lumakad palabas ng building.

'K-kalokohan lahat ng i-ito d-diba?' tanong ko sa sarili ko.

May umakbay naman sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"K-kuya..." bulong ko habang hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Tahan na... madami ka ding pinagdaanan magpahinga ka muna tara na" sabi sa akin ni Kuya habang naka akbay sa akin at naglakad kami patungo sa apartment namin.

💔

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now