Chapter 22

281 20 0
                                    

Carrissa's pov

Wala kaming ginagawa kung hindi ang laruin ang pusang dala ni Zyde na hindi namin alam kung saan galing.

"Ambaby Azy, Ambaby Azy" paulit ulit na pangungulit ni Zari.

"Ang ingay mo" sabi ko.

"Psh ano ba? ang cute cute kaya oh" sabi ulit niya.

Iniwan ko muna sila doon sa sala at naisipan kong umakyat na lamang sa kwarto namin.

Nang makarating ako sa kwarto ay lumapit ako sa may corridor.

Ang sarap sa pakiramdam ng maaliwalas na hangin.

Tanaw tanaw ko ang dagat at mga puno at ang tirik na araw.

Dahil wala naman akong magawa ay naligo na lamang ako.

Nang matapos ako ay isang simpleng pantalon at t shirt lang ang suot ko dahil may balak ako mag gala matapos ang tanghalian.

Nang makababa na ako ay naabutan ko sila na nasa sala parin at natatawanan.

"Oh Carrissa may lakad ka?" tanong ni Zeph at pa simpleng tiningnan si Yuan.

"Ah oo may balak sana ako mag uli sa kabilang bayan naiinip na ako dito eh" sabi ko.

"Ma'am, Sir nakahanda na po ang tanghalian" sabi nung babaeng maid.

"Tara na kumain na tayo" sabi ni Hanz.

Umupo kami sa lamesa namin at sinimulan na kumain.

Nang matapos ay biglang nagsalita si Sheena.

"Carrissa pede ba ako sumama? maliligo lang ako ng mabilis" sabi ni Sheena.

"Sige iintayin kita" sabi ko.

"Ikaw Zari wala kang balak sumama? kayo hindi kayo sasama?" tanong ko sa kanilang lahat.

"So boring, wag na dito na lang ako sa bahay para may kasama si Azy" sabi ni Zari.

"Muka kayong magkapatid" sabi ni Zeph habang natawa.

Natawa din naman kami tapos sinilip ko si Zari na nakasimangot.

"Hindi na kami sasama" sabi ni Yuan.

"Ok sige, tara na sa taas Sheena maligo kana" sabi ko at umakyat na kami.

Tahimik lang ako naka upo sa kama habang iniintay si Sheena.

Nang bumukas ang cr ay tumayo na ako dahil bihis na din si Sheena.

Simpleng shorts at brown top ang suot niya.

"Tara na" sabi ko.

Bumaba na kami at nagpaalam sa kanila.

Nag commute lang kami dahil ayaw naming magpahatid kay na Zyde nakakahiya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Sheena.

"Doon muna tayo magtingin sa malapit na mall" sabi ko at tumango siya.

Ako ang nagbayad sa tricycle at bumaba na kami sa tapat ng mall.

Pumasok na kami at diretso sa doon sa bilihan ng damit.

"Sayang wala si Zari ang hilig pa naman non sa mga damit hahahaha" sabi ni Sheena.

Naisip naming maghiwalay ni Sheena, ako sa right part at siya sa left part.

Nag hanap ako don ng medyo mura dahil kailangan din naming magtipid.

Nakahanap ako ng isang red top na medyo mura.

Nang kuhain ko iyon ay nahulog din dahil sa nakita ko.

"C-carrissa..." sabi niya.

"Cindy" hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kamusta ka? asan si Althea? bat antagal niyong nag tatago sa amin?" paiyak kong tanong.

"Carrissa maganda ba toh?" tanong niya at nilingon ako nagulat din siya kung sino ang kinakausap ko.

"Cindy.... Cindy!" sabi ni Sheena at niyakap din kaagad si Cindy.

Nang tingnan ko ang itsura ni Cindy ay parang natatakot at nagulat siya ng makita kami.

"Aminin mo nga samin Cindy ano ang tinatago niyo sa amin?" diretso kong tanong.

"Doon tayo mag usap sa may coffee shop" sabi ni Cindy at umalis na, dali dali namin siyang sundan na baka sakali ay taguan niya ulit kami.

Nang makapasok kami sa Coffee Shop ay nag order si Cindy ng tatlong americano na kape.

Umupo kami sa isang table at tahimik na para bang inaalam kung sino ang unang mag sasalita.

"Cindy ano ang nangyari?" sabi ni Sheena.

"Nakaligtas kami ni Ate don sa kumidnap sa amin" sabi niya at hindi kami nag salita at pinakinggan lang ang kwento niya.

"Sabi ni Ate ay bawal kaming umuwi sa mansion ng Kingstern kaya umuwi kami sa mansion namin" sabi niya.

"May mansion kayo dito?" tanong ko.

"Oo meron mansion yon ni Daddy at Mommy tama kayo doon kami nakatira dati" sabi niya.

"Tinetext ko si Hanz para kamustahin kayo kasi nabuking ako ni Ate" sabi niya pa.

"Nag cr lang ako non pero pagbalik ko kausap niya ay si Kuya Zyde, galit na galit si Ate sakin dahil binibigyan ko daw si Hanz ng balita" sabi pa niya.

"Nung isang lingo ay pumunta kami sa kabilang bayan dahil may kakausapin si Ate, yon pala ang Attorney namin, kilala den namin kung sino ang dumukot sa amin" sabi niya pa.

"Sino?" tanong ko.

"Si David tauhan siya ng mga Cruz...." sabi niya na parang paiyak na.

"Sino ang mga Cruz?... wag mo sabihing..." hindi tinuloy ni Sheena ang sinabi niya.

"Oo pamilya ni Zyde ang may pakana, sila din ang nagpapatay sa mga magulang namin ni Ate at kinuha ang mga business namin at shares nang kompaniya kaya kami nag hirap, hanggang ngayon ay hinahanap parin kami ng mga tauhan nila para kunin ang mahalagang bagay, nagtago kami sa inyo dahil ayaw namin kayong madamay at para na din maiwasan si Kuya Zyde. " sabi niya at tuluyan na ngang umiyak.

Napatakip na lamang ako ng bibig ko at umiyak na din.

'Hindi pwede, imposible...'

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now