Chapter 13

396 26 0
                                    

Zyde's pov

Hi.

Cold amp.

Nag uusap usap kami dito sa table namin lahat lahat kinewento ko kung anong nangyare sa amin ni Althea dati.

"Di ko inakala pre na magkikita kita kayo ngayon" Zeph said.

"Biruin mo yon napakaliit ng mundo pre" Vince said.

"No comment ako pero matanong ko lang ano na gagawin mo?" Hanz asked.

"Wala ka nang balak balikan si Althea?" tanong naman ni Yuan.

Anak ng putcha hindi manlang ako maka singit.

"Gusto ko man balikan pero wala na atang nararamdaman si Althea para sa akin" tanging nasabi ko.

Pinanood namin sila magsayaw sa dance floor habang nainom kami.

Hindi pa kami lasing kung alam niyo lang hehehehe.

Nag kwentuhan pa kami.

Lumapit sila sa amin at nagtaka ako bakit wala si Cindy at Althea.

Nagulat kaming mga lalaki dahil nawawala sila.

"Di kaya yung sinasabi mo Zyde?"

Naisip ko den yon at maaaring mangyari yon ngayon.

Gusto nila mag hanap kaya pumayag ako pero nung nabigo sila napag isipan ko ng umuwi para don ko ikwento sa kanila lahat.

Nagalit pa si Carrissa pero kailangan na nila malaman eh.

Tahimik kami hanggang sa nakarating na kami sa mansion at umupo na sa sala.

"One time may tumawag sa akin si Althea at sabi niya break na kami ng hindi ko malaman ang dahilan at nagulat ako sa school ng makita kayong magkakasama." sabi ko pa.

"Nung nalaman kong kayo ang kalaban namin sa mission ay kinabahan ako pero hindi ko pinahalata"

"Hindi din si Yuan ang kumuha kay Carrissa nung pumunta kayo dito"

Nagulat yung dalawa pero tahimik lang si Carrissa.

"Niligtas namin siya actually.... kilala niyo naman ang Blairs diba?" tanong ko sa kanila.

"Oo napaka arte ng mga yon eh!" galit namang sabi ni Zari.

"Sila ang kumuha kay Carrissa, nang malaman namin kung nasaan si Carrissa ay si Yuan ang inutusan kong pumunta don"

Halatang nagulat ang dalawa nanaman.

"Ang daming sugat at pasa ni Carrissa kaya natagalan siya dito, wala den kaming planong sabihin yon sa inyo nung una dahil may tumawag sa aking hindi ko inaasahan"

"Tumawag si David, siya ang pumatay sa magulang ni Althea at Cindy."

"Nagulat ako nung tumawag siya at nagbigay ng warning"

"Sinabi niya sa akin na mag ingat daw tayo at kung maaari ay itago ko kayo dahil kapag nahanap niya kayo ay hindi tayo makakawala"

"Kaya sinabi ko yon sa president natin sa Harvard at pumayag naman sila"

"Ang mission namin ay itago kayo"

"At hindi malabong si David ang kumuha sa dalawang yun"

Hindi nakapag salita yung tatlo.

Gulat na gulat sila.

"A-anong gagawin n-natin?" tanong naman ni Zari.

"Yon ang kailangan natin pag usapan" sabi ko.

"Delikado si David kung alam niyo lang... at wala tayong oras para mag pahinga dahil hindi malabong mapatay ni David yung dalawa" seryosong sabi ko.

"Wala na tayong oras kailangan na natin hanapin at kumilos!" sigaw ni Sheena.

Ginawa namin ang aming parte.

Inaassist ko sila at kinuha naman ni Hanz ang cctv sa club na yon.

"Hoy nakita ko na!" sigaw ni Yuan at Hanz.

Lumapit kaming lahat at pinanood kung anong nangyari sa dalawa.

Kitang kita sa cctv kung paano nila kinuha si Althea at Cindy sa magkaibang paraan.

Wala na kaming pinalipas na oras at naghanda na kami hanapin yung dalawa dahil imposibleng makaalis sina David sa lugar na ito.

Makalipas ang isang oras na pag hahanda naisipan na namin umalis.

Kasama ko si Hanz ngayon para tingnan ang mga hotels sa bayan na ito.

Magkasama si Carrissa at Yuan para tingnan ang mga ospital.

Magkasama si Sheena at Vince para tingnan ang iba pang mga club.

Magkasama si Zari at Zeph para tingnan ang iba pang lugar.

Kinailangan kong igrupo sila ng kasama ang isang lalaki sa bawat babae para masisiguro kong kaya nila.

Umalis na kami at nagsimulang mag hiwalay sa inatasan kong lugar sa kanila.

Masyadong malaki ang lugar na ito kaya kailangan maghiwalay para mas madali ang paghahanap.

Tumawag si Hanz sa akin dahil nakuha niya ang list ng mga naka check in sa malaking hotel na ito.

Inisa isa namin lahat at kumunot ang noo ko sa nabasang pangalan.

'David Palermo'

"Eto." turo ko sa pangalan na iyon.

'Room 108'

Inutusan ko si Hanz na tawagan sila para malaman na nahanap na namin.

Una akong sumakay sa elevator at naiwan si Hanz don.

Nahanap ko ang room na 108 sa bandang dulo sa 4th floor.

Patay na ang ilaw.

Malaki ang kwarto at madaming pinto.

Isang pinto ang bukas ang ilaw.

Unti unti kong sinilip yon at nakita ko ang grupong mga lalaki na nag babaraha, nag iinom at nagtatawanan.

May isa pang pinto doon kaya tahimik akong naglakad.

Binuksan ko yon at nilibot ko ang buong paningin ko don.

May dugo.

May mga kutsilyo at baril.

Bukas ang bintana.

Pero wala don yung dalawa.


Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now