Chapter 46

219 20 0
                                    

Althea's pov

Andamot naman nila ayaw nilang panoodin yung Sofia The First.

"Kakain na!" sigaw samin ni Carrissa at nagsitakbuhan naman ang mga lalaki palapit sa lamesa at umupo.

"Hoy! kaming mga babae ang paupuin niyo!" sigaw ni Zari.

"Kami ang bisita kaya kami ang mauupo!" sigaw ni Vince.

"Ihahamapas ko sayo yang inuupuan mo!" sigaw ni Cindy.

"Ano ba yan nagugutom nako ang ingay niyo!" sigaw ni Zeph.

"Mas maingay ka!" sigaw nilang lahat kay Zeph kaya nag pout na lamang siya.

Tiningnan ko ang ulam at adobong manok pala.

"Tabi ako ang uupo!" sigaw ko kay Zyde na isusubo pa lang sana ang kanin at ulam sa bibig niya.

Tumayo siya at sumandal na lamang don sa pader at kumain din.

Naupo na ako at sinimulan magsandok ng kanin at ulam.

"Anong nalaman niyo sa Blairs?" tanong ni Yuan.

"Alam na namin ang base nila" sabi ni Sheena.

"Malawak ang lugar na iyon" sabi ni Zari.

"Saan?" tanong ni Hanz.

"Sa may abandonadong school malapit sa school natin" sabi ni Cindy.

"Diba iyon yung-" naputol ang sinabi ni Zyde ng sumingit si Carrissa.

"Oo tama ang iniisip niyo, iyon ang school na nasunog dati" sabi ni Carrissa.

"Madami akong nakita na mga galon na puno ng mga gasolina" sabi ko.

"Huh? edi ba bawal na ang mga gasolina sa lugar na iyon dahil kapag sumabog muli iyon ay wala nang matitirang mga semento sa mga building don?" sabi ni Zeph.

"Oo tama ka sa isang maliit na apoy ay pede nang sumabog ang school na iyon" sabi ni Zyde.

"At delikado ang lugar na iyon kapag sumabog dahil madadamay muli ang school natin" sabi ko.

"Anong plano?" tanong ni Yuan.

"Blairs pa lang ang nahahanap nating suspect at madami pang kulang" sabi ni Cindy.

"Nag kakamali kayo, isang kahinahinalang babae ang nakasalubong namin kanina sa clinic" sabi ni Hanz.

"Ayun ba yung sinasabi niyong masama ang kutob niya sa babaeng yon?" tanong ni Sheena.

"Oo" sagot ni Zyde.

"Anong nangyari ba?" tanong ni Zari.

"Dinala namin si Zeph sa clinic dahil nagka problema kanina habang naglalaro kami" sabi ni Vince.

"Nung dinala namin siya ay hindi ko alam na may nurse pala sa loob ng clinic at hindi ko iyon naramdaman" sabi ni Yuan.

"Hmmm, so ibig mong sabihin ay magaling magtago ang babaeng iyon?" tanong ni Carrissa.

"Oo at bago kami umalis ay binalaan niya kami" sabi ni Zeph.

"Ano sabi?" tanong ko.

"Mag ingat daw kami dahil hindi namin alam kung kelan susulpot si kamatayan" sagot ni Hanz.

"Kakaiba din ang naramdaman ko sa babaeng iyon" sabi ni Zyde kaya na patingin kami sa kaniya.

"Ano?" tanong ko.

"Takot" sabay sabay nilang sabing mga lalaki.

Matinding katahimikan ang bumalot sa amin.

"Tara na sa labas baka kung ano na nangyayari don" sabi ni Carrissa at nagsisunudan naman sila sa kanya.

"Sino ang maghuhugas mamaya?" tanong ko ng kaming dalawa na lamang ang natitira.

"Ikaw" sabi niya.

"Ano bakit ako?" tanong ko muli.

"Ikaw na bahala kung sino ang gusto mong tulungan ka mamaya tara na" sabi niya sabay hila sa kamay ko.

Nailock na ni Carrissa ang apartment namin bago kami umalis para tingnan ang mga booths.

"Last day na bukas ano?" tanong ni Zari.

"Oo last day na bukas" sabi ni Yuan.

Nang makarating na kami sa mga booths ay nagsi puntahan agad sila don sa may binabaril.

"Ano game?!" aya ni Vince kay Zeph.

"Ano tara?! ang premyo ay yung malaking stuff toy na yon?!" aya din ni Zeph kay Vince.

"G! brad maglalaro kami dalawang player" sabi ni Vince at nagbigay naman yung lalaki ng dalawang baril-barilan.

Eto kami nanonood sa kahibangan ng dalawang ito.

Nagbayad naman ang dalawa at sinimulan barilin ang mga lata sa unahan.

Tig sampung lata ang bawat player at kailangan ay padamihan silang dalawa na nabaril at kung sino ang pinaka madaming natumbang lata ay siya ang panalo.

Samantalang ang mga bala nila ay tig twelve lamang.

"Ano?! bakit hindi parin natutumba ang isang toh?! may daya ata kayo eh!" sigaw ni Vince kaya tumawa na lamang si Zeph ng siya ang manalo.

"Ano? talo ka pala eh" asar pa ni Hanz kay Vince.

"Mga boss eto na po yung prize" sabi nung lalaki at inabot kay Zeph ang malaking teddy bear.

"Oh? wag mong sasabihin iyo yang purple na teddy bear na yan?" tanong ni Zyde kay Zeph.

"Ano?! hindi toh akin ibibigay ko toh" sabi ni Zeph sabay tingin sa kapatid ko.

"Kanino mo naman ibibigay?" tanong ni Hanz sabay ngiti ng nakakaloko.

"Kay Cindy!" naka ngiting sabi ni Zeph sabay bigay nung teddy bear kay Cindy at unti unting nawala ang ngiting nakakaloko ni Hanz.

"Bakit sakin?" tanong ni Cindy sabay sulyap kay Zari.

Tiningnan ko naman si Zari na nakangiti parin.

"Anong bakit sayo? syempre ikaw ang gusto ko edi ibig sabihin sa iyo ko ibibigay ang teddy bear" sabi ni Zeph na nakangiti parin.

Tinitingnan ko parin si Zari na nakangiti sabay takbo paalis.

"Zari!" sigaw ni Carrissa at Sheena sabay habol kay Zari.

Sinulyapan ko naman si Cindy at Zeph bago tumakbo para habulin din si Zari.

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now