Chapter 30

229 21 0
                                    

Zeph's pov

Isang linggo na ang nakaraan ng mahimatay si Sheena at ayos na siya ngayon.

Dalawang araw nalang ay magaganap na ang College Intrams at kahit papano ay na excite naman ako.

Kasalukuyan kaming magkakasama ngayon; ang Kingstern at Gunner at hindi ko alam ang dahilan kung bakit kasama din dito ang Lucas na ito.

Wala namang problema sa akin pero kanina ko pa pinipigalan ang aking tawa dahil sa pagtitimpi no Hanz.

Handa na ang lahat kaya ang araw ni ito ay para sa amin na mag pahinga.

Nandito nga pala kami sa isang restaurant at nakain ng dinner, pinayagan kami ng principal dahil maayos naman daw ang plano para sa Intrams.

Nagkwekwentuhan lang kami dito at natawa dahil sa mga pinag uusapan namin.

!Bang!

Ang bilis ng pangyayare.....

Kinig na kinig ang sigawan ng mga tao dito sa restaurant palabas.

"Cindy!" sigaw ni Lucas.

Dali dali siyang binuhat ni Lucas at ipinasok sa kotse nila, pumasok na din kami sa kotse namin at imbis na pumunta kami sa hospital ay dumiretso kami pabalik sa University.

Binuhat ulit siya ni Lucas at dinala sa hospital ng school namin.

Nandito kami ngayon sa labas at walang umiimik sa amin dahil parang hindi maka paniwala sa nangyari.

Si Carrissa at Yuan ang pumasok sa loob para operahan si Cindy dahil sa tama ng baril sa kaniyang bahaging tiyan samantalang si Althea ay nagpumilit sumama sa loob dahil nag aalala siya sa kapatid niya.

Umiiyak naman si Sheena at Zari samantalang si Hanz ay parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa itsura niya na galit at lungkot.

Napabalikwas ako dahil lumabas si Althea sa loob at dali daling lumapit kay Zyde saka.......

!Pak!

Sinampal ni Althea si Zyde at sobrang lakas non! kung ako iyon ay marahil sira na ang bungo ko.

"Masaya ka na?! sinira mo na ang buhay namin masaya kana?! hindi kapa ba nakokontento?! Nasa loob si Cindy at inooperahan sa kaniyang abdomen dahil doon natamaan! at pag may hindi nangyaring maganda sa operasiyon ay hindi ako magkakamali na patayin ka" sabi ni Althea at umalis.

"Anong ibig sabihin ni Althea?" tanong ni Hanz kay Zyde na namumula ang pisnge pero walang nakikitang emosiyon sa kaniyang muka.

"May hindi ba kami alam Kuya?" tanong ko.

Walang mano mano ay umalis din si Zyde pero mag kaiba ang direksiyon nila ni Althea dahil siya ay pumunta sa kanan samantalang si Althea ay sa kaliwa.

"Sorry pero kailangan namin sundan si Zyde babalik kami" sabi ni Vince at umalis na nga kaming tatlo para sundan si Zyde.

Nakita namin siya na naka upo sa tambayan namin sa dulo ng University.

Lumapit kami sa kaniya at umupo din.

"Hindi ako ang may kasalanan kung bakit nabaril si Cindy... oo aaminin kong mag kakilala ang magulang namin ni Zeph at magulang nina Cindy, at tama din na ang magulang ko ang nag patay sa magulang nina Cindy dahilan ng pag hiwalay namin ni Althea. Dahil sa pag hiwalay namin ni Althea ay sinisi ko ang mga magulang ko at lumayas sa bahay namin at nagpaka layo layo sa kanila at pumasok sa University na ito, matagal na akong humiwalay sa mga magulang ko pero ako parin ang sinisisi ni Althea sa nangyari sa kanila at galit na galit parin siya sa akin kahit matagal na ang nakalipas at ako mismo ang papatay sa bumaril kay Cindy. " sabi ni Zyde.

"Grabe hindi ko alam na ganto kalala ang tinago mo sa amin Zyde" sabi ni Vince.

"Tutulong ako sa pag hanap ng bumaril kay Cindy" sabi ni Hanz.

Bumalik na kami sa Hospital at habang naglalakad ako ay napa isip ako sa sinabi ni Kuya.

'oo alam ko na humiwalay si Kuya sa magulang namin pero hindi ko alam na ganito pala ang dahilan at hindi ko din alam na ang magulang ko pala ang pumatay sa magulang nina Althea' sabi ko sa isip ko at parang kung anong galit ang naramdaman ko.

Nang makarating kami sa Hospital ay naka alis na pala ulit si Althea ng mabalitaan niyang ayos na si Cindy at hinabilin din ni Althea si Cindy kay Lucas lumapit sa amin si Yuan.

"Kamusta?" tanong ni Hanz.

"Ayos na siya at baka bukas ay magising na siya buti na lang at hindi malalim ang natamo niya at naalam niyo na ba kung sino ang bumaril?" tanong ni Yuan.

"Hindi pa pero kami ang bahala humanap" sabi ni Zyde.

Pumasok kami sa kwarto ni Cindy at nakita namin siyang mahimbing na natutulog.

Umuwi na daw si Carrissa, Sheena at Zari sa dorm nila para mag pahinga.

"Umuwi na kayo ako na ang magbabantay kay Cindy" sabi ni Hanz

"No need pre ako na ang magbabantay sa kaniya" sabi ni Lucas.

"Diba bisita ka? ako na ang bahala sa kaniya" sabi ni Hanz na nagtitimpi sa galit at nandito kaming apat na nasa isang tabi at pinapanood sila.

"Hindi lang ako bisita dahil fiance ako ni Cindy kaya ako na ang magbabantay" sabi ni Lucas.

Nakita kong natulala si Hanz kaya nilapitan siya ni Yuan.

"Sige pre aalis na kami bibisita na lang kami bukas, tara na" sabi ni Yuan at lumabas na kami ng kwarto.

Habang pabalik na kami sa dorm ay hindi na kinaya ng curiosity ko kaya nagsalita na ako.

"Shete fiance ni Cindy yon?!" sabi ko.

"Nagulat din ako" sabi ni Vince.

"Pero bakit ngayon lang naman sila nagkita?" tanong ni Yuan.

"Ang alam ko ay mag kababata sila pero umalis si Lucas at nag ibang bansa dahil sa pag aaral niya" sabi ni Zyde.

Wala paring imik si Hanz kahit tapos na kaming lahat maligo kaya natulog na lang kami.










Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now