Chapter 42

214 31 0
                                    

Hanz pov

Pangalawang araw ng College Intrams ngayon pero iba ang pinag tutuunan namin ng pansin.

Nang gabing iyon ay pinatawag kaming Kingstern at Gunner sa principal's office.

At nalaman naming may traydor sa blue side ng University.

Kaming dalawang grupo ang naatasan na hanapin at patayin ang grupo ng traydor na iyon na nag tratrabaho pala sa red side ng University para mag espiya lamang sa mga hakbang namin.

Galit na galit ang principal dahil naiisip niya ay naisahan siya ng kalaban.

Ngayong araw na ito ay hindi kami pwedeng magpahalata na alam namin na may traydor dito sa blue side at kailangan namin silang mahuli sa lalong madaling panahon dahil hindi nila pwede malaman ang mga hakbang ng blue side laban sa red side.

Naandito kami sa hall ngayong 10:00 ng umaga para i announce ang mga gaganapin ngayong araw na ito.

Mahihirapan din kaming mahanap ang kalaban dahil iba't ibang estudyante ang naandito sa University kaya malabong makita sila kaya gumawa na kami ng plano kung paano sila papalag sa aming trap.

"Good morning sa inyong lahat! excited na ba kayo sa gagawin natin ngayong araw na ito?!" tanong ni Yuan sa kanilang lahat.

"YES!" sabay sabay nilang sabi.

"OK! so mamayang 11:00 ng umaga ay sisimulan ang laban ng sport na basketball don sa court" sabi ni Zeph.

"Pede kayong magdala ng pagkain habang nanonood but please itapon niyo sa tamang basurahan ang mga kalat para hindi mahirapan ang mga maglilinis" sabi ni Sheena.

"So ang unang maglalaban ay ang North 1 College and East 1 College" sabi ni Vince.

"Second ay ang CED College and West 1 College" sabi ni Cindy.

"Huli ay ang Harvard College and Sacred Heart College" sabi ni Zyde.

"So handa na ba kayo sa bagong pinaka aabang ng mga estudyante?" tanong ni Zari.

"YES!" sabay sabay nilang sigaw.

"OK! so players maghanda na kayo at kahit anong oras ay pede na kayong pumasok sa basketball court para makahanap ng inyong pwesto" sabi ni Carrissa.

"But! may mga cardboard na nakasulat doon ang University na kailangan niyong upuan para hindi mahirapan mahanap ang mga school mates niyo" sabi ni Althea.

"So pede na kayong umalis dito sa hall ng isa isa para walang gulo or mapahamak and pede na kayong mag uli or maghanda para mamaya see you all! enjoy!" sabi ko at nagsi labasan na ang mga estudyante isa isa.

Bumaba na kami sa stage at dumiretso sa likod para mag usap.

"Baka may makarinig sa pinag uusapan natin dito" sabi ni Carrissa sa amin.

"None na I assured that wala ng natirang estudyante dito lahat sila ay naka labas na" sabi ni Zyde.

"Sinong pambato ng school natin sa basketball?" tanong ni Althea.

"You don't know? well kami ang pambato ng school natin" sabi ni Zeph.

"Then bakit nandito pa kayo at hindi kayo maghanda para mamaya?" tanong ni Sheena.

"Chill! may isang oras pa naman bago mag simula" sabi ni Vince.

"So base on what ay searched may iba pang grupo ng red side ang naka pasok na dito sa blue side" sabi ni Cindy.

"What?! akala ko isang grupo lang?!" tanong ni Zari at mukang nag aalala at hindi ko alam ang dahilan.

"Sorry but nakaka kalat na silang lahat ng hindi natin alam dahil hindi masyado natuon ang atensiyon natin dito sa Intrams na ito" sabi ko.

"And pinahigpitan ko den ang security sa mga gates ng blue side" sabi ni Zyde.

"Pero hindi iyon sapat para manatili ang kaligtasan ng mga madaming estudyante" sabi ni Althea.

"Doon lamang sa trap natin mababase ang lahat, kung hindi iyon gagana ay masyadong delikado ang kalalabasan"
sabi ni Zari.

"Tara na lumabas na tayo dito para magmasid" sabi ni Yuan.

Pagkalabas namin sa back stage ay nagulat kami ng makita namin ang isang babaeng naka salamin at mahaba ang buhok.

Namumukaan ko siya dahil lagi ko siyang nakikita na naglalakad sa corridor at alam ko din na tahimik at walang kaibigan ito kaya masyado siyang misteryosa.

"Sino ka? bakit ka nakikinig sa usapan namin?!" tanong ni Cindy sa babae.

"S-sorry hindi ko naman s-sinasadya narito lamang ako para mag pasalamat..." natakot siguro itong babaeng ito kay Cindy kaya nanginginig ang boses.

"Huwag kayong mag alala kilala ko siya, siya yung babaeng niligtas ko kahapon, walang anuman iyon school mate kita kaya kailangan ko kayong protektahan at kapag nakakita din naman ako ng kahit sino ay ganon din ang gagawin ko kundi tulungan siya" sabi ni Zari.

"Sige thank you nga pala ulit at sorry sa abala hindi ko naman talaga intensyon na makinig eh" sabi ulit ng babae.

"Sige maaari ka ng umalis" sabi ni Althea.

Tumalikod ang babae pero nahagip ko siya at kitang kita ko ang pag ngisi niya saka lumabas ng hall.

"Sa tingin niyo ay ipagsasabi niya ang kaniyang narinig?" tanong ni Zeph.

"Siguro naman ay hindi niya narinig ang lahat" sabi ni Yuan.

"Masama ang pakiramdam ko sa babaeng iyon" sabi ko at binaling nilang lahat ang tingin nila sa akin.

"Ako den hindi maganda ang nararamdaman ko sa kaniya" sabi ni Althea.

"Namumukaan ko siya pero hindi ko maalala kung saan at kailan" sabi ni Zyde.

"Nakita ko ang pagngisi niya bago umalis" sabi ni Carrissa.

"Akala ko ay ako lamang ang nakakita" sabi ko.

"Nakita ko den" sabay sabay nilang sabi.

"Isa sa suspect natin ay ang babaeng iyan" sabi ni Sheena.

"Tara na baka may makakinig pa sa atin dito ulit" sabi ni Zari.

Iyon nga ang ginawa namin kundi lumabas at dumiretso sa cr ng court para magpalit ng jersey naming mga lalaki samantalang ang mga babae ay pumunta sa bleachers para maghanap ng mauupuan.

"May masamang balak ang babaeng nakita natin kanina" sabi ni Yuan.

A/N: uy guys thank you so much sa 1k pataas na reads sana tumaas pa and kaya natin toh love love and sorry sa slow update:)❤️

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now