Chapter 25

260 19 0
                                    

Vince pov

"Legit pre na miss ko tong pagkain dito, grabe parang sobrang tagal nating nawala hahahahaha" sira ulong sabi ni Zeph.

"Kumain ka na nga lang jan ang ingay mo" sita ko sa kaniya.

"Alam kong hindi ka pa move on pero wag mo ko idamay" sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

"Anong connect?" tanong naman ni Yuan kay Zeph.

"Ang kj mo talaga!" sigaw ni Zeph.

Napansin kong laging wala sa sarili si Hanz at Zyde dahil walang imik.

"Aaminin kong nagulat din ako dahil nakabalik na ang gunner at kompleto pa hanep!" bigla kong sabi sa kanila.

"Hanga din ako kay Althea eh, biruin mo ang taas nung pader at bintana pero naka akyat parin siya mag isa!" sabi naman ni Zeph.

"Kung mahihinang babae ang umakyat doon ay baka nabalian na sila ng buto" sabi naman ni Yuan.

"Tahimik ata kayong dalawa?" tanong ko kay na Zyde.

Natahimik din sina Zeph na para bang hinihintay yung sagot nung dalawa ngunit hindi sila nag salita.

"May problema ba?" seryosong tanong ni Yuan.

"Hindi ko parin kasi maintindihan kung bakit nila kailangan magtago sa atin" sabi naman ni Hanz.

"May point ka, kasi hindi naman nila kailangan magtago kung pauwi na sila  dito eh" sabi naman ni Zeph na parang nag mamaktol.

"May kinalaman kaba dito sa Zyde?" tanong ko at natahimik nanaman kami.

Nag ring na ang bell kaya nagsi tayuan na kami para pumunta sa hall at kumuha ng aming gagawin na case.

Hindi sumagot si Zyde kaya marahil ay tama ang hinala kong may kinalaman siya sa nangyayari.

Matagal na kaming mag kakaibigan pero mahilig at magaling magtago ng sikreto si Zyde.

Ang kinuhang case ni Zyde at Hanz ay tungkol sa babaeng kinidnap ng isa sa mga mayayaman sa mga business at humihingi nang napakalaking halaga na pera ka palit ang babaeng bata.

Bumalik kami sa aming dorm at naligo na isa isa para maghanda sa aming case.

Nang matapos kami ay hinanda na namin ang aming mga gamit at pumasok na kami sa kotse ni Zyde.

Isa kami sa magagaling na grupo kaya tuwing gabi ang aming oras para sa bawat mission, samantalang ang mga mahihina ay tuwing umaga pero maliban nalang kung mahalaga ang iyong mission ay papayagan kang gawin iyon ng buong araw o higit pa.

Nang makarating kami sa isang lumang bahay ay nakasama ko si Hanz para pumunta sa kanan at sina Zeph at Yuan naman ay sa kaliwa samantalang si Zyde ay sa harap dadaan o kaya ay sa itaas.

Hanggang second floor lamang ang abot ng bahay na ito kaya masikip.

Si Hanz ang nauuna at ako ay nasa likod niya.

Napatigil kami at sumandal sa pader dahil may nakita kaming dalawang lalaki na nag sisigarilyo at nag tatawanan.

Sinenyasan ako ni Hanz na unang sumugod kaya dahan dahan akong gumilid sa dalawa para sa likod ako makaka sugod.

Matagumpay ko iyong nagawa dahil nasipa ko na sa likod ang isa at siniko siya dahilan para siya ay mahimatay.

Si Hanz naman ang nagpatulog don sa isa kaya dumiretso pa kami.

Nasa dulo ka kami ng kanan at may nakita kaming pinto.

Dahan dahan namin iyong binuksan at nakita namin ang limang mga lalaki na nakapabilog sa lamesa at umiinom.

Pumasok si Hanz na para bang walang tao, at nagsi tayuan naman ang mga nag iinom at hinanda ang kanilang mga sarili.

"Sino kayo?!" sigaw nung isang lalaki.

Sumugod ang isa na may dalang kutsilyo na planong saksakin si Hanz ngunit naiwasan niya at kinuha ang kamay at pina ikot saka binalibag.

Sumigod naman sa akin ang isa pang lalaki na walang dala kundi ang kaniyang mga kamao na parang nag aaya ng suntukan.

Susuntukin niya sana ako kaya pumunta ako sa gilid at siniko ang kaniyang leeg at sinuntok ng isa.

May humila sa aking likod at hinawakan ang aking kwelyo kaya masuntok ako ng isa.

Nang makatayo ako ay binawian ko siya ng suntok dahilan ng pagdugo ng kaniyang labi at ilong.

Nakita ko si Hanz na naka upo at naka tingin sa akin, nilibot ko ang kwartong iyon at nakita ko na ang iba pang tatlo na nakadapa at tulog.

"What?" naiirita kong tanong.

"Well hindi nila ako nasuntok ni isa at ang bagal mo" sabi niya.

"Aba-" iimik na sana ako ng may tumawag sa cellphone ni Hanz.

Sinagot niya iyon at nakinig saka binaba ang cellphone.

"Tara na nakay Zyde na daw yung bata" sabi niya.

Lumabas na kami at pumunta kung saan namin pinark yung kotse.

Nakita ko yung babae sa loob ng kotse at nag pupunas nang kaniyang mga luha.

Binalik na siya namin sa kaniyang mga magulang at umuwi na din.

Naligo muli kami saka natulog sa aming mga kama.

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now