Chapter 29

230 21 0
                                    

Yuan's pov

Naiwan kami ditong naka tunganga simula nung umalis ang Gunner.

Natapos na namin ang gagawin namin para sa College Intrams at ipapa alam na lng namin sa Gunner ang iba pa.

"Tara lunch" sabi ko sa kanila.

"Tara" sabi nila at nag si tayuan na kami para pumunta sa canteen.

"Gosh ang pogiiii"

"Kuya anong name mo?"

"Kuya dito po ba kayo mag aaral?"

"Ang tangkad niya bhieeee"

"Kuya ako si Luisa!"

"I'm quite famous now huh?"

Nag katinginan kaming lima dahil sa irit ng mga babae papunta sa canteen.

"Sino yun? may transferee ba?" tanong ni Vince.

"Anak ng tokwa baka maagaw ang mga babes ko" sabi ni Zeph.

Nagpatuloy pa kami sa pag lalakad at irit parin ng irit ang mga babae.

Pagkapasok namin ay nakita namin ang Gunner na may kasamang isang lalaki at nakain sila.

"Kyaaaa andito na ang Kingstern!!!"

"Huhuhuhu ang popogi nila!"

"Zyde ang pogi pogi mo!"

"Zeph pa picture!"

"Yuan kyaaaaaa"

"Hanz ang pogi mo!"

"Vince love na love kita!"

Nginitian namin sila at umupo sa isang table at kumain na din dahil sanay na kaming binibigyan kaagad ng lunch.

"Tsss sino kaya yun?" tanong ni Hanz.

"Bat kakilala sila ng Gunner?" tanong ni Zeph.

"Mukang may gusto yung lalaki kay Cindy dahil sa titig niya oh" sabi ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Hanz.

"Tsss ang bagal mo kasi Hanz nauunahan ka tuloy hahahaha" tawa ni Zeph.

"Lucas Riego" cold nasabi ni Zyde.

"Kilala mo?" tanong ni Vince.

"Tsss yung ama nan ay attorney nina Althea at Cindy" sabi pa ni Zyde.

"Balitang balita si Lucas Riego umano ay may gusto kay Cindy at eto naman si Hanz na paiyak na" sabi ni Zeph kaya binato ni Hanz ng plastic cup samantalang kami ay tawang tawa.

"Mukang mayaman" sabi ni Vince.

"Ayos naman ang itsura" sabi ni Zeph.

"Mukang malakas din ang pangangatawan" sabi ko.

"Yuck nababakla kana ba?" tanong ni Zeph sa akin.

"Ulols" sabi ko.

Nang matapos kami kumain ay paalis nadin ang Gunner kasama yung Lucas na yon.

Nasa unahan namin sila pero parang wala lang kami sa mga mata ng Gunner.

"Lucas sasali ka sa basketball?" tanong ni Zari rinig namin sila kasi nasa unahan lang namin sila eh.

"Hmmm, wala naman akong gagawin kaya sige sasali ako" sabi ni Lucas.

"Ilalakad na lng kita kay Zeph at sasabihin kong sasali ka" sabi pa ni Zari.

"Ehem nandito lang naman kami sa likod niyo" sabi ni Zeph.

Tumingin sila sa amin at ngumiti lang ng normal.

Tumigil muna kami dahil mag papakilala pa daw si Lucas sa amin.

"Lucas Riego mga pare nice to meet you" sabi niya at isa isang nakipag kamay sa amin.

"Yuan Gonzalez" sabi ko.

"Hanz Hernandez" sabi ni Hanz.

"Zyde Aden Cruz" sabi ni Zyde.

"Christian Zeph Cruz" sabi ni Zeph.

"Vince Kyle Martinez" sabi ni Vince.

"Sheena!" sigaw ni Cindy.

Tiningnan namin si Sheena na nakahawak sa kaniyang ulo at parang may iniindang sakit.

Lumapit kami sa kaniya ni Carrissa.

"Ok ka lang?" tanong ko.

Hindi na nakasagot si Sheena at hinimatay na.

"Shit" sabi ni Vince at dali daling binuhat si Sheena at sinundan namin sila papunta sa clinic.

"Sorry po pero hindi po tayo mag kakasiya sa loob" sabi ng isang nurse.

Kaming mga lalaki ang naiwan sa labas at ang mga babae ang pumasok sa loob.

Napa sandal sila sa pader samantala ako ay umupo sa corridor.

"Bat hinimatay yon?" tanong ni Hanz.

"Binanggit lang yung buong pangalan ni Vince ay nagka ganon na siya" sabi ni Zeph.

"Hindi parin niya naalala ang lahat pero kasama si Vince sa nakaraan niya siguro ay may naalala siya kahit kaunti" sabi ko.

"Kasalanan ko toh eh" sabi ni Vince.

"Wag ka mag drama pre hindi bagay sayo" sabi ni Zeph.

"Makakasama kay Sheena kung patuloy sasakit ang kaniyang ulo pero kahit paano ay may maalala siya about sa inyo at hindi malabong maalala niya ang lahat sa madaling panahon at kailangan mong paghandaan ang magiging reaction niya kung bakit siya nag ka ganon ng dahil sa iyo Vince" sabi ni Zyde at na tahimik kami.

Buti na lang at lumabas na si Althea, Cindy at Zari sa clinic at sinabing nagpapahinga na si Sheena at binabantayan parin siya ni Carrissa.

Nagtaka si Althea kung bakit ganon na lamang ang reaction ni Vince ng mahimatay si Sheena at nagtaka ako dahil wala palang kaalam alam ang Gunner sa nakaraan ni Vince at Sheena.

Pinaliwanag lahat ni Zyde ang nakaraan ni Vince at Sheena kaya gulat na gulat ang Gunner, hindi nila alam ang tungkol sa mga iyon.

Tiningnan ko si Vince at walang ibang makikita sa kaniya kundi ang pag aalala sa kaniyang mga mata.

"Makakasama sa kaniya yan kapag naalala niya ang lahat" biglang sulpot ni Carrissa at narinig pala niya ang lahat.

"Kamusta siya?" tanong ni Vince.

"Ayos na siya at natutulog" sabi ni Carrissa.

Tahimik lang kami at wala nang umiimik.

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now