Chapter 33

207 15 0
                                    

Zyde's pov

"Althea...." sabi ko.

~Flashback~

Nagkasalubong kami ni Althea pero hindi niya ako napansin at parang wala siya sa sarili niya kaya sinundan ko siya nang palihim.

Nakita kong papasok siya sa dorm nila kaya aalis na sana ako nang bumukas muli iyon at nakita ko si Althea nakabihis at may bitbit na backpack sa likod.

Alam kong may mali sa kanya kaya sinundan ko parin siya at nakita kong sinilip niya si Cindy bago lumabas ng University at umalis kasama ang kotse niya.

Aalis na din sana ako pero may sumigaw na lalaki at napapikit ako sa inis.

"Zyde!!!!!" sigaw ng magaling na si Vince.

"Huy san ka pupunta?! hindi nag aaya amputs" sabi ni Zeph kaya hinarap ko sila.

"Tigil tigilan niyo ako ah!" sigaw ko sa kanila at tumawa naman sila.

"San ka pupunta?" tanong ni Yuan.

"Tsss basta jan lang!" sigaw ko at tumilikod na sa kanila at naglakad muli papunta sa kotse ko bago pa ako tuluyang umalis ay sumigaw pa sila.

"Pasalubong!!!"

"Amputs saan kaya pupunta yon?" tanong ko dahil na sundan ko parin ang kotse ni Althea.

"Bat ang layo nang pupuntahan namin? lowbat pa naman ako" para akong sirang kinakausap ang aking sarili.

Kumunot nalang ako dahil unti unting nasagot ang aking mga tanong dahil sa daan na papatunguhan namin.

"Sa bahay...." bulong ko.

'Ano namang gagawin niya sa bahay?'

Madilim na at lalo akong nagtaka dahil imbis na pumasok si Althea sa gate ay umakyat siya sa pader.

"Nak nampucha may sapak ba toh?" tanong ko sa sarili kasi kitang kita ko kung paano umakyat si Althea sa pader pero hanga din naman ako slight langs.

Nang tuluyan siyang maka akyat sa pader ay pumunta naman ako sa gate namin at parang gulat na gulat naman ang mga taga bantay namin dahil nakita nila muli ang gwapo kong muka tsss.

"Sir? napunta po kayo dito?" tanong nung isang guard.

"Malamang dito ako nakatira pero may bisita bang dadating dito?" tanong ko.

"Eh sir ang alam ko po ay walang bisita ngayong araw bakit sir may problema po ba?" tanong nung isa pang guard.

"Ah wala" sabi ko saka pumasok na nang tuluyan sa gate.

Patay na ang ibang ilaw pero bakit pupunta dito si Althea ng dis oras ng gabi?

Pogi ako pero di lahat ng pogi nagegets lahat gets? hahahaha

Pinigilan kong tumawa dahil nakita ko kung paano hanapin ni Althea ang hagdan paakyat sa taas.

Nalilito parin ako kung bakit siya nandito pero hindi na lamang ako umimik at sinundan muli siya.

Nakita kong pumasok siya sa guest room at sinara ang pinto.

"May balak ba siyang matulog dun?" tanong ko muli sa sarili ko.

Maya maya ay lumabas na din siya at mukang dismayado, hindi ba niya nagustuhan guest room namin???

Sunod siyang pumasok sa kwarto ko at sinara ang pinto kaya lalo akong nagtaka.

"Wag mong sabihin jan ka matutulog sa kwarto ko?" bulong kong tanong.

Natagalan siya sa kwarto ko kaya baka tulog na siya kaya pumasok ako sa kwarto ko ng walang ginagawang ingay dahil alam niyo na baka mahuli ako.

Pero nagulat ako ng hawak hawak niya yung bracelet ko at singsing ko na binigay niya sakin noon at mas nagulat pa ako ng makita siya umiiyak at nasasaktan ako.

Nakita kong hinawakan niya yung dibdib niya na parang may kinakapa.

'Yung kwintas na binigay ko sa kaniya noon.... nasa kaniya parin pala? ano bang ipinapahiwatig mo Althea naguguluhan ako... " sabi ko sa isip ko.

Tumayo din siya at naglakad palabas ng kwarto kaya napagilid ako para hindi niya ako mapansin.

Nang makalabas din ako ay pumasok naman siya sa kwarto ni Zeph.

"Seriously? sa kwarto naman ni Zeph?" bulong ko muli.

Hindi naman nag tagal at lumabas din siya kaagad sa kwarto ng kapatid ko at hindi ako nag kakamali na sa kwarto ni Dad siya papasok.

Sinundan ko siya at imbis na pumasok din ako sa kwarto ni Dad ay idinikit ko na lamang ang tainga ko sa pinto at nakinig ng mabuti.

"Paano niyo....... sa amin ito? walang ginagawang.......... ang mga.... ko tito..... silang tao....... niyo iyon pero... pero....?" hindi ko masyado narinig yung sinabi ni Althea dahil masyado siyang malayo.

Nakarinig naman ako nang apak na papunta dito sa pinto kaya dali dali din akong gumilid para hindi ako makita.

Maingat na bumakas at sarado ang pinto at nakita ko pang nagpahid ng luha si Althea.

At huli niyang pinasok ang kwarto ni Mommy.

Hindi ako pumasok sa loob at ang ginawa ko na lamang ay makinig muli sa pinto.

Nakarinig ako ng ilang kalabog pero hindi parin ako pumasok sa loob.

'Ano kaya ginagawa ni Althea??' tanong ko sa isip ko.

Bumukas naman ang ilaw sa kwarto ni Mommy gising kaya siya?

"W-who a-are y-you?" boses ni Mommy yun ah?

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Dad at nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto ni Mommy at sinara muli ang pinto.

Hindi ako nakita ni Dad kasi nasa dilim na part ako nagtago tsss.

Nakarinig na lang ako ng sigaw ni Daddy at may bumukas ng pinto pero humara na ako at nakita ko siya kung paano magulat.

~End of Flashback~

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now