Chapter 2

1.7K 64 2
                                    

Charlie

"Ito isang malamig na Frappuccino para sa mainit mong ulo." Matinis na boses ng kanyang kaklase ang gumising sa diwa niya, nahiya naman siyang hindi ito tanggapin kaya inabot na ng dalaga ang bigay ni Sansy. Simula ng maging magkatabi sila nito sa isang subject ay naka buntot na ito sa kanya, hindi talaga siya palakaibigan lalo na't may sekreto siyang pilit na itinatago.
Nag pasalamat siya rito at sumimsim. Actually this is her usual, naka bisa na rin ata siya ng kaklase.

"Hay nako Sansy pano ba naman kase eh lagi akong nag hahabol sa huklubang iyon tapos napaka arte pa ayaw tumanggap eh 5 minutes late lang naman ako." Kamot ulong sabi ni Charlie. Nakaka stress talaga ang subject na iyon pero hindi niya naman pinagsisisihan ang nangyaring buong magdamag.
Biglang nag init ang tenga niya kaya pasimple niya itong tinakpan.
Amanda was gone for almost a month dahil nag out of the country ito para sa mga conference at yung negosyo ng pamilya nila.

She stared at Sansy napa taas naman ang kilay nito. May kaya ang babaeng kaharap niya, at panay rin ang Starbucks, typical rich kid pero iba naman ito si Sansy totoong loaded hindi kagaya ng iba na ginawang pamantayan ng estado nila sa buhay ang kapeng iniinom. Napailing na lamang doon ang dalaga habang inaayos ang kanyang salamin.

"Bayaan mo na Charlie andyan naman si Prof Davis eh mag patulong ka nalang sa kanya." Nawindang naman siya sa tinuran ni Sansy.

"At bakit naman si Davis ang naisip mo jan." Sabay tawang pilit niya
Umusbong ang kaba sa kanyang dibdib malalagot talaga siya pag nakaka halata na ito.

"Nakita ko kayo eh." Takang napalingon naman siya dito.

What the fuck mabubuko na ba ko?

Pag aagam agam niya, dahil pati kay Amanda ay malalagot din siya.

"Namalik mata ka lang ata Sansy. Takot nga akong lumapit dun eh. walang nag tatangkang maka daupang palad ang isang yon." Si Sansy naman ay napatawa.

"It was you kaya I saw her patting your back and in my angle that time it seemed like she was whispering something." Napalakas namang sabi ni Sansy gigil na napatatikhim nalang si Charlie minsan talagang magandang pag praktisang tahiin ang bunganga nito napaka lakas ng boses, mainam na ang continuous suturing para sa babaeng to.

"Seriously I was shocked. Kailan naman kayo naging close?" Kunot noong tanong nito.

"Ah baka nga ako yun. Mabait naman yun ata?" Bale walang turan ng dalaga, mainam nang mag maang maangan kesa maging defensive. Pero alam niyang sabaw siya sa palusot na yon. Halatang hindi kumbinsido ang kaibigan niya, awkwardly the girl laughs and started picking up her things.

"You know what we are going to be late again so get your ass off that chair and let's go!" Sabi nito at akmang tatayo na.

Sansy, hay typical Sansy.

Buti nag titiis pa itong maki hang out sa kanya kahit minsa'y halatang kulang siya sa pake dito pero naging malapit na din sila sa isat isa bukod sa napaka mapag bigay at bubbly neto ay nakokopyahan pa niya minsan, eh minsan lang naman sa oras lang ng kagipitan ganon.

tsk.

****

Ilang Segundo nalang at matatapos din sa wakas ang boring na subject ni matandang hukluban, ang tinutukoy nila kanina ni Sansy ang napaka striktong wala naman sa ayos di ka gaya ni Mrs. Davis kahit naman ubod ng terror eh may konsiderasyon. Hindi niya mapigilang hanapin ito sa loob ng unibersidad pero bigo siyang masulyapan manlang ito.
Her husband must be delighted to have her all for a day. She felt a pang of sadness in her heart with that thought.

Sino ba naman siya?

Napalingon ang dalaga sa likuran ng may maramdaman siyang tapik. Ang letcheng panira ng umaga niya ay walang iba kundi ang kaklaseng minsan niya nang hiningian ng pabor.

Unclaimed LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz