Chapter 7

884 33 4
                                    

Amanda

Nakatungong nakikinig si Amanda sa mga bagay na ikweni-kwento sa kanya ng asawa. Napag pasyahan niya ang umuwi at ilang araw na siyang nanunuluyan sa kanilang mansyon o para sa kanya ay ang kanyang kulungan.

"Theo will be home in an hour, would you like to join us in our little welcoming party for our son?" Tanong naman ni Eric sa kanya. Napa ismid naman siya sa ideyang impyerno ang sasalubong sa kaniyang anak anakan.

"I have consultations this afternoon I'm afraid I can't have much time." Naiintidihang tango naman ang ibinigay sa kanya ni Eric of course he will not question her word, he is a good husband right?

"Well then I have to fetch him at the airport." Tumayong turan ng kanyang asawa at hinalikan ang kanyang pisngi.

She wonders if her husband is having an affair sa ilang taon ba nilang hindi pag sisiping ay baka natuyo na ito't nag hanap ng babae not that she cares mas mabuti na nga iyon sa isip isip niya, she never loved that man more than a friendship level.
Hindi na siya sumagot pa at nag tungo na din sa kanilang silid. She looked at her phone nag dadalawang isip man siyang tawagan ang dalaga ay denial niya parin ang numero nito. Nakailang ring na siya at hindi parin ito sinasagot. She is starting to get pissed.

"Hello?" Garagal na sabi nito sa kabilang linya.

"Amanda are you still there?" Ulit nito sa kabilang linya

"I'm uh just... checking on you. Where the hell are you? You're not picking up?" Naiinis na turan niya.

"Kagigising ko lang di ba halata?" Nababatid ang sarkasmo rito.

"I'll be at my penthouse later." She informed the girl.

"Mm 'kay." Tanging sagot ng dalaga pinutol niya naman ang tawag at kagat labing nag tungo kung saan naroon ang mga de kalseng alak sa kaniyang silid.

Naka upong binasa niya ang mga papeles na kailangan niyang asikasuhin. Sa bata niyang edad ay minabuti ng kanyang ama na sanayin na ito upang mamahala sa kanilang mga negosyo ngunit ang pag memedisina ang kaniyang piniling landas na hindi naman gaanong tinutulan ng kaniyang mga magulang lalo na noong mag kasakit ang kaniyang ina minalas nga lang siya at pinili ng kaniyang ama na ipag kasundo siya sa anak ng kumpadre nito at iyon na nga si Eric.

"When will I ever get my freedom mama?" Sambit niya sa hangin , hoping her question will get to the heaven, to her mom. Sinubukan niya na noon ang kitilin ang sariling buhay at si Eric ang nakakita sa kaniyang katawan na unti unting nawawalan ng buhay.



****

"It's good to be back dad." Masayang sambit ni Theo sa ama. Tinapik naman siya sa balikat ng ama amahan.

"I am so proud of you son, our whole clan as well." May ngiting tugon ni Eric.

"Where is mom by the way?"

"She is always busy son, you know how demanding your mother's job." Tanging sagot ni Eric na ikinatango naman ng huli.

Hindi na ang usisa pa ang binata alam niya naman sa simula na malamig talaga ang pakikitungo ng ina sa kaniya. At hindi lingid sa kaalaman nito ang istorya ng pag sasama nila ng kaniyang ama amahan kung kaya't hindi na siya mag tatakang wala ito ngayon sa kanilang mansion.

"I am very much delighted to be back, it's time to find her." May buong pag asang turan naman ng binata. Walang nagawa si Eric kundi ang magtikom ang bibig at nag iwas ng tingin siguradong hindi magugustuhan ng binata na pati siya ay ipinagkasundo na ng Don at wala na itong magagawa pa.

Nagmamadali namang tinungo ng binata ang kanyang sasakyan at nag maneho patungo sa lugar kung saan sila nagkakilala ni Cha cha na siya talaga ang dahilan kung bakit niya minabuting maka balik ng Pilipinas upang tuparin ang kaniyang pangako. Iilang babae man ang kanyang nakilala sa Europa ay hindi niya pa rin makalimutan ang unang babaeng nag bigay sa kanya ng pag asa at ang unang niyang pag ibig.

Samantalang sa di gaanong mataong silid nag uusap usap ang mga medical students, panay reklamo sa mababang  marka na nakuha sa proyekto nila kay Mrs. Davis.

"Charlie Gonzales nakausap ko kanina si Manong guard dun sa gate 3 nung nag park ako may poging nag hahanap sayo." Ngumunguyang sabi sa kaniya ni Tamara. Mukha itong sabog sa itsura nito. Napailing si Charlie siguro ay panay parin ang party nito kung saan saan.

"Huh eh sino naman yun wala naman akong kaibigang pogi't maganda." Binatukan naman siya ni ng kaibigan.

"Doc bastos naman niyang bunganga mo." Napa aray naman si Charlie sa bigat ng kamay ng kanyang kaklase.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

"Kulit naman neto I trim ko yang mons pubis mo eh" Napatawa silang tatlo sa sinabi.

"Gusto mo ba samahan kita dun bessy?" Sambit naman ni Sansy.

"Sansy bayaan mo na yan para mag ka love life, malay mo ex niya pala yung mala foreigner na guylet sa parking lot." Tam said while grinning.

Napag pasyahan ng dalaga na mag tungo na sa sinasabi ng kaibigan. Kilala na kase sila ni manong guard sa gate 3 lalo na Sansy na anak ng Dean simula nung naging mag kaibigan sila ay nakilala na rin siya ng iilan. Tunog ng kanyang 2 inches na takong ang maririnig Nakita niya ang naka talikod na lalake may kausap ito sa telepono. Matangkad ito at may kaputian mukha nga itong may ibang lahi sa sa accent nito. Tila napansin ata nitong may tao kung kaya't lumingon ito.

May malaking ngiti ito sa kanyang labi. May itsura ang lalaki pero bat ganun na lamang ang ngiti nito sa kanya hindi naman niya ito kilala.

"Hello? Mag titigan nalang ba tayo?" Usisa niya mukha kasi itong tangang naka ngiti at nakatitig sa kanya

"Cha cha, nakita...na rin kita sa wakas." Bulong nito at lumapit sa kanya. Nabigla naman siya nang bigla itong yumapos sa kanya.

"Uy teka lang –" Nilayo niya ng kanyang katawan rito.

"Anong Cha- cha hindi naman cha-" Natigilan ang dalaga sa naisip

"Puny— Theo!?" gulantang na bigkas niya

"Ako nga Cha cha, diba nangako ako sayo." Naluha naman ang dalaga hindi niya lubos na naisip na darating ang araw na may tutupad pa sa mga pangakong binitawan ng malalapit sa kanyang puso. Niyakap siya nang mahigpit ni Theo at hinalikan ang kaniyang sentido.

Sa hindi inaasahang pag kakataon ay siyang pag labas ni Amanda sa kanyang sasakyan. Nagulat man sa kanyang nasaksihan ay pilit nitong kinalma ang damdamin. Ang kanyang anak anakan ay mahigpit ang yakap sa kanyang Charlie. Napahiwalay naman si Theo nang makita ng ina.

"Mother." Nagtatakang napalingon naman si Charlie sa sinambit ng binata.

"Am I interrupting something?" Tugon ng propesora ngunit ang kanyang matalim na titig ay nasa dalaga. Bumeso naman ang binata sa kanya at hinigit si Charlie palapit sa ina.

"This is Cha cha mother. My childhood friend and the reason why I came back." Ngiti nitong baling sa dalaga. Natuod naamn ang dalaga sa napag tanto. Hinang hina man ang kanyang kalooban napilit niya paring ngumiti kay Theo.

"She's my... professor... Theo" Halos pabulong na sabi ng dalaga at hindi maka tingin kay Amanda.

"Oh! you're studying medicine cha! God you are really awesome."

"She is right son. She is my... student." Napayuko lang si Charlie sa sinabi ng propesora. Ang kakaibang nararamdaman niya sa kanyang dibdib ay hindi dulot ng muli nilang pag kikita ni Theo kundi ang katotohanang ito ay anak ni Amanda. 

"I have some consultations left. I'm sorry I can't attend the party Theo." May pilit na ngiting sambit ni Amanda rito at hindi na muling tinapunan pa ng tingin si Charlie.  Napasunod nalang ng tingin ang dalaga hangang sa mawala ng tuluyan sa kanilang paningin si Amanda. Binalingan naman niya si Theo na ibang iba na ang itsura sa ngayon. Punong puno ng emosyon ang mga mata nito habang naka titig sa kanyang mukha animo'y kinakabisa ang bawat sulok nito.

Unclaimed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon