Chapter 24

672 24 0
                                    

Charlie

"I offered you marriage when we were young, can you still remember?"
Tanong sa kanya ni Theo.
Natawa ang dalaga sa mga ala ala iyong.

She's supposed to have coffee with Sansy and Paul pero biglang tumawag sa kanya ang kababata. Nag punta sila sa orphanage kung saan sila nag mula. Nanlibre si Theo sa mga bata at tuwang tuwa naman ang mga madre dahil dun. Lalo na at magkasama silang dalawa. Ikinagagalak makita ni Charlie ang mga madreng kumalinga sa kanila at lalo na ang mga paslit na mababakas ang kasiyahan sa mga iilang regalo nila.

Pag katapos nilang pagsalu-saluhan ang kanilang mga dala ay nagkaroon sila ng pribadong oras ni Theo.
Masayang nag kwe-kwentuhan ang mga bata habang sila naman ni Theo ay naka upo sa swing. Pinili nilang sa hardin na mamalagi dahil presko ang hangin.

"I can't recall saying yes." umaktong nasasaktan naman ang binata. Binato niya ito ng tuyong dahon na kanina niya pa pinaglalaruan.

"Right here in this garden yun diba?" natatawang sabi pa ng dalaga. Masaya nilang sinasariwa ang nakaraan.

"Sige na kase Cha Cha. Pakasalan mo ako pag laki natin ha?" napairap naman ang batang babae.

"Bakit naman ako papayag aber?" 

"Kase ako ang soul mate mo. At soul mate kita." nagmamalaking sagot naman ng pat-pating si Theo.

"Ewan ko sayo Theo." tinawanan nalang nito ang kababata.

"Sabi ni Ate Audrey, pag Mahal mo yung tao at masaya kayo yun ang pwede mong pakasalan." 

"Ano ba yung mahal?" usisa ni Theo.

"Ha hindi mo alam ang mahal?" irap ulit ni Charlie at nginatngat ang stick ng kanina pang tunaw na lollipop.

"Ang ibig sabihin lang non ay kapag mahal mo handa mo gawin lahat para sa taong yun. Mapasaya siya, alagaan at—

"Hinding hindi iiwan." mahinang bulong ng batang babae. Napansin naman ng batang lalaki ang biglang pagka lungkot niya.

"Oh kanina ang tapang tapang mo tapos ngayon iiyak ka na naman ulet."  siniko siya ni Theo. Simula kase nang umalis ang kanyang ate ay ito na ang naging kakampi niya. Sandalan nila ang isat isa.

"Naalala ko lang si Ate." punas ng bata sa kanyang luha at nag uunahang mga uhog. Natawa naman si Theo.

"Tawa ka pa jan sige lang pag ikaw pinag tripan ng malalaking bata di kita tutulungan" masamang tingin ang ipinukol niya rito habang ang isa naman ay umaktong nag zipper ng bibig pero natatawa pa rin.

"Hindi na ako tatawa."

"kase mahal kitaaaaaaaa" mahaba nitong sabi.

Ngumiti naman ang batang babae at inabot ang kamay sa katabi. Tumakbo sila papunta sa nakararami at nakipag habulan sa ibang bata.

Nanatiling naka titig lamang ang batang lalaki sa mukha ni Charlie may mga alikabok sa mukha nito ang mahabang buhok naman ay sumasabay sa ihip ng hangin. Ang mga ngiti nito'y kay tamis ngunit ang sa kaibuturan ng nga mata nito ay nakatago ang kalungkutan. May mga luhang namuo sa mga mata ng kababata.

Baka ito na ang huli nilang pagkikita dahil sa hapong iyon kukuhain narin siya ng kanyang magiging bagong pamilya. Ang mag asawang Davis ay ang pamilyang nakapili sa kanya. Ang sabi sa kanya ni sister Angela ay mabait daw ang angkan nito at higit sa lahat mayaman.

"I am so ashamed of you right now Charlie." Theo held her hands. She was brought back from her reverie.

"What do you mean?" takang tanong ng dalaga.

Unclaimed LoveWhere stories live. Discover now