"Galit"

47 8 3
                                    


Emosyong laging nararamdaman,
Mahirap ding pigilan,
Sa inggit nagsimula,
Suklam ang naging bunga,

Sa lahat ng tao sa mundo,
Ba't ikaw pa na aking kadugo,
Naging mabait ako sayo,
Pero ika'y nagbalatkayo,

Ako'y naging kakampi mo,
Nagtiwala ng husto,
Kapatid kitang totoo,
Pero bakit mo'ko ginaganito,

Ni pagrespeto'y kinalimutan mo,
Nakatira sa iisang bahay,
Lumaki ng sabay,
Ako ang iyong naging gabay,

Magkasama habang hawak ang aking kamay,
Bakit? Hindi pa ba sapat,
Ang aking pagiging tapat?
Nangako ka't sumumpa,

Na tayo ang laging magkasama,u
Dahil ako ang ate mo,
At ikaw ang bunso ko,
Sana lahat ng 'to masabi ko sayo,

Sobrang bigat sa dibdib,
Masakit sa loob,
Pero manhid ka,
Ni makiramdam 'di mo magawa,

Pakinggan pa kaya ako diba,
Sana dumating ang araw,
Na kapayapaan ang umapaw,
Upang galit ko sayo ay magunaw...

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Where stories live. Discover now