"Nakakapagod 'Din Pala"

89 7 0
                                    

Ako yung taong masayahin,
Palatawa at sobrang maalalahanin,
Inuuna ang iba,
Kahit nahihirapan na,

Pero bakit ganon,
No'ng ako'y nangailangan,
Wala manlang nagpatahan,
Kundi tinakbuhan ng mundong ginagalawan,

Lagi akong tumatawa,
Ngunit ang totoo'y nasasaktan na,
Malakas ako sa paningin niyo,
'Di niyo alam sukong-suko na 'ko,

Siguro panahon na para magbago,
Unahin muna ang sarili bago ang ibang tao,
Kasi ngayon ko lang napagtanto na...
"Nakakapagod din pala"...

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ