"Kakaiba Ka"

29 5 0
                                    

Naranasan mo na bang maliitin ka?
Bulihin at ipahiya sa iba?
Kasi kong naranasan mo na,
Hindi ka nag-iisa,

Pero lagi mong tatandaang kakaiba ka,
Tayo ay nilikha,
Nang Diyos na mapagpala,
Ginawa niya tayo sa kanyang kagustuhan,

Na may iba't ibang kagandahan,
Tayo'y may sariling talento,
At dapat tayong makuntento,
Linangin ng husto,

Upang balang-araw mapakinabangan mo,
Walang dukha,
Walang maganda,
Walang mahirap,

Kung tayo'y may pangarap,
Kailangan lang magsikap,
Para sa hinaharap,
Patunayan sa lahat,

Na hindi ka dapat minamaliit,
Kahit ika'y maliit,
Ika'y may malaking ginagampanan,
Sa ating sambayanan,

Maghahatid ng kaunlaran,
Sa lahat ng mamamayan,
Sa mundong ginagalawan,
Dapat matuto kang makialam,

Marunong kang makiramdam,
Tumulong sa mga nangangailangan,
Dahil sa puso mo ay may kabutihan,
Kung masakit man ang iyong pinagdaanan,

Lagi mong tatandaan,
Na kailangan mong bumangon,
Matuto sa nakaraan,
Gamitin itong inspirasyon,

Kung natakot ka noon,
Matapang ka na ngayon,
Dahil malakas ka,
At hindi ka mahina,

Kung noon nadapa ka,
Bumangon ka at sabihin sa kanila,
Na hinding-hindi ka na ulit masisira,
Dahil alam mo na, napagtanto mo na,
"Kakaiba ka"...

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon