"Bakit Kaya?"

40 7 0
                                    

Bakit ang hirap maging masaya?
Hindi ba't karapatan nating lumigaya,
Sulitin ang buhay na meron tayo,
Bago tayo lumisan sa mundo,

Bakit ang hirap pigilan ang selos?
Kahit na walang kayo,
Hindi maiwasang maramdaman ito,
Mahal mo siya,

Pero iba ang mahal niya,
Gusto mo siya,
Pero iba ang gusto niya,
Diba dapat kong mahal mo,

Mahal ka rin niya,
Siguro kasi may mga taong mahal ka,
Pero hindi mo mahal,
May mga taong gusto ka,

Pero iba ang gusto mo,
Bakit kaya hindi pwedeng magsama ang tubig at langis?
Siguro kaai naitakda silang maglapit,
Pero hindi itinadhanang magdikit,

Bakit kaya ang daling humingi ng tawad,
Pero ang hirap magpatawad,
Siguro kasi ang hirap ulit magtiwala,
Sa taong nakagawa na sayo ng masama,

Bakit kaya yong mga taong gusto mong makasama sa buhay,
Sila pa yong umaalis ng hindi nagpapaalam,
Bakit kaya, bakit kaya?
Ang daming tanong,

Na kailangan ng kasagutan,
Mga problemang kailangang solusyonan,
May mga nagmamahal ng paulit-ulit,
Kahit lagi din namang nasasaktan,

Bakit kaya?
Isang tanong na nangangailangan ng sagot,
Pero kahit mismo ako,
Hindi alam ang sagot,

Siguro may mga tanong na walang kasagutan,
At mga tanong na masasagot sa tamang panahon...

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon