"Lungkot"

57 11 1
                                    

Ito ang emosyong hindi ko maiwasan,
Maalala lang kita ito ang aking nararamdaman,
Sobrang bigat ng damdamin,
Lalo na kung walang masasandalan,

Hindi ko alam kong bakit,
Pero bakit sobrang sakit,
Maraming hinanakit,
At Hindi alam kong pa'no mawawaglit,

Minsan ko na itong naranasan,
Hindi ko alam kong kailan,
Mahirap pala kung walang mapagsabihan,
Sa mga oras na ika'y nasasaktan,

Ang bigat ng mundo,
Parang ito'y pasan-pasan mo,
Mga problemang hindi alam solusyonan,
Parang buhay gusto ng wakasan,

Kapag nararamdaman mo ito,
Parang walang may pakialam sayo,
Ayaw mo ng kausap,
Maski tao sa paligid mo,

Bakit kaya may ganito pa?
Hindi ba pwedeng maging masaya?
Yung walang problemang iisipin,
Walang sakit na sasapitin,

Kasi kung ako ang tatanungin,
Mas gugustuhin kong mabuhay ng masaya,
Kahit kasinungalingan lang ang lahat,
Kaysa naman sa totoo ang lahat,

Pero lungkot lang naman ang dulot,
Tao lang tayo at nagkakamali,
Kaya dapat nating sulitin ang bawat sandali,
Walang taong perpekto,

Pero kong alam mong makuntento,
Para sa'yo lahat ay kompleto,
Lahat ay buo,
Dahil hindi lahat ng saya ay baluktot,

Ang kailangan lang natin ay iwasan ang lungkot....

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat