"Mga Mananakop"

34 7 0
                                    

Ako'y isang Filipino,
Na minsa'y sinakop ang bansa ko,
Mga hapon, español at amerikano,
Naging matatag kahit dinanas itong delubyo,

Ito'y tumatak na sa puso't isip ng mga tao,
Paulit-ulit na naaalala ito,
Dahil buhay nila ang naisakripisyo dito,
Bayaning namatay upang makamit ang kapayapaan mo,

Ngunit nagbigay din sila ng magandang dulot,
Edukasyon, relihiyon, tela't puot,
Sari-saring produkto ang ating nalaman,
Mga panlasang gamit sa pagkain upang tayo'y masarapan,

Pero anu-ano nga ba ang dahilan ng pananakop,
Upang tayo'y ba maging alipin at kanilang masakop,
O tulungan sa hirap ng buhay,
At maaaring umunlad ng sabay-sabay,

Hanapbuhay ang pangunahing problema,
Araw-araw ay kailangan ng pera,
Upang makabili ng gamit ng mga bata,
At makapag-aral sa eskwela,

Hinay-hinay sa pag-unlad,
Unti-unting buhay ay bumabaliktad,
Amerikanong nagdulot ng edukasyon,
Gawin sanang instrumento at pundasyon,

Mga ambag nila'y pahalagahan,
Nang umunlad naman ang ating bayan,
Mag-aral ng mabuti,
Upang maabot ang mga minimithi...

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Where stories live. Discover now