"Tadhanang Malupit"

30 5 4
                                    

Sa hindi inaasahan,
Ika'y aking natagpuan,
At ika'y sinaktan ng iyong kasintahan,
Ako'y iyong naging sandalan,

Nagpatahan at naging kaibigan,
Ngunit sa mga araw na nagdaan,
May sumisibol na nararamdaman,
Ngunit winaksi't 'di na pinagtuunan,

Masaya akong kasama ka,
Napapasaya mo ako't napapatawa,
Minsan naitanong ko sa sarili,
Ano ba ang 'yong pagkakamali?

Bakit ka iniwan ng iyong sinisinta,
Lubos siyang pinagpala,
Dahil minahal mo siya,
At higit sa lahat iniiyakan mo pa,

Sana ako din,
Makahanap ng katulad mo rin,
Oo, mahal kita,
Pero hanggang kaibigan lang talaga,

Ayukong aminin sayo,
Baka kasi ipagtabuyan mo pa 'ko,
Mainam nang ganito tayo,
Mahal kita at kaibigan mo lang ako,

Kay lupit mo tadhana,
Hinayaan mong mahalin ko siya,
Kahit masakit na,
Wala akong magagawa,

Biktima ako ni kupido,
Sayang lang 'di ako nakaiwas 'no,
Edi sana 'di ako nangangarap ngayon,
Na balang-araw pag-ibig ko'y kanyang tugunan...

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Where stories live. Discover now