"Inay, Salamat"

46 7 0
                                    

Sa buhay na meron ako,
Utang ko lahat sa iyo,
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito sa mundo,
Maranasang mabuhay sa lugar na malaparaiso,

Gusto ko paglaki ko,
Ay maging katulad mo,
Iniidulo po kita,
Sa mga bagay na iyong ginawa,

Minahal mo ako ng sobra,
At lubos akong pinagpla,
Hindi ko hiniling ang perpektong ina,
Dahil wala namang perpekto diba,

Pero hindi ko inasahan,
Na ang panalangin ko ay mapagbigyan,
Ang magkaroon ng inang laging nandyan,
Upang ako'y gabayan at suportahan,

Ikaw ang unang nagparamdam,
Nang pagmamahal na magpakailanman,
Handang magsakripisyo,
Upang maibigay ang mga kailangan at gusto,

Kinakailangang lumayo,
Upang makapagtrabaho,
Kamay na dati'y malambot,
Ngayon ay kulubot,

Mga matang mapupungay,
Ngayon 'pag tumitig parang patay,
Mga butong malakas,
Ngayon mahinang katawa'y mababakas,

Nasasaktan ako,
Kasi wala manlang akong magawa para sayo,
Kundi mag-aral upang makamit ang mga pangarap ko,
Dahil minsa'y aking ipinangako,

Matupad manlang ang gusto mo,
Na makapagtapos ng pag-aaral ko,
At sa lahat ng itinuro mo sa akin,
Lahat ay aking dadalhin,

At ito'y gagamitin,
Upang katulad mo din,
Maging mabuting ina sa mga magiging anak ko rin,
Sa pagmamahal mo sa amin,

Gusto ko lang sabihin,
Ikaw ay isang alamat,
Dahil kakaiba ka sa lahat,
Kaya inay, salamat...

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Where stories live. Discover now