"Itay, Mahal Kita"

36 7 0
                                    

Itay, mahal kita,
Tatlong munting salita,
Pero ang hirap ipakita,
Inaamin kong hindi ako mabuting anak,

Laging nagkakamali sa araw-araw,
Pero alam niyo po,
Ang swerte-swerte ko,
Dahil ikaw ang naging tatay ko,

Pero alam kong hindi pa huli ang lahat,
Pwede ko pang iparamdam ang pagmamahal sa inyo na nararapat,
At sa araw-araw na pinapagalitan niyo ako,
Nararamdaman ko ang pagmamahal niyo,

Na kahit ganito ang buhay,
Mapalad ako dahil ikaw ang aking tatay,
Naranasan kong magkaroon ng kumpletong pamilya,
Mabuhay ng sama-sama at masaya,

Hindi ko alam kong ano ang ginawa kong mabuti,
Dahil ikaw ang binigay ng diyos sa akin,,
Naiinggit man ako sa iba,
Dahil nakukuha ang gusto nila,

Pero naisip ko, mas mabuti pala ang makuntento,
Hindi kailangan ng magulang na ibibigay ang gusto,
Kundi magulang na mamahalin ka ng husto,
Naaalala ko panga,

Nong umuwi ako ng luhaan,
Kasi hindi ako napasama sa mga estudyanteng mabibigyan ng medalya,
Pero naiyak ako noon dahil sa sinabi mo,
"Na hindi mahalaga ang medalya kundi ang katalinuhan at pagpapahalaga sa edukasyon",

Natutunan kong mag-aral pa ng mabuti,
Upang makamit ang mga minimithi
Minsan naiiyak ako,
Dahil mas iniisip mo pa kami kesa saýo,
Handang magsakripisyo para sa amin,

Pasenya napo kung minsan mang nasusumbatan ko kayo,
Pero gusto ko pong malaman niyo,
Na hindi ko intesyon na saktan ang damdamin niyo,
Kung napapagsalitaan ko kayo ng masama,

Nadadabugan kayo kapag akoý may ginagawa,
Sana kahit ganito po ako,
Hinding-hindi kayo magsasawang mahalin ako,
Dahil hindi ko po kayang mawala kayo,

Kasi minsan natatakot ako,
Na sana hindi pa dumating ang araw na kunin kayo ng diyos sa akin,
Dahil hindi pa pwede,
Ipaparamdam ko pa sa inyo kong gaano kayo kabuti sa akin,

Tutuparin ko pa po ang mga pangarap natin,
Magtatapos pa po ako ng pag-aaral,
Aakyat sa entablado habang hawak ang inyong kamay,
Na hawak ng sabay ang diploma ng tagumpay,

Bibili ng magandang bahay,
Magagarang sasakyan na gagamitin kahit sa'n maglakbay,
Kakain ng masasarap,
Tutuparin ang ating mga pangarap,

Kaya sana marinig mo po ito,
Ang munting tula na ginawa ko,
Dahil para sa akin ikaw ang tunay na biyaya,
Na binigay sa akin ng Diyos na pinagpala,

Mga tatlong salita,
Pero sobrang mahalaga,
At sana malaman nyo na,
"Itay, Mahal kita" ...

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα