Chapter XVI

151 6 3
                                    

SAVANNA

Sabay namin pinuntahan ang sinabing ospital.

"Hello. Saan po ang room ni Mrs. Veronica Enriquez?" sabi ko doon sa nurse.

"Number 111 po, ma'am," tugon niya.

Nagpasalamat na kami at umalis.

Nakita ko si Mom na may benda sa may noo. May mga sugat rin siya sa braso.

"Ate," tawag sa akin ni Jeremiah.

"Anong nangyari?" pinilit ko pa rin na maging kalmado ang boses ko.

"Hindi ko nakita si Mom pero, sabi noong nakakita ay bigla daw siyang tumawid," saad niya.

"A-Ano? Hindi naman basta-basta tumatawid si Mom," sabi ko.

"Totoo. Mayroon siguro nag-udyok talaga kay Mom na tumawid," he agreed.

"Ano kaya 'yon?" tanong ko.

"Baka sino, ate." paghihinala niya.

Narinig namin ang daing ni Mom marahil sa sakit ng mga sugat natamo niya.

"Mom, how do you feel?" tanong ko.

Pinuntahan naman ni Jeremiah ang doctor at si Andy naman ay bumili ng makakain.

"O-Okay lang ako, 'nak," sagot niya.

"Mom. Sabi raw ng nakakita sayo, tumawid ka raw?" kwento ko.

"N-Nakita ko ang Dad niyo," maluha-luha niyang sambit.

Once again, I was stunned.

"Oh my," napasabi ko na lang.

"Nandito na si Doc," sabi ni Jeremiah.

Chineck ni Doc si Mom. "Pwede niyo na siyang i-uwi mamaya. Make sure lang na magpahinga siya," turan niya.

"Thank you, doc," sabay naming sabi.

"Ako na magbabayad ng bill," sabi ko.

Pagkabayad ko, pabalik na ako sa room ni Mom.

I saw a well-built man na nakasilip sa room namin.

Lumapit agad ako sa kanya.

"Sino ka?" agad kong tanong. Napaigtad siya.

Hinawakan ko kaagad siya sa balikat at pilit na pinaharap sa akin.

Ngunit, mabilis siya. Nakita ko siya side view. Mabilis agad siyang tumakbo.

No, this can't be!

"Dad!" sigaw ko habang hinahabol siya.

Sa kasamaang palad, hindi ko na siya inabutan.

Iniwan mo na naman kami Dad.

I'm sure na si Dad 'yon e.

Kung hindi siya 'yon, bakit siya nakasilip sa room ni Mom.

Tahimik akong umiyak sa isang tabi.

Meron bang gustong manakit ulit sa'min?

Biglang may nag-email sa'kin.

From: simonvillaverde@gmail.com
To: savannaenriquez@gmail.com

"You can always count on me kahit malayo ako. I'm still watching you from afar.

Just pray, Sav. Kahit anong mangyari, mahal kita."

'Yan ang nakalagay sa email. Akala ko nakalimutan niya na ako.

Mahal pa rin kita kahit nasa malayo ka. Maghihintay pa rin ako.

Be with You Again [ON-GOING]Where stories live. Discover now