Chapter XXII

29 2 0
                                    

SAVANNA

I'm not emotionally ready to face people right now. I texted Lynn na hindi ako available.

I feel guilty for not texting her on time.

Nagkulong na lamang ako sa kuwarto ko at nagbasa-basa ng mga libro na kinolekta ko noong high school.

Dinala ko kasi ito.

I smiled noong maalala ko ang mga pinagagawa namin noon. Naghihiraman kasi kami ng mga libro. Minsan, 'di na naibabalik. Madalas, sira na kung maibabalik. Hays.

Hindi naman kami ganoon kagulo. Tama lang.

When I was in high school, believe it or not, si Simon lang talaga.

For some reason, nagpunta na lamang ako sa balkonahe ng kuwarto ko.

There, I saw the exquisite view of the buildings and clouds.

Clouds, sun, stars, and moon are the best things I wanna look up to whenever I feel lonely.

Dinama ko na lang ang maaliwalas na hangin mula rito.

Kasabay ng pagpikit ng mga mata, unti-unti na namang bumalik ang mga alaala na hindi ko mabitaw-bitawan.

Simula noong magkakakilala kami hanggang sa dumating ang araw na nagpaalam siya sa'kin.

Napaupo na lamang ako sa upuan at tinakpan na muli ang aking mukha habang nakatingala.

I let my tears fall freely. Ayaw ko nang pigilan pa ang kalungkutan ko. Baka mas lalong sumabog ako.

Sa ngayon hahayaan ko muna ang sarili ko na ilabas ang mga emosyon o kalungkutan ko.

I decided na kuhanan ng litrato ang view with my private Instagram account.

savannaverine this too shall pass.

Hindi ko naman gawain dati na magpost dito before. Nasaktuhan lang talaga.

Then, I heard someone knocked at the door.

"Anak, kanina ka pang nagkukulong sa kuwarto mo. Anak, marami pang iba na mas karapat-dapat ng pagmamahal, time, at effort mo. Huwag mo sana sayangin ang oras mo. You are free to express what you are feeling right now. Pero babangon ka ulit. Okay?" my dad said.

He hugged and kissed me at the top of my head.

"Thank you, dad. Salamat sa inyo dahil kayo ang nasasandalan ko. Sobrang grateful ko!" I said truthfully.

Hindi ko man siya nakasama noong kabataan ko. I feel like, ito 'yung na bumabawi kami sa mga times na hindi kami nagkasama.

-

Few days had passed. Nagdecide kami ni Lynn na magkita with her lovely daughter, Thalia.

I wanted to meet that kid. I'm so fond of kids!

Oo. Makulit rin sila. In my opinion, if we manage them gently, okay rin naman siguro sila.

Nariririto na ako sa park kasama ang mga pinamili kong gamit para sa bata.

It's four-thirty in the afternoon. Katulad ng dating napag-usapan.

"Savannaaaaaaaa!" sigaw nito.

Agad ko rin itong sinaway at nakakahiya sa mga tao. We're in public at nasa ibang bansa rin kami.

"Hi, little cutie pie!" I approached Thalia.

"This is a gift from Auntie Sav! Sana magustuhan mo," I said joyfully.

Be with You Again [ON-GOING]Where stories live. Discover now