Chapter XX

25 2 0
                                    

A/N: Dedicated to all of you, guys! Thank you so much for reading! Enjoy! <3

SAVANNA

Umalis na agad ako at nagpunta sa aking kwarto.

Actually, kanina pa ako inaantok e.

Bago matulog, I'll check my phone quickly. Ay wait, naasan nga 'yun?

Tinago ko ba 'yun?

While I was looking for it, I saw my bucket list notebook together with my phone.

Paano naman napunta rito ang phone ko?

I gasped. Ang tagal na rin neto.

Noong second-year college ako, I wrote everything na gusto ko mangyari for my future.

Advanced ako mag-isip noon e!

I smiled.

• Nakita ko roon na I wanted to travel the world.

• Do snorkeling.

• Mag-zip line. This one is hard for me.

I am afraid of heights. I wanna overcome that fear of mine.

• Having my own café.

• Lastly, having a loving husband and a family.

Alam kong may nakalaan rin para sa akin.

God has set the right time for everything.

After I checked my inbox, humiga na ako at tuluyan nang nakatulog.

Kinabukasan

THIRD PERSON'S POV

"Ate, gising na! Umaga na! Hoy," sigaw ni Je.

Kinakalampag nito ang pinto ng kwarto ni Savanna.

"Ano ba? Maaga pa!" sigaw pabalik ng babae.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Je sa kwarto ng ate niya.

May dala pala itong mga taklob ng kaldero.

Nagbilang siya ng isa hanggang tatlo.

Habang ang kapatid niya'y mahimbing na natutulog.

Malakas niya itong pinatunog.

"Aaaaa!" sigaw ni Savanna sa gulat.

Gulo-gulo ang buhok nito at may panis na laway pa.

Tawa ng tawa si Jeremiah sa hitsura ng kapatid niya.

Medyo matagal na rin kasi mula noong tumawa ng wagas silang dalawa.

Binatukan naman agad ni Savanna ito at bumaba na rin sila.

Magkasabay nilang nakita ang kanilang mga magulang na nagluluto.

Their dad is hugging their mom from the back while stirring the dish.

Napangiti naman sila nang makita nila na masaya ang kanilang ina.

Lalo't higit ang kanilang ama.

SAVANNA

"Kumain na tayo at may pupuntahan pa tayo," anunsyo ni dad.

Nagtaka kaming magkapatid.

"Pasensya na't hindi ko kaagad nasabi sa inyo. Bukas tayo pupunta ng Milan. Pasyal muna tayo. We decided ng mom niyo na magtayo rin ng sarili nating business doon," my dad said.

Be with You Again [ON-GOING]Where stories live. Discover now