Chapter XVIII

31 2 0
                                    

VERONICA

"Walang makakarinig sa'yo rito," a man told.

Hindi ko kilala ang boses niya. "S-Sino ka?" I asked bravely.

Pinipilit kong maging matapang kahit takot na takot na ako.

Kailangan kong makaalis dito agad-agad.

My body is shivering now. I don't what to do. I wanna be strong for my kids.

Makikita ko pa sila. "Napakaganda mo naman pala. Hmm," he told.

"S-Sino ka? Saan mo ako dinala?" mariin kong sabi.

"Sabihin na lang natin na tonight is your nightmare!" he said.

He laughed evilly. Tumahimik muna ako at nag-obserba.

Umalis na siya. Alam kong marami sila at kahit anong gawin ko siguradong bantay-sarado ako.

Bumalik siya na may hawak na pagkain. "Oh, pagkain mo," sabi niya.

Umiling lang ako. "Kumain ka na! Ang dami pang arte! Malalagot kami kay boss niyan e," madiin niyang sabi.

"Mamaya, makikita mo si boss," turan niya.

He went away. Dahil hindi ko na rin mapigilan ang gutom.

Nagawa ko na ring kainin 'yung pagkain. Pinagdasal ko muna ito bago kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain, nang bumukas ang pinto.

"Hi, Veronica," he said. Unti-unting nanlaki ang mata ko noong makita ko ang taong nasa harap ko.

"G-Garreth?" I asked. Naririto sa harapan ko ang minamahal ko.

"Na-uh. Correction, dear. It's Gregory," tawa niya.

"A-Ano?" gulat kong tanong. Hindi ko siya kilala kaya ayun na lamang ang aking nasabi.

"K-Kung hindi ikaw si Garreth, sino ka?" I asked.

He laughs. "Hay nako. Isn't it obvious? Kakambal niya ako," he said.

Kaya pala may taling siya sa may kilay. Si Garreth naman ay wala. Bakit hindi ko 'yun napansin?

"Kaya pala ikaw ang napangasawa ng kapatid ko, talaga nga namang ika'y kabigha-bighani."

Hinawakan naman niya ang mukha ko. He smiled. 'Yung kakaibang ngiti.

"Ano kaya ang gagawin ng kapatid ko kapag nalaman niyang nasa akin ka?" he laughs.

Ibig sabihin, buhay pa ang asawa ko! "Just behave here, sister-in-law. Walang mangyayari sa'yo," he smirked.

Muli, lumabas na siya ng basement. Garreth, nasaan ka na ba?

Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako.

Pupungas-pungas ako noong may narinig akong ingay.

"Why are you after my wife, Gregory?" a man shouted.

T-Teka kilala ko ang boses na 'yun.

I saw my man. He is wearing a white shirt. Many blood stains was spread to his shirt. Malamang maraming mga tauhan.

"Ha! Simple lang. Gusto ko lang naman kayong tapusin na dalawa! Hindi mo alam kung ano ang nangyari nung ikinasal kayo! 'Yang babaeng 'yan ang dahilan, Garreth! Noong pinakasalan mo 'yang babaeng 'yan, namatay sina Mama!" sigaw nito pabalik.

I was speechless. Hindi ko alam 'yun. Oo, nagtanan lang kami ni Garreth at nagpakasal.

Our families are rivals. Garreth was also stunned. Hindi rin siya makagalaw.

Be with You Again [ON-GOING]Where stories live. Discover now