Chapter II

428 25 4
                                    

SAVANNA

Pagkalabas namin ng restaurant, nagpasalamat ako sa kanya dahil treat niya daw.

 "I should be the one to thank you. This isn't part of your job. Ngayon lang ulit ako may nakasabay kumain e. Masaya pa din  pala," he chuckled. 

He's not bad or scary at all. He took me to the hospital. "Why?" hindi ko napigilang maitanong. Ano ba 'yan, Vanna?!  Hindi mo ba talaga mapipigilan 'yang dila mo?

"I am an only child since then. My parents are staying in other country. Hindi ko kayang iwanan ang trabaho ko. Hindi lang ito trabaho, mahal ko 'to. I have friends but, we are all busy with our lives," sabi niya.

"Never skip meals and be early next time," paalala niya.  

Mas lalo pala siyang pumopogi 'pag ngumingiti. Hindi ko iyon napansin dahil sa kaba e. But, medyo may kaba pa rin.  

"Hatid na kita," alok niya. "Ah. Hindi na po, Attorney. Kahit hindi na ito kailangang sabihin, thank you," sabi ko. 

"Nah. Hindi pwede 'yon. By the way, you're welcome." he insisted. "Hindi na po talaga. Bye po and ingat." pilit ko. Lumakad na ako paalis pero hinabol niya pala ako. 

"No. Sumabay na sa'kin gabi na oh. It's dangerous." he insisted. Wala akong nagawa dahil may tama siya.

 Sumakay na kami sa sasakyan niya. Actually, parang alam na alam niya ang daan papunta dito. Baka guni-guni ko lang 'yun. 

Nakarating naman kami sa bahay ng maayos. "Thank you po ulet, Attorney!" pagpapasalamat ko. "Ate, nandito ka na pala. Teka, sino siy-" naputol ang sinabi niya rito. 

Nagulat naman siya noong nakita niya si Attorney. Hindi siya siguro makapaniwala na may naghatid sa akin.  

"Ako nga pala ang kapatid ni ate Savanna. At ikaw?" tanong nito. Para siyang nagi-interrogate ng may sala. Interrogation ba 'to? 

 "Simon Villaverde." maikling sabi ni Attorney.  Hindi sila umiiwas ng tingin sa isa't isa ah. "Sige po, Attorney. Ingat po kayo sa pagmamaneho," I smiled. 

Ngumiti rin siya at umalis.  "Ate, mag-resign ka na kaya at ako na lang ang magtratrabaho?" suhestiyon niya. "Hindi pwede, Jeremiah. First day ko pa lang ngayon e. tas, magreresign ako?" tanong ko naman.

 "I don't trust that guy, ate. Lumayo ka na 'don." sabi niya. "Hindi nga pwede, Jeremiah." pilit ko. "Bahala ka nga dyan, ate" sabi niya at pumunta na siya sa room niya.

After a week, hindi na ako late sa trabaho. I tried my best to do that. "Miss Enriquez, what is my next appointment after this?" he asked. 

"Attorney, 'yung case po ni Mr. Romualdo. Isa po siyang matanda na p-pinatay po ng sarili niyang anak," I answered. He nodded. Hinilot niya ang sentido niya. Napasandal pa siya sa swivel chair niya.

 Nung pumasok ako kanina, he was quiet. Oo, tahimik siya palagi pero, ngayon parang may kakaiba. Siguro stress na rin si Attorney. Naisipan kong dalhan siya ng kape.

 "Uhm. Attorney, kape po." alok ko. "Thank you, Miss Enriquez," maikli niyang pahayag. Pumunta agad ako sa table ko. 

Maya-maya, "Miss Enriquez, can you please reschedule my appointments? Reschedule it tomorrow." utos ni Attorney. "Copy that, Attorney" I answered. Napansin kong matamlay siya. 

"Uhm. Attorney, pwede po bang magtanong?" I tried to asked. He nodded. "Attorney, are you okay? Matamlay ka e," I asked. 

Hindi ko napigilang lapitan siya at hinipo ang noo at leeg niya. "Attorney! May lagnat ka e. Sobrang init mo!" napasigaw ako dahil sa pag-aalala. "Attorney, dalhin na kaya kita sa ospital?" tanong ko. 

"Huwag na. Can you please drive me home? Ayoko ng gumastos. I can handle myself. Ilang taon na rin akong umaasa sa sarili ko." mahina niyang pahayag. I nodded. He gave his car keys at lumabas na kami ng  office niya.

Umupo na siya sa passenger's seat. "Sa Grandville lang 'yung bahay  ko. Alam ba kung saan 'yon?" tanong niya. "Ah. Oo," maikli kong sagot.

Tinuruan kasi ako ni dad e. Buti na lang. Sabi niya, I need to practice driving para sa emergency. "Attorney, malapit na tayo. Saa--" napatigil ako dahil nakita kong tulog na si Attorney.

Ang pogi niya talaga. Napangiti naman ako. *BEEP! BEEP! BEEP!* May bumusina galing sa likod.

Nalimutan kong nasa sasakyan nga pala kami. Savanna, muntikan ka ng maaksidente, idadamay mo pa si Attorney. Madidisgrasya ka na nga, magbabayad ka pa!

  "Good afternoon po, Attor-. Ay sino po kayo? Nobya ka ba ni Simon?" tanong nito. "Manong naman. Ako nga po pala ang bagong sekretarya ni Attorney Villaverde. Nga pala, Manong.  Alam niyo po kung saan ang bahay dito ni Atty. Simon Villaverde?" tanong ko. 

"Ah, si Attorney. Doon sa ******. Alagaan mo iyan ha. Tulog na ata e. Sige , ineng. Ika'y humayo na."  sagot naman niya.

Nasa harap na kami ng bahay ni Attorney. Hindi ko naman siya kayang buhatin. Lumapit ako sa kanya at tinapik ko ang mukha niya.

"Attorney, gising na. Nandito na tayo sa bahay mo," gising ko sa kanya. "Hmm.." tugon niya. Inilalayan ko na lang siya. Tinanggal ko muna 'yung coat niya.

Binuhay ko 'yung aircon doon. Kumuha ako ng maliit na planggana na may tubig at bimpo. Ipinunas ko iyon sa kanya.

Hindi ko na siya hinubaran. Hindi ako manyak 'no!  Bumaba din ako sa kusina at naghanap ako ng pwdeng lutuin. 

Nakita ko naman na maraming stocks ng pagkain dito kaya nagluto ako ng sopas. Matapos kong lutuin iyon, ginising ko siya. Fortunately, naggising siya kaagad.

Matapos niyang kumain, humiga ulit siya. "Attorney, iinom ka pa po ng gamot," turan ko. Hindi na siya umimik.

Buti na lang talaga at mayroon pa siyang stock ng mga gamot dito for emergency purposes. Pinainom ko siya nito. Inayos ko na ang gamit ko at magpapaalam na sa kanya.

"Attorney, hindi na kita napalitan ng damit e. Ang ganda talaga ng kilay mo. Pati, pilik mata. Isama na rin natin ang matangos mong ilong. Saka ang mapula mong labi." bulong ko sa sarili ko.  

Ano ba 'yan, Savannna?! Tama na nga 'yan! Huwag mong sabihing may gusto ka sa abogadong 'yan?  Napailing na lamang ako. Bigla naman na tumunog ang cellphone ko. [*ring ring ring*].  

"Ay kabayong bundat!" napasigaw ako dahil sa gulat. Tiningnan ko kaagad siya at baka naggising dahil sa pagkakasigaw ko. Buti na lang hindi. 

Phew!  Sinagot ko kaagad si Jeremiah. Sinasasbi niyang umuwi na ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagmamadali. 

"Sige po, Attorney. Get well." paalam ko sa kanya kahit hindi niya ako naririnig. Nakarating naman ako ng safe sa bahay. 

-

"Ate, saan ka ba nagpunta? Nakalimutan mo na ba na birthday ni mama ngayon?" pagalit niyang tanong. 

"Hala!" 'yun na lamang ang nasabi ko nung nakita ko ang date ngayon. "Your answer is very obvious, ate.  Kasama mo na naman ba 'yung abogadong 'yun?" tanong niya pero galit pa din. 

"O-oo. May sakit kasi siya. Hindi ko rin intensyon na malimutan ang birthday ni mama," I explained. 

"Ate, simula nung naging sekretarya ka ng  abogadong iyan, lagi ka ng late. Sana naman naisip mo kung ano ang mararamdaman ni mama!" galit na galit niyang pahayag. 

Naiwan akong nakatulala sa kusina at umagos agad ang mga luha ko. Masyado na ba akong naging focus sa trabaho? Kaya nawalan na ako ng time para sa family ko?

A/N: Hi. Sana magustuhan niyo pa rin 'yung story ko. Thank you, talagaaaa.💗

p.s. sorry din sa mga typos HAHAHAHAHA 😅

feel free to vote & comment, thank u in advance. :)


Love you. — mimi

Be with You Again [ON-GOING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant