Chapter 70 Ang Pag uusap nila't paghahanda!

394 13 0
                                    

Sa nangyaring iyon ay agad na nagsilabasan ang mga nagtatagong knight sa paligid. Ang mga batikang mga agent at interpol ay nagsulputan sa bawat kanto bilang isang mga normal na tao. May misyon silang dapat na gampanan. Iyon ay ang mag imbestiga sa paligid.

Sa pag uusap naman ng mag asawang Santos.

" Jennallyn, ano ba talaga ang nangyare noon? Nakita kitang binawian ng buhay noon at sa bisig ko mismo. " pag uusisa niya sa asawang nagbabalik mula sa hukay.

" Mahabang kwento at narito ako para hasain ang anak natin. Siya ang susunod sa trono ko. " tugon niya sa asawang si Jeno.

" Hindi pa handa si Jen at kailangan pa niya ng mahabang panahon. Anak nga natin siya pero hindi siya ganun katapang! " wika niya sa asawa.

" Jennovanni, hindi ba't ganun din ako tulad niya. Naging matapang lang ako ng tinangkang ilaglag nila ang pinagbubuntis ko. Doon ako naging pusong bato at pati si mama ay iniwan ko. Sumama ako sayo." paalala niya rito.

" Alam ko dahil andito pa rin ang sakit ng nakaraan, Jena. Hindi pa rin nawawala nong sunugin nila ang buo kong pamilya. " sabat niya.

" Totoo ba ang narinig ko, Jeno. Tinawag mo ako sa gusto kong pangalan na Jena. Hindi ka pa rin nagbabago at ganun ka pa rin. " yakap niya sa asawa ng bahagya at binigay ang isang kwintas.

" Dala mo pa rin ito, aking Jena. Akala ko ba'y naiwala mo ito? " usisa niya sa asawa.

" Bakit ko naman wawalain ito? Ito ang dahilan kung bakit ako bumalik. Mahal na mahal kita Jennovanni Santos. Si Jen ay sadyang napakatapang at alam kong nakuha niya ang katangian nating dalawa. Maghanda ka at nagsisimula na ang alitan ng pamilyang de la Vega at pamilya de los santos. Alam ko ang ugat ng alitan nila at dapat ay iyon din ang makakahilum ng sugat nila sa nakaraan. " paliwanag pa niya sa asawa.

Jeno Pov's
Tama ang asawa ko. Kailangan ng tuldukan ang alitan nila.
Alam kong nagkukunwaring walang alam si Jen ngunit nasaksihan naming lahat na asintado siya nong nagpalaro sa archer.

" Nasaan na ba si Jen? " hanap kong sambit nang nagsulputan na naman ang mga apo naming napakakulit mas lalo na si Princess.

" Lolo Jeno, kargahin niyo naman po ako. Please, " pagpapacute ni Princess sa harapan ko.

" Karga daw? Baka umiyak yan." sabat ng asawa kong hawak na naman ang phone niya.

" Sige na po lolo, please.. " pagmamakaawa niya.

" Hali ka na nga baka magtampo ka na naman. " karga ko na sa kaniya.

Matampuhin ang batang ito. Mana kasi sa mama niya kaya ayan.

" Pa, ako na po sa kaniya baka kinukulit na naman kayo nitong pilya na ito. " kuha sa kaniya ng papa niya.

" papa, " angal na naman niya.

" Princess, wag nang makulit at na high blood na naman ang mama mo. Ayon, nakatulog na! " balita ni Carllex sa kaniya.

" Mama is not okay? " usisa niya tapos humikbi.

Ayan, kapag umiyak itong si Princess. Panigurado sira na anfmg araw ng lahat. Bihira siya humikbi at nadadala niya lahat kami sa kalungkutan niya.

" Papa, ibaba niyo po ako at pupuntahan ko si mama. " sabi pa niya sa papa niyang karga siya.

" Heto na, shhhhh tahan na! " suyo niya rito.

" Mama is not! " akyat na niya sa hagdan na parang lubos siyang apektado kapag mama na niya ang pinag uusapan.

" Mama's girl siya at normal lang iyon. " wika ng asawa ko.

" Mama Jena, patawarin niyo ho sana ako sa pag iwan ko sa anak ninyo. Dahil ho sa akin ay napabayaan niya ang sarili niya at itinaguyod ang tatlo naming mga anak. " paghingi ng tawad ni Carllex sa harap ng asawa ko.

" Alam ko at pinanood kong lahat iyon. Hindi naman ako.galit sayo. Bantayan mo ang mag ina mo at baka madamay sila. " payo niya kay Carllex.

" Maraming salamat ho, mama. " yuko niya at sinundan si Princess sa taas.

Sa kabilang banda.
Sa bansang pinagmulan ng mga de la Vega.
May isang haring umaalma sa nalaman mula sa bayan kung saan naroon ang mahal niyang Reyna. Siya si Deave de loy Zaga, ang trono ay nasa sa kaniya ngunit malaki ang pag alala sa mahal niyang Reyna na si Mia.

Siya ang may utos na magpadala ng tulong sa San de la Vega. Hindi niyang hahayaan na muling gambalain ang angkan nila ng alitang mula pa sa nakaraan.

Deave Pov's
Hindi ko hahayaang sirain uli ng angkan ni Leandro ang aming pamilya.
Matagal na ito pero bakit hindi pa rin sila humihinto? Gusto pa atang may magbuwis uli ng buhay para matigil silang lahat.

" Kell, bumalik kayo ng Pilipinas at bantayan ang pamilya ko. Isama mo ang lahat ng mga Knight na batikan. " utos ko sa kaniya.

" Your highness, saan kami tutuloy? " usisa niya sa akin.

" Sa abandon building kung saan tayo nagsimula. " tugon ko sa kaniya.

Magsisimula sila ulit gaya ng dati. Sa abandon building na ginawa naming hide out noon. Napaayos ko na iyon. Kinontak ko na rin ang Knight Queen Street na tinatambayan ng mga adik noon. Magsisimula na ang gerang tahimik ngunit mapinsala. Mahilig sila sa pasabog kaya't dadaanin namin sila sa matahimik na paraan.

Sa Mansiyon de la Vega.
Sa kwarto nina Jen at Carllex. Nakatulog na din sa pagbabantay ang makulit nilang prinsesa.

Kaya aayusin na lamang siya ng papa niya at itatabi sa mama nito sa higaan.

" I love you, Jen. " wika ni Carllex at hinagkan sa noo ang asawa niya ganun din ang anak nila.

Mapapansing nagigising na si Jen at mapapahawak sa ulo niya. Magtataka siya ng mapansing katabi ang anak niyang napakakulit.

" Umiyak na naman ba ito? " usisa ni Jen ng mapuna ang luha ng anak niya sa pisngi nito.

" Oo eh saka nagpumilit na pumunta rito. Sabi ko naman sayo na wag masyadong mag alala. Yan tuloy, " lapit ni Carllex sa kaniya at sandaling tinabihan.

" Hindi ko alam kung makakakaya ko pa ito. " panghihinang loob ni Jen.

" Maging matapang ka pakiusap at ang nasaksihan mo ay isang paputok at hindi pa actual. " tugon niya rito.

" Alam ko Carllex pero paano magiging matapang? " usisa niya rito.

" Tutulungan ka namin, Jen. Bukas na bukas ay darating ang mga suldado, agent at interpol mula sa Spanya. Ako ang bahala sayo. Maging matatag ka lang. Mag - take ka ng gamot mamaya para bumaba ang dugo mo. " payo niya sa asawa.

Jen Pov's
Ito na ba ang tamang panahon para hubarin ko ang maskara ng kaduwagan? Kailangan ko na bang maging matapang para protektahan ang aming pamilya? Kung ganoon, susugal ako sa aking pagkatao't isusuot ang maskara at uupo sa trono.

One Night Stand - SEASON 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon