Chapter 91 Pagsubok!!

328 14 0
                                    

Nagkahabulan na lamang ang tatlo palibot sa fish pond. Tawang tawa si Carllex sa ginawa ng pilya nilang anak na nilagyan ng mga ipis ang brief ng mga kapated nito.

" Princessssss...... Magagalit talaga ako! " sabi ng kuya Carll niya na hindi maabutan ang dalagang kapated at kanina pa nagpaikot - ikot sa gilid ng fish pond.

" Kayo naman kasi ang nauna. Ginulat niyo kaya ako kanina at muntik na akong mahulog sa fish pond. Paano kung nahulog ako eh hindi pa naman ako marunong lumangoy. " sabat ni Princess sa mga kuya niya.

" Iyon naman pala! Patawarin niyo na ang kapated niyo at pilya talaga yan. " sabat ng papa nilang kausap si sir Leandro IV.

" No papa saka nagsikalat ang mga ipis sa kwarto mamin. Paano pa namin masusuot yon? " ang sabat na tila galit na si Carll sa papa niya.

" Mga kuya, ano naman punishment niyo sa akin? " usisa ni Princess.

" Lumapit ka rito." utos ng kuya Carll niya.

" Madali lang 'tong punishment namin." tugon naman ng kuya Llex niya.

" Sabi niyo yan ha. " lapit niya ng madahan sa mga kuya niya.

" Ikaw na pasaway ka." sabay karga ng patiwarik ni Carll sa kapated nila.

" Papa help me! " pagpapalo ni Princess na nakatiwarik sa likod ng kuya niya.

" Pa, lulunurin lang namin 'to sa pool! " sabing paalam ni Llex sa papa nila.

" Boys, babae yan hindi sako! " paalala ni Carllex sa mga anak niyang binata.

Leandro IV Pov's
Ay grabi, napaka pilya talaga ni Princess kaya ayon kinarga siya ng patiwarik ni Carll. Nantayuan ang balahibo ko noong sinabi nilamg nilagyan ni Princess ng mga ipis ang mga brief nila. Nakakapanindig balahibo!

Naiwan si sir Carllex at may pag uusapan pa daw kami.

" So, anong plano mo? Sasabihin mo ba sa kaniya ang totoo? " usisa agad ni sir Carllex sa akin.

" Baka hindi na ho saka malapit na ang coronation niya. " sabi ko naman. Mahirap na baka magulo pa ang isip niya.

" So? Thank you sa pagdalaw mo dito. Tara, meryenda muna tayo bago ka umalis! " yaya sa akin ni sir Carllex.

Napalakad na lamang kami ng sabay patungo pabalik sa mansiyon. Hindi ko naman matanggihan si sir Carllex at maluwag pa naman ang schedule ko. Pero bukas ay punong - puno ito. Ngayon ay maglilibang muna para mapaghandaan ang bukas.

Pumasok na kami sa mansiyon at ayan nasa sala sina señora Mia at senore Carlos. Napatayo sila ng makita ako.

" Hi Mr. Leandro IV, totoo ngang isa kang makisig na binata. " bating puri ni señora sa akin. Hindi pa naman ako sanay na purihin at hate ko 'yon!

Yumuko nalang ako saka bumati rin.
" Kamusta kayo señore at señora. Lahit lipasan ng mga taon ay hindi pa rin nagbabago ang anyo ninyo. " puri ko sa kanilang dalawa.

Napakaganda pa rin ni señora Mia at señore Carlos kahit may mga apo na sila sa tuhod.

Pinaupo na lamang ako ni sir Carllex at lumabas naman mula sa kusina si ma'am Jen na simple ngunit napaka mabait. Just like her daughter Princess na kahit napaka pilyo at kulit ay mabait naman at may magandang puso. Kaya nga ideal girl ko yon!

Aalukin na lamang ako ng meryenda.

" Meryenda ka muna sir Leandro. Carll at Llex, umahon na kayo diyan." tawag niya sa mga binatang anak. Teka, saan naman si Princess?

Masisilip kasi ang pool area nila dito sa sala na kahit malayo ay tanaw na tanaw mo.

" Ma, ayaw ni Princess umahon at namamaktol na naman. " sumabong ni Carll sa mama niya.

One Night Stand - SEASON 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon