Chapter 88 Mga kuya ko!

352 12 2
                                    

Kinabukasan.
Naunang nagising ang lahat maliban sa prinsesang hindi pa rin nakakalabas ng kwarto niya. Na napuna agad ng mga kuya niya at mga magulang. Kaya inutusan ang mga binata para puntahan sa kwarto nito.

Kakatok na lamang ang mga ito sa pinto ng kwarto ng kapated nila.

" Princess, gising na. " katok ni Carll.

" Princess, papasok na kami kapag hindi ka pa sumagot. " sabi naman ni Llex na wala namang sumagot sa kanila kundi katahimikan.

" Pasukin na nga natin baka ano na nangyayare sa kaniya. " sabay susi sa door knob ng pintuan.

Bumungad sa kanilang dalawa ang kapated nilang nakahiga pa sa kama at nakayakap sa tedy bear na malaki.

" Sabi na nga ba at feel na feel niya ang pagyakap sa regalong tedy bear sa kaniya." wika ng binatang si Carll at saka nilapitan nila ang kapated sa kama.

Tinapik ni Llex si Princess para ito'y gisingin. " Princess! Gising na! Hala, ang init niya kuya. " puna ni Llex na kumaripas ng dampi sa noo ng kapated.

Napa dampi naman si Carllex at nag alala ng maramdaman ang napakainit na temperatura ng kapated nila.

Napatayo si Carll at agad na nagbilin.

" Llex, diyan ka muna at try mo siyang gisingin. Bababa ako sa kusina at kukuha ako ng gamot. " bilin pa niya sa kapated nito.

Mapapansing halatang matulin ang pagbaba ni Carll sa hagdan at agad itong tumungo sa kusina.

" Carll, may problema ba? " usisa ni Carllex sa anak na noo'y dali - daling naghahanap ng palanggana at bempo.

" Pa, ang taas ng lagnat ni Princess. " balita niya rito.

Napatayo na lamang si Jen at nag alala si Carllex sa binalita ng anak nila. Kaagad itong nagsi akyatan sa kwarto ni Princess.

" Princess... " tawag ng pag alala ni Jen habang patungo sa kwarto ng anak nilang mataas ang lagnat.

Carllex Pov's
Ano kaya ang nangyare kay Princess? Bakita siya nilalagnat? Nagkasugat kaya siya kahapon sa suot niyang shoes? Mga tanongna sumasagi sa isipan ko. Nag aalala ako sa kaniya at kahinaan namin siyang lahat. Bilang ama ay ayokong nagkakasakit ang anak kong dalaga. Kailangan ko pang bumawi sa kaniya at babawi ako dahil nandito na siya.

Pagdungaw ko sa kwarto niya ay agad akong lumapit sa kaniya.

" Llex, ako na riyan. Princess, papa is here." kaagad kong check sa noo niya.

Hindi pa kasi siya gising at nakayakap pa rin ito sa tedy bear niya.

" Princess, " gising naman ni Jen sa kaniya ng bigla siyang gumalaw.

" Good morning papa, mama at kuya. H'wag na po kayong mag alala at lagnat lang 'to." sabi niya sa akin.

Aba, ang tapang nga at hindi natakot sa lagnat.

" Pero napakataas ng body temperature mo." wika ko sa kaniya.

" Papa, wag kayong OA! " ngiti pa niya at nagtago sa unan.

" Jen, kausapin mo nga itong anak mo at sayo lang yan nakikinig. " sabi ko ng ganun.

Like mother! Like daughter! Sa mama lang niya nakikinig at hindi sa akin. Ayan, nakangiti pa saka may lagnat na nga.

" Heto na ang gamot at pagkain. " pasok ni Carll mula sa baba at may dalang palanggana.

Kasama niya si papa na may dalang pagkain. Mapagmahal si Papa sa apo niyang babae dahil di naman ako binigyan ng kapated e.

One Night Stand - SEASON 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now