Chapter 62 Pilyang si Princess!

446 16 1
                                    

Huminto na ang kotse lulan ang magkasintahan na sina Dona at sir Seigio kasama ang mama at kapated ng dalaga. Hindi niya hahayaang malungkot ang nobya niya sa mam niya at kapated. Habang papasok ng sala ay sinalubong sila ng lahat.

Tulak - tulak naman ni sir Seigio ang mama ng nobya niya na nakasakay sa wheel chair.

" Welcome sa pamilya de la Vega, Mrs. Manalo. " bati ng lahat.

" Maraming salamat señore Carlos saka nakakahiya naman ata. " tugon ni Aling Bell.

" Hi ante, " bati ni Jen rito.

Sandali namang ililipat ng upuan ang mama ni Dona sa sofang malambot. Pag uusapan nila ang tungkol sa lahat.

" Ma, papa, lola at sa inyong lahat. Gusto ko nang pakasalan si Dona. " pagtatapat ni sir Seigio na ikinangiti ng lahat.

" ayieee... " tilian ng lahat na tila excited na ito.

" Teka, sasabay ka ba sa amin ni Jen? " usisa naman ni Carllex.

" Ano? Handa ka na bang magpakasal, My future wife? " usisa ni Seigio sa nobya.

Napatitig na lamang si Dona sa mama niya at tumango lang ito.

" Excuse me po! " cute na sambit ni little Princess na may dalang meryenda sa tray.

" Ay ang cute niya, Jen. " pangigigil ni ma'am Jenny rito.

" Meryenda po muna! Hi ate Mary, kamusta ka? " usisa ng little Princess na titig na titig ang lahat sa kaniya.

Mapapalingon na lamang sila ng magsidatingan ang dalawang pogi.

" Meryenda po kayo, " alok naman ng dalawa na may kasamang kapogian.

" Aba, ang bibinata na ng mga baby ko ah! " puna ni Carllex sa mga anak niyang ang bibibo na.

" Papa, ano po ang result nong lab test niyo ni mama? " baling ng usapan ng little cute na si Carll.

" Oo nga no, " tayo ni Carllex at kinuha sa may drawer ang dalawang envelop nila ni Jen.

" Sana negative na para makatulog na si Jen ng maayos. " wika ni Mang Jeno na noo'y katabi ni sir Fierce sa sofa.

Napayuko na lamang ang lahat ng sandaling buksan na ang mga envelop ni Carllex. Nalungkot na lamang ito.

" Kyahhhhhh, it's both negative! " paglulukso sa tuwa ni Carllex na ikinatayo ng lahat at tiningnan na rin.

Napatalo na lamang ang tatlong pilyo na masayang - masaya na rin.
" Yehey! Wala nang sakit sina mama at papa. " takbo ng mga ito habang palibot - libot sa sofa.

" Thank you so much, Lord! " napaiyak na lamang si Jen habang niyayakap ang asawa niya.

" Let's celebrate! " sambit naman ng señore Carlos at sumang ayon ang lahat.

" Ilabas lahat ng Wine diyan! " utos naman ni sir Fierce.

" Magluluto kami ng paborito ninyong pagkain. " sambit ng mga Manang.

" Mama, tulong po ako sa kanila. " paalam ng little Princess na ikina tahimik ng lahat.

" Bakit? Marunong ka bang maghiwa ng sibuyas? Paiyakin ka lang non? " sabat ng lolo Fierce niya.

" Ay, mas matapang pa nga po ako sa sibuyas. " cute na sagot ni Princess na ikinatawanan ng lahat.

Halatang may nagmana sa kasipagan ni Jen at kahit musmus pa ay alam na alam ang gawaing bahay.

" Papa, alagaan mo si mama ha saka masayang - masaya po ako dahil magaling na kayo ni mama. " wika ng munting prinsesa na hindi magpapatalo sa kakulitan.

One Night Stand - SEASON 2 (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora