Chapter 47 Pusong Nagdudusa!

1.1K 25 3
                                    

Kinabukasan
Hindi na lamang pinapasok sa paaralan ang tatlong pilyong mga bata dahil pina obserbahan muna ito sa doktor sa trauma na dinanas ng mga ito.

" Lolo, look po ang dami ko nang ipon. " buhat buhat ng munting cute na batang babae sa piggy bank niyang kulay peach.

" Wow naman, ang good girl ng apo ko. " karga sa kaniya ng lola Rygoza niya na may dalang isang batalyong bodyguards para hindi na maulit ang nangayare.

" Lola, alam niyo po ba. Sana po, bumalik si papa para hindi na malungkot si mama. Tapos pro - protektahan niya kami. " wika ng inosenteng prinsesa na tila nangungulila sa papa nila.

Paparating naman mula sa kusina ang dalawang poging munting mga binata. Karga - karga ang piggy bank nila.

" Lola, si Princess lang po ba ang kakargahin niyo? " wika ng dalawang poging cute na halatang nagseselos na naman.

Matatawa na lamang si señora Rygoza at isa - isang kakargahin ang mga apo niya sa tuhod.

" Ilan na kaya ang ipon natin? " usisa ng poging si Carll na tila babasagin na ang piggy bank niya para bilangin ang laman nito.

" Kuya Carll, babasagin ko na rin sa akin para idagdag. " sabi ni Princess Maria.

" akzo na ang mauuna, " basag na ni Llex ng piggy bank niya.

Napaingay na lamang ang tagli - limang buong barya at sampung buong mga barya sa lapag.

" Wow, ang dami na pala.." sambit nilang tatlo.

" Ako rin, " basag ni Princess Maria ng piggy bank niya na puno naman ng sampung buong barya.

" Hala, ang dami ng mga yan Princess. " sabi ng kuya Carll niya na napabasag din ng piggy bank niya.

Maririnig na lamang ang bilangan ng mga ito habang nasa lapag sa nakalatag na carpet. Ang mga ipon nilang mga barya na tila may pinaglalanan ang mga ito. Makikitang dalubhasa na sila sa pagbibilang at naka abot na thousand ang pagbibilang nila.

Jen Pov's
Napatigil na lamang ako ng may narinig mula sa sala na tila nagbibilang na naman ang mga mathematician kong pilyong mga anak. Ano kaya ang binibilang nila at may naririnig na akong one thousand twenty five.

Anak nang... Hala ka Jen, binasag na pala nila ang piggy bank nilang tatlo.

" Pwede bang sumali? " sabi ko ng ganun sabay upo sa tabi nila.

" Sorry po mama we're busy! " sabay nilang sagot sa akin at nagpatuloy sa pagbibilang. Aba, nang snob ang mga pilyong ito.

" One thousand nine hundreds twenty five pesos! Yehey, ang dami ng ipon ko. " palakpak ni Llex. Aba, ang lupit non ha!

" Two housand and five hundreds pesos! Ang dami mama! " lukso naman ng princess ko.

" Ang sayo, Carll? " usisa ko sa panganay ko.

" It's two thousand and two hundreds pesos! " tugon niya sa akin.

Magyayakapan na lamang silang tatlo sabay alis sa harapan ko. Hala, saan naman ang punta ng mga pilyong iyon at iniwan ang pera nila sa lapag.

Nakakatuwa talaga sila. Lagi nilang tinatabi ang mga baon nilang sobra at hinuhulog sa piggy bank nila. I'm so happy at maruno silang magtipid. Teka, ano kaya ang bibilhin ng mga iyon at binasag na ang piggy bank nila.

Ayan, pabalik na iyong tatlo kong mga anak at may dalang kahon. Diyan ata ilalagay ang mga ipon nila mula sa piggy bank nilang binasag. Nilagay ko na lamang sa basurahan ang mga basag na bahagi ng piggy bank nila.

Naririnig ko silang nag uusap.
" Kuya, kasya na ba ito? " ask ni Princess.

" Sobra na nga eh, " tugon naman ni Carll.

" Pstt, baka marinig tayo ni mama. " bulong ni Llex.

Aba, ayaw ata iparinig sa akin ang usapan nila. Ano kaya ang binabalak ng mga ito at binasag na ang mga alkansiya nila?

" Mama, sa kwarto lang po kami. " paalam nila sa akin habang dala - dala ang ipon nila. Hmm, may hidden agenda ang tatlong pilyo.

Napalingon na lamang ako sa pintuan ng makarinig ng pagtawag.

" Nandiyan na! " sabat ko at dali daling bumaba ng hagdan. Sino kaya iyon? Wala naman kaming bisita saka maraming ikinalat si lola na mga tao niya sa paligid ng bahay.

Pagdating ko sa baba ay agad na may bumati sa akin.

" Good morning ma'am Jen! " bating pamilyar sa akin. Si sir Charles pala at mukhang nagjogging siya. Naka black hood siya at may nakalaylay ang headset sa gawing kwelyo ng hood niya.

" Kayo pala sir, " tugon ko naman. Bigla nalang nag iba ang mood niya ng may makitang scene of the crime barigade sa bandang kanan ng bahay.

" Anong anyare diyan? " lapit niyang usisa sa bandang iyon na tila interesado sa nangyare.

" May bumato kasi sa bintana ng mga anak ko kaya ayon. " sabi ko kay sir.

Napa cross arm na lamang si sir Charles at tumingin sa malayo. Ano kaya ang problema niya?

" Sir, may I help you? " usisa ko sa kaniya habang nakatayo pa rin siya sa may bandang barigade.

" Mauuna na ako teacher Jen! Mag iingat ka at protektahan mo ang mga anak ko. Nagsisimula pa lang sila. " sabay tapik niya sa balikat ko at lumisan sa harapan ko.

Anong pinagsasabi niya? Sino naman ang magtatangka sa buhay namin? Wala naman akong atraso sa ibang tao? Nakaka pagtaka talaga si sir Charles.

Sa bahay ng isang binata.
Makikitang napalibot ang napakaraming bodyguards niya sa bawat kanto. Ang salang kumikinang sa ganda at kagamitang hindi mo mawari kung magkano ang halaga.

May binatang paparating suot ang black hood jacket na tila mula sa pagjojogging.

" Good morning sir Charles. Your breakfast is ready! " pa alam nito sa kaniya at sandaling yumuko.

" Arghh, " bato niya ng nahawakang bagay sa lapag.

" Sir Charles, " lapit ng secretary niya.

" Naaawa ako sa kanila pero bakit wala akong magawa para damayan sila. " wika ng binata habang napa hawak sa ulo niya.

" Sir Charles, breakfast muna kayo at mamaya na yan. Magpalakas kayo iyon lang ang magagawa niyo ngayon. " payo ng sekretaryo niya.

" Paano ako kakain? Habang mayroong nanganganib? " sabat niya rito.

" Hali na kayo sir Charles para makainom na kayo ng gamot. " yaya sa kaniya at pinilit na makakain.

Someone Pov's
Lumaban ka sir Charles at marami kaming umaasa na gumaling ka.
Andito lang ako sir Charles nasa tabi mo lagi.

" sir, " paupo ako sa kaniya at kinuha ang gamot niya.

Hindi siya makakain ng maayos sa pag iisip niya. Paano pa kaya kung may masamang mangyare sa mga mahal niya. Gaya nong nangyare kagabi.

Napasubo na lamang siya, " Saan na iyong gamot ko. " sabi niya.

Kaagad ko itong inabot sa kaniya at ininum na niya. Hayys, nagpapabaya na siya sa pagkain at hindi ko pwedeng pabayaan siya dahil malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Parang magkapated na rin kami kaya walang iwanan.

" Alam mo Kyle, gusto kong yakapin sila pero hindi ko magawa. Nagpapanggap ako na hindi ko sila nakikilala pero ang totoo. Masakit Kyle, para akong sinasaksak sa likod. " wika niya sa akin. Mas malala pa kapag nalaman nilang may sakit siya at nasa taning na ang lahat.

" Don't worry sir Charles! Gagaling ka pa at makakabalik ka pa sa mga magulang mo. Nakaligtas ka nga sa pagsabog at sinisigurado kong makakaligtas ka rin sa sakit mo. " payo ko sa kaniya para lumakas ang loob niya.

Tutulungan kita hanggang sa muli kang maging masaya.
Wag kang susuko sir Charles maraming naghihintay sa pagbabalik mo.
Mula dito sa Isla hanggang sa bayan ng San de la Vega!

One Night Stand - SEASON 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now