Chapter 81 Pangungulila sa isa't - isa!

379 12 0
                                    

Hindi maipaliwanag ang mukha ni Carllex na mas lalong puno ng pag alala si Jen sa nangyare kay Princess. Ang mga kuya naman nito ay hindi pa rin makapaniwala at nanatili sa tabi ng kapated nilang wala pang malay.

Pa ikot - ikot si Carllex sa paglalakad kanina pa. Nahihilo naman ang papa niya sa ginagawa niya.

" Carllex, umupo ka nga. Mas lalo mo lang pinag alala ang sarili mo. " wika ni sir Fierce sa anak niya.

Mauupo ito sa kama at hahawakan ang kamay ng anak nito.

" Napakatapang niya Carllex. Hindi ko akalain na nakapasok siya sa bahay ni Leandro. Pinaamo niya ang binatang iyon at dinala tayo sa katotohanan. Lubos akong nasisiyahan sa ginawa ng prinsesa natin. Ngunit bakit siya nawalan ng malay? " ang tanging usisa ni Jen habang nakatitig sa anak niya.

" Ayos lang po ako. " inat na sagot ng katawan niya sabay bangon at ngumiti sa lahat.

" Aba! Nagawa mo pang ngumiti. " kurot sa pisngi niya.

" Pa, nawalan lang ako ng malay kasi hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang excited. Alam niyo papa tapos na kaming mag exam. Dala ko nga ang result. " sabay hanap ng bag niya na ikinatitig sa kaniya.

Princess Pov's
Nasaan na ba 'yon? Andito lang 'yon sa bag ko eh. Inilabas ko na lamang lahat ng gamit ko sa bag na ikinatitig nila.

" Nandito pala. Ito papa at mama saka para ho sa inyo. " abot ko ng papers na andoon ang result ng exam ko.

Napansin ko na lang sina kuya nakatitig lang sa akin.

" Hi kuya Carll at kuya Llex. Mis niyo ba ang kakulitan ko? " lambing kong akbay sa kanilang dalawa.

Sabay nilang kukunin ang mga braso kong naka akbay sa kanila.

" Syempre naman. " sabay nilang titig sa akin. Kyahhhh, ang popigi nila.

" Teka, sa akin talaga nagmana si Princess. Perfect oh! " pagmamalaki ni papa.

" Eh di sayo. " tampo ni mama saka lumabas.

" Papa, inaaway niyo na naman si mama. " akma kong baba sa kama na pinigilan naman ako nina kuya.

" Dito ka lang saka marami kaming dapat na itanong sayo. Diba Llex, " pasang ayon ni kuya Carll sa kaniya.

" Ay, papa namis ko po 'yong sandwich. Si Boss kasi ginawan niya ako saka puro vegetable ang laman. Gawan niyo din ako papa. " kulit ko kay papa na napangiti na lamang sa akin.

" Sige, Carll at Llex bantayan niyo yang kapated niyo. Bye muna, Princess. " kiss ni papa sa noo ko. Para akong bata na binabantayan.

Napahiga na lamang ako nang biglang yumakap sa akin ang mga braso nila sabay titig sa akin. Nanliit na lamang ako ng titigan ng sabay ng mga pogi kong kuya. Napatingin na lamang ako sa itaas.

" Princess, wag ka nang mawawala ha. Alam mo bang gabi - gabi ay umiiyak at nanaginip si mama. She missed you so much. " sabi ni kuya Carll at napatitig sa akin.

" Promise, hindi na ako mawawala. Mga kuya, ba't ang popogi niyo? " usisa ko sa kanila habang nakatitig kay kuya Llex.

" Magsama nga kayong dalawa. " bagon ni kuya Carll at nagwalk out.

" Hala, nagtatampo ba 'yon? " usisa ko kay kuya Llex na napatawa nalang.

" Hayaan mo siya nagselos lang 'yon kasi nasa akin ang pokus mo. " tugon niya.

Hala, nagseselos pala si kuya Carll at nagwalk out. Parang si papa. Bumangon na lamang ako at yumakap sa tedy bear ko. Andito pa ang lahat ng mga tedy bear ko sa room ko. Walang ginalaw si mama rito. Ang loob ng kwarto ko ay kulay pink. Ang damit ko nga ay pink rin.

One Night Stand - SEASON 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon