Chapter 98 Ang Pagtitipon!

605 11 0
                                    

Maririnig na ang Pagtambol ng isang drum na hudyat na paparating na ang pamilyang hinihintay ng lahat.

" Buenas diaz, mi dear amigo at amiga. Ladies and gentleman, let's give an overwhelming applause to the two families that join today. Family De la Vega and Family Rygoza. " pakilala ni King Deave na noo'y nagsalita ng wikang Filipino dahil sa isang pakiusap sa kaniya.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay nakakaintindi ng wikang Filipino ang mga dumalo dahil sa isang batas na ipinatupad ng hari ng Spanya. Habang, naglalakad patungo sa unahang bahagi ang dalawang pamilya ay mayroon namang namumulahang pisngi sa mga dalagang dumalo sa coronation na iyon.

" There are so handsome! " sambit ng mga dalagang namula ang pisngi sa pagdaan ng dalawang poging binata.

Nagsi upuan na ang lahat. Magkakasama naman sa unahang bahagi ng mga silyang pang VIP ang de la vega at Rygoza.

" Habang naghihintay ang lahat ay maari kayong tumayo at makipag batian sa bawat isa. " wika ng haring nagsasalita sa unahan.

Maririnig na lamang ang pagtugtug ng mga violen sa saliw ng mahinang tugtugin. Magtatayuan ang mga dalaga na tila iisa lang ang pakay nila. Ang magkamukhang binatang magkatabi sa upuan na naka kuha ng atensiyon nila.

Sa kabilang banda.
Dumating na ang kalesang lulan ang prinsesang kokoronahan. May mga kasama itong knight sa bawat gilid niya. Sandali siyang bababa sa kalesa at hahawakan ang gown niyang puti na nakalaylay sa lapag.

" Ang haba - haba nito, manang Elena. " reklamo ng dalagang prinsesa na tila nasasagabalan sa suot niyang napakahaba.

Matatawa na lamang ng palihim ang manang na si Elena. Habang inaalalayan niya ang prinsesa nito. Nagsiyukuan na lamang ang mga bantay sa entrance ng palasyo. Maghahanay sila at maghuhudyat sa loob na papasok na ang prinsesa.

Princess Pov's
Goshhh.. Sobra akong kabado. Para akong ikakasal sa puting gown na suot ko. Grabi, padungaw pa lang ako sa pintuan ng harangan ako ng mga interpol.

" This is way, your highness." sabay guide niya sa akin sa isang daan.

Hala, ang daming alam. Saan pa ba ako dadalhin ng mga ito?

Nakasunod din sa akin si manang Elena. Sabi ko sa kaniya na wag niya akong iwan kasi baka maligaw ako.

" Manang, bakit dito tayo dadaan? Pwede namang sa pintuan! " usisa ko ng ganun. Ang daldal ko talaga at ang reklamador.

Nginitian na lamang ako ni manang at hinawakan ang laylayan ng gown ko.

" Be ready, your higness." wika niya na nasa likuran ko.

" Teka, lalabas na ba ako? " usisa ko ng ganun.

Di pa kasi ako ready at hindi ko alam kung anong ibubungad ko.

Ay hala, ayos na ba ang mukha ko? Ang buhok ko? Hayyst, sana naman hindi ako matipalo sa paglalakad ko. Nakakahiya kaya at mataas na sapatos ang suot ko. Kaya ko 'to!

Kumabog na lamang ang dibdib ko ng bumukas ang malaking pinto na nasa harapan ko. Isang liwanag ang bumungad sa akin at mga taong nakabihis ng pormal na nagsitayuan ng ako'y masilayang nakatayo.

Maya - maya pa ay narinig ko ang isang pagbati sa akin.

" Let's all welcome! The First Princess of this generation! " rinig kong pagbati sa akin na ikinakaba ko.

Nanlamig ang mga kamay ko kasabay ng paglapit ng mga camerang nasa bawat gilid ngunit pinipigilan ng mga nakabantay na mga alagad ng batas. Para akong isang anghel sa sandaling iyon. Hindi ko na lamang naramdaman si manang Elena sa likuran ko. Huhu, mag isa lang pala akong maglalakad.

One Night Stand - SEASON 2 (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant