Chapter 96 ❤Rygoza and Henry❤

348 12 2
                                    

Warning: Rated Spg! Matured Content!
________________________________

Jen Pov's
Ang lalaking iyon. Wala nang ginawa kundi taguin ang phone ko. Tskk, sarap niyang tadyakan kanina eh.

" Pangit, hintayin mo ako. Date tayo! " ayan na naman siya. Aba, sinundan ako.

Hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako. Bahala siya!

" Pangit, wag ka nang magalit. Para naman bata eh. " sabi pa niya.

" Mukha mo! " sabat ko sa kaniya.

" Hali ka nga dito." hila niya sa akin papuntang bisig niya.

" Bitawan mo nga ako! Tatadyakan talaga kita. " pagpupumigla ko. Itong lalaking ito nakakainis talaga!

" Jen, ang sungit - sungit mo sa akin. Oo nga pala, gusto kitang maging secretary saka pagkatapos ng coronation ng anak natin ay magkasabay na tayong papasok sa trabaho. Si Princess naman ay makakasama niya lagi ang kapareha niyang prinsepe. Well, may tiwala naman ako roon. So ano, payag kana pangit? " pa sang ayon niya sa akin.

" Ayaw mo nga akong titigan ng iba tapos gagawin mo pa akong secretary mo. " bara ko sa kaniya na ikinangisi pa niya.

Ay naku, wala talagang sense pag siya kausap ko. Dinadaan pa niya sa pangisi - ngisi.

" Mabuti nga iyon at susante ang aabutin ng sinumang titig ko. " masaya pa talaga siya. Ay naku Jen! Sumisinghot na naman siya sa leeg mo.

" Carllex, lumayo ka ng sa akin. Wag mong kagatin yang leeg ko dahil makakatikim ka talaga ng tadyak sa akin. " banta ko sa kaniya.

" Ayoko nga, it's ten years ng hindi ko nakakagat yang leeg mo. " ngisi niyang sambit at nakatitig na naman sa leeg ko.

" Diyan ka na nga." iwan ko sa kaniya.

Ang lalaking iyon panay ang sunod sa akin. Ay hala, naloloko na talaga siya. Papasok na ako ng sala at ayan. Nag iimpake sila. Si Princess naman ay nakikipaglaro ng dama sa lolo Henry niya.

" Princess, nagtake ka na ba ng gamot mo?" usisa ko sa kaniya.

Hihinto na lamang siya sa paglalaro at tumugon sa akin.

" Opo mama, " masaya niyang wika at ibinaling ang mga mata sa paglalaro nila.

Sinalubong naman ako ng mga pogi naming mga binata.

" Ma, naka impake na kami pero si Princess ay hindi pa. Sabi kasi ni lola Mia ay nakahanda na daw ang mga gamit niya pagdating natin doon. " balita sa akin ni Carll.

" Teka, anong nangyare diyan sa noo mo Llex? Pimples ba yan? " usisa ko sa ikalawa kong binata na may tagyawat na sa noo niya.

" Ma, hindi ko nga alam kung bakit may pimples na ako. " tugon niya sa akin.

" Siguro may crush ka na? " usisa ko sa kaniya ng ganun. Napakamot na lamang siya bigla.

" Ma naman. " sabat niya.

" Gumamit ka ng pangpatanggal sa pimples doon sa may kwarto namin. Pumunta ka ng rest room. May litle bottle doon na kulay. Gamitin mo iyon. Baka hindi ka magustuhan ng mga babae sa coronation day. Marami pa namang chiks do'n. " Loko kong sabi sa kaniya.

" Mama talaga, " kamot niyang sunod sa sinabi ko.

" Pa, saan kayo galing ni mama? " usisa ni Carll sa papa niya. Aba, andiyan na pala ang papa nilang adik sa leeg.

" Nagdate kami ng mama mo. Diba pangit? L" pasang ayon niya sa akin. Hala, nagdate daw? Batukan ka kaya 'to!

" Tskk, doon ka na nga. Saka hindi ka pa nakakapag impake. " Sermun ko sa kaniya.

One Night Stand - SEASON 2 (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora