Chapter 51 Lambingan at Asaran!

890 33 4
                                    

Matatawa na lamang ako habang papaupo sa sofa. Si Jen kasi takot sa ipis at ayaw niyang nanghuhuli ng ipis ang baby girl namin. Ewan ko ba, pero ayaw niyang laging naghahabol ng ipis ang little princess namin. Isa pa, maraming mikrobyong dala ang ipis kaya ayan hindi nagkakasundo ang mga kilay niya.

" Mama, galit po ba kayo? " lapit ni Princess na tila nahihiya sa mama niyang galit na naman.

" Naghugas kana ba ng kamay? " usisa ni Jen sa kaniya.

" Hindi pa po kasi mataas iyong disinfectant hindi ko po maabot. " sabi niya habang payuko yuko sa harap ng mama niya.

" Hali ka at ako na sasama sayo. " sabay karga ko sa kaniya.

Mukhang badtrip na naman kasi si Jen at ayan nagtataray na naman.

" Galit po si mama. " sabi niya ng ganun habang karga karga ko siya.

" Mamaya mo na siya kausapin at magsorry ka. " sabi ko sa kaniya.

" Opo papa. " tugon niya.

Matapos ko siyang bantayan sa paghuhugas ng kamay ay marami akong napansin. The way na gumalaw siya at maghugas ng kamay ay kalkulado ang bawat minutong nilalaan niya rito. Mukhang tinuruan talaga sila ni Jen kung paano maghugas ng kamay. Hindi ko nga alam kung ilang minuto dapat pero siya. Bihasa sa paghuhugas ng kamay saka kumakanta pa ng happy bday.

Hindi ko pa lubos na nakikilala ang bawat isa sa kanila kasi kababalik ko lang. Itong si Princess, sa tingin ko matalino siya at trip niyang magpasaway sa mama niya.

" Papa, birthday ni mama bukas." bulong niya sa akin.

" So, anong gagawin natin? " usisa ko sa kaniya habang nag iisip rin siya.

" Pa, gagamitin po namin nina kuya iyong naipon namin. Saka promise ko kay mama hindi na po ako maghahabol ng ipis. Mama said, I'm not a little girl anymore! " wika niya sa akin.

" Bakit, may crush ka na ba? " usisa ko ng ganun sabay kurot sa pisngi niya.

" Opo papa! " sabi niya ng ganun.

Aba! Ang batang ito kabata pa pero may crush na.

" At sino naman? " usisa ko sa kaniya.

" kayo! " sabay hagikhik niya.

Aba, may pagkaloko loko pala itong prinsesa namin.

" Crush pala ha. " sabay kiliti ko sa kaniya na ikipigil niya.

" Papa, h'wag po diyan. May kiliti po ako diyan. " hawak niya sa mukha ko.

" Princess, ang milk mo. " tawag ni Jen na nasa kusina.

" Papa, baba niyo na po baka magselos sina kuya. " sabi niya habang gusto niya nang magpababa bago pa maiinggit ang mga kuya niya.

Dinala ko siya sa kusina at ayan si Jen panay ang hiwa ng repolyo. Mukhang magluluto ata ng pansit.

" Ang milk mo, Princess. " bigay niya rito.

" Mama, sorry na po. " kalabit niya rito sabay hug.

" Princess, be a good girl ha. Halika nga, " karga niya rito at hinagkan sa pisngi.

" Opo mama, " kiss niyang ganti rito.

" Diyan ka muna sa papa mo at nagluluto pa si mama. " bigay niya sa akin.

" Inumin muna milk mo. " abot ko sa kaniya.

" Thank you papa at mama. " sabi niya ng ganun at iniinum na ang milk niya.

Habang pinagtagpo tagpo ang mga paa niya.

Pagkatapos niyang uminom ng milk niya ay hinugasan niya ang baso nito. Mukhang disiplinado talaga sila ni Jen at mukhang natututu na sila sa mga gawain sa bahay.

One Night Stand - SEASON 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now