Kabanata 6

133 18 1
                                    

Kabanata Anim

TREXIE DIAMANTE

I stared at him at disbelief. Nanlaki ang mata ko at hindi makagalaw ang baba ko. Am I dreaming? Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa baba ko. Sira na ba ang utak ko!? Yong totoo expired na braincells ko no!?!?
I feel like I got frozen, nangingilid ang luha sa mata hanggang sa di ko na makayanan, humagulgol na ako.

Hindi ko alam kong pano ako nakapunta dito! Wala akong alam sa lugar nato! Paano ako mabubuhay dito kung ang panahong ito ang nagpahirap sa mga Pilipino!? Sa pagkakaalam ko, hindi mga Pilipino ang namumuno sa panahong ito!


"Tumigil ka sa pag-iyak!" banta nito.

"P-pano ako titigil sa p-pag-iyak kong p-papatayin nyo na ako! I-ikaw kaya ilagay ko dito sa p-pwesto ko t-tingnan natin kong di ka  i-iiyak huhuhu bwesit ka" bobo pala sya eh! Sa tingin nya ba mapapahinto nya ako sa pag-iyak? Leche! Huhuhu

Natawa ang isa sa mga kawal kaya pumuot ako. Sinamaan sya ng tingin ng lalaki kaya natahimik sya at sumeryoso.

"Wala tayong makukuhang impormasyon sa babaeng ito" natauhan na siguro syang hindi ako espiya.... hays mabuti nalang "Tapusin nyo na ang isang yan para matapos na tayo"

Wait...

Ibig nya bang tapusin ay ako?

Nagsikilosan ang mga kawal na parang hinahanda na ang garote. Umatras din ang lalaki palayo sa akin para bang gusto tingnan kong paano ako mamamatay.

"Paalam Indio"

"Waaaag! Aamin na ako! Gagawin ko lahat ng iuutos nyo wag nyo lang akong patayin please! Aamin na ako!" Nakapikit kong sabi, hindi parin mapigil ang puso ko para na itong sasabog dahil sa lakas ng kabog nito.


"Hinto"

"A-a-amin na a-ako p-please w-wag nyo akong p-patayin" hagulhol ko dito.

"Kung ganun inaamin mo ng espiya ka ng Espanya?" sarkasmong ngisi nito confident na confident sa sinabi.

"H-hindi, h-hindi ako galing sa E-espanya at mas l-lalong hindi a-ako espiya" seryosong ani ko na ikinagulat nya pero agad din itong napalitan ng sarkasmong ngisi, hindi naniniwala.

"Tapusin nyo na, pinapaikot lang tayo nitong In—"

"Hindi nga sabi!" singhal ko sa kanya. "Kahit mapatay nyo ako ngayon, hindi parin magbabago ang sagot ko! Hindi ako galing Espanya dahil isa akong Pilipino! At mas lalong hindi ako espiya ng mga Espanya! Paano ako magiging espiya kung dahil sa mga taga Espanya ay naghihirap ang nga Pilipino noon!? Paano ako magiging espiya kung sila ang naging dahilan kung bakit maraming namatay na Pilipino noon!? Sila na walang ibang ginawa kundi ang pamunuan at sakupin ang Pilipinas na bayan ko!? Sila na nagpahirap sa buhay ng mga kababayan ko? Sa tingin nyo espiya ako? Pwes HINDI! Dahil kahit minsan hindi ko naisip na ipabagsak ang sarili kong bayan!  Ipinanganak ako sa Pilipinas dahil shempre dito ako nakatira! Kung ayaw nyong maniwala edi wag! Mga bwesit kayo! Waaaaaah!" hinihingal kong singhal. Bakas naman sa ang gulat sa kanilang lahat at hindi makapagsalita.

I'm Stuck At Year 1870! Where stories live. Discover now